Chapter 12

179 12 4
                                    

 *Chapter 12*

= Ashley speaking =

Matapos ang naging pag-uusap namin ay naupo lamang kami. Gano'n lang, walang nagsasalita. Pareho naming nilalasap ang simoy ng hangin at ang katahimikan na pumapalibot sa amin.

"Tara?" Yaya ko sa kanya.

"Saan?" Ganting tanong n'ya.

"'Di ka pa ba nagugutom? Kasi ako, kanina pa ngumangawa ang sikmura," Nakakagutom kaya'ng umiyak at mag-drama.

Hindi na kasi ako nakapag-lunch kanina. Pagkatapos naming magkausap ni Ron ay dumiretso na agad ako para umuwi ng hindi man lang nakapagpapaalam sa mga kabigan ko. Nang makarating sa bahay ay sa kwarto agad ako nagkulong.

Hindi ko alam kung ano'ng nangyari. Hindi ko alam kung ano ba'ng pumasok sa isip ko. Marahil ay dahil sa halu-halong emosyon na nadarama ko at dahil na rin sa pagkagulat nang muli kaming magharap ng taong siyang dahilan kung bakit ganito ako ngayon.

Ngunit salamat sa isang tao ngayon na nasa tabi ko at nabawasan ng kahit kaunti ang sakit. Tama nga siguro siya. Tanga ako. Hinayaan kong masaktan ako ng pag-ibig.

Tumayo ako at nag-inat.

"Oh ano? Tara?" Yaya ko pang muli.

"Sa bahay na lang tayo kumain. Walang malapit na kainan dito at sa Guadalupe pa ang pinakamalapit na fastfood," He gave me a bored look.

"Meron 'yan. Tara dali!" Sabay hila sa kanya.

Kung kanina siya ang nanghila, now it's my turn.

Ilang lakad lamang mula sa park ay mayroong mga stall na maaaring kainan. 'Di siya katulad ng taste naming mga elite (elite talaga?). Pero pwede na iyon kaysa naman sa wala. Eh sa nagugutom ako eh. Mamaya itong kasama ko pa ang makain ko. Yummy pa naman siya. Wihihihi!

"You do realize that you're holding my hand." He gave me a smirk.

I stopped on my tracks.

Uhh. Oo nga noh?

Agad naman akong na-conscious sa tinging ibinigay niya sa akin at napabitaw sa kamay niya. Okay. Feeling ko namula ako dun.

"B-bakit? I-ikaw rin naman ah." Depensa ko at muling naglakad upang itago ang pagkapahiya.

"That's a different thing."

"Anong difference dun? Eh parehas lang naman na kamay ang hinawakan natin."

"Tss. Dami mong katwiran. San ba tayo kakain?"

"D'yan oh." Turo ko sa stand ng nagtitinda ng mga ihaw-ihaw.

Gulat siyang tumingin sa akin at pinanlakihan ako ng mata. He gave me a "what-the-fuck" look.

Problema ng unggoy na ito? 'Wag niyang sabihin na hindi pa siya nakakakain dito? Pffft. Kalalaking tao. Don't get me wrong, I may look sossy, maarte and all, pero mukha lang iyon. Remember? Nerd ako dati, marami akong nalalaman at nagawa na hindi mo aakalaing magagawa ng 'sing ganda ko. Chos.

Tsaka duh? Nasa Pilipinas tayo, wala nang mas sasarap pa sa sariling atin. Street foods, more fun in the Philippines nga daw 'di ba? Oha? Sino'ng makabayan ngayon? Sino'ng nagmamahal sa Pilipinas na perlas ng silangan. Hahaha.

"What the hell are we doing here?" Halos magkasalubong kilay niyang tanong.

"Uh, kakain?"

"Dito? Dito tayo kakain? 'Di makapaniwala niyang sabi.

"Ay hindi. Doon sa kabilang barangay, doon tayo kakain. Kaya nga nandito tayo 'di ba? Tanga tangahan lang dre?" Sarkastiko kong sabi.

"Ikaw? Kumakain dito? Are you kidding me?"

When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon