Important Notice: (Lol)
Ang pagbigkas po ng pangalan ni Fabian ay hindi Fab-yan kundi Feyb-yan. Tunog antigo po kasi ang Fab-yan eh. Parang pangalan lang ng lolo. And Feyb-yan sounds sossy. Again, it's Feyb-yan. Ipu-push ko po iyan :)
------
*Chapter 13, Wave 1*
= Ashley speaking =
Wala akong bangs pero ang sakit sa bangs ng Accounting. Paki ko ba sa mga iyan? Nand'yan naman ang kuya ko para magpatakbo ng kompanya, bakit pati ako nadamay? Kaasar lang.
Balance sheets, income statements, share capital, dividends, income summary. Gaaaahd! Nahihilo ako sa mga terms. Hashtag: Laslas
Partnership blah blah blah.
Corporation blah blah blah.
Wala akong maintindihan dahil nasa kalawakan ang utak ko. Nando'n siya sa Andromeda Galaxy nakatambay. Hindi makabalik dahil ubos na ang gas ng spaceship.
*shakes head*
Lintik na. Ano ba itong iniisip ko? E kung nakikinig na lang ako, 'di ba?
"... And also, two or more persons may form a Partnership for the exercise of a profe--Yes? Can I help you?" Naputol bigla ang discussion ni Prof. Valdez nang may mag-bukas ng pintuan. Hindi siya estudyante dahil kita naman sa kanyang uniporme. Pero 'di rin naman professor kasi masyadong bata.
"Ahh, can I please excuse Miss Ashley Vega for a moment sir?" Tanong ng isang babae. Tumango si sir Valdez, sign ng kanyang pagpayag.
Ang aking inaantok na diwa, ngayon ay gising na. Ashley Vega daw. Ako 'yun 'di ba? At ano'ng kailangan nila sa Diyosa? I stiffened. Oh nose. Baka may kasalanan ako? I gave my friends a worried look, but they all just shrugged. Some friends talaga ang mga ito.
May offense ba ako sa CSAD? Hindi naman maiksi ang skirt ko ah. Wala din naman akong natatandaang ka-PDA ko. At hindi naman ako nakikipag-PDA noh! Ibahin niyo ako. I'm decent. Or so I think I am.
Ehh, whatever. I did nothing wrong naman, so why bother?
Tumayo ako sa armchair ng may pagtataka at lumabas ng room para harapin ang kung sino mang pangahas na nang-aabala sa pakikinig ko. Nakinig nga ba ako? But still, Accounting pa rin ang klaseng ito. Six units ang course na ito dude. 'Pag ako bumagsak sa next quiz, patay ang lahi nila sa akin.
"Yes?" Tanong ko.
"You're Miss Vega?" Ganting tanong niya.
"Ayy, hindi. Nanay ako ni Ashley Vega. Ako ang nag-aaral para sa kanya. Bwiset." Gusto ko sanang sabihin iyan. Like duh! Lalabas ba ako kung hindi ako iyon? Anak ng tokwabelles naman 'to.
"Yes. Ako nga po si Ashley." Pilit-ngiti kong sabi.
"I'm Bea from Jackson CSA (Center for Student Advising). Accepted na po kayo sa CSA peer tutor. If you could just sign here ..."
Wait. What? Ako accepted? The heck is this crackhead saying?
"Teka, I didn't even took the test. So how come?" Protesta ko. Bago kasi maging student adviser ay kailangan munang mag-take ng test para malaman ang kapasidad ng estudyante para mag-turo.
Hindi ako nag-take ng test na iyon dahil wala akong oras para sa mga iyan at isa pa, sumali na ako sa isang org. I think it's enough para sa extra-curricular activity ko. At 'pag sumali pa ako sa org na ito, mawawalan ako ng social life dahil bahay at school na lang ang option ko.
BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]
عاطفية[Cover by: BluieLove] She's a playgirl. He's a playboy They're poles of the same kind. Think they'd repel? Well, think again. Maybe something in mutual would pull them together. Who knows? ------ Originally, this was "Playgirl meets Playboy", pero u...