Chapter 4, Wave 1

387 12 3
                                    

*Chapter 4, Wave 1*

(A/N: "Wave" is my version for "Part")

= Ashley speaking =

"Saan ka galing?"

Iyan ang unang bumungad sa akin pagpasok ko ng condo.

Gulat akong tumingin sa lalaking biglang nagsalita na nakaupo sa couch.

"Kuya? What are doing here? Paano ka nakapasok sa condo ko?" Tanong kong 'di makapaniwala.

Tumayo sya at nilahad nya ang kanyang palad na naglalaman ng isang susi. Spare key.

"At saan mo naman nakuha iyan?" Tanong kong naka-crossed arms.

"I have my sources," He smirked.

"Well, give me that! This is my roof and I want privacy," Akma kong kukunin ang susi sa kamay niiya nang bigla niya itong inilayo.

"Kuya Matt! Give me it!" Pilit kong inaabot ang susi sa kanya, but it's no use, ang tangkad niya eh!

"No way," Umiling sya habang nakataas ang isang kamay niyang may hawak ng susi.

Okay, I give up. 'Di ko rin naman makukuha 'yun.

"Psssh, why are you here anyway?" Pag-iiba ko.

"Aah, sabi ko na nga ba at nakalimutan mo,"

"Huh? Ang alin?" Naguguluhan kong tanong.

Ano bang meron ngayon?

"Tsk tsk!" He just shook his head.

"Ano nga kuya?" Pamimilit ko.

"San ka ba galing?" Di nya pinakinggan ang tanong ko.

"Sa club. Now, will you please tell me kung anong meron ngayon?"

"Sa club? It's almost one o'clock!" He exclaimed, "Sino'ng kasama mo? May pasok ka ba bukas?"

Geez! Nandito ba sya para sermunan ako? I'm seventeen for Pete's sake, I'm old enough!

"Kasama ko ang mga friends ko. And wala, wala akong pasok bukas," I said blankly, "Since when did you become so interested with my affairs kuya? And why are you being so nosy? You're not my Dad," Taas kilay kong sabi.

"Yes, I may not be your dad pero kapatid pa rin kita, responsibilidad pa rin kita,"

"Oh please," I snorted then rolled my eyes.

"Ashley, since when did you become such a brat?!" Pikon niyang tanong.

"Since when did you care?" I said in a mocking tone.

"Bakit ka ba nagkakaganito?"

"Tss, tingnan mo! Wala kang ngang alam sa mga nangyayari sa buhay ko eh,"

Natahimik kaming dalawa. Akma akong tatalikod sa kanya papasok sa kwarto ko nang muli siyang magsalita.

"Iyan ba ang epekto sa iyo ng pakikisama diyan sa mga kaibigan mong patapon?"

"Don't you ever say that in front of my face kuya! Wala silang kinalaman dito. Kagustuhan ko ang lahat ng nangyari,"

How dare he?! Wala syang alam tungkol sa mga nagawa ng mga kaibigan ko sa akin. Maaaring sila ang dahilan kung bakit ganito ang ugali ko, pero sila din ang dahilan kung bakit ako naging palaban. They taught me how to be fearless. They may be a bunch of bitches, but they're my bitches. Sa kanila ko naranasan ang pakiramdam ng may nagmamahal.

"Sa mga panahong kailangan ko ng karamay sila lang ang nandyan. At kayo? Nasaan kayo noon? Sila mommy at daddy, walang ibang inatupag kundi ang lintik na negosyo na yan. Pati ikaw na dapat na tumatayong pangalawa kong magulang, wala rin. Kaya don't treat me as if I'm your responsibility at wala ka ring karapatang pangaralan ako tungkol sa mga kaibigan ko dahil wala kang alam. Wala ka namang pakialam sa akin eh. You were never there when I needed a brotherly comfort. Alam mo naman na wala akong kaibigan before much happened," Panunumbat ko sa kanya.

When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon