Ponkaaan's Note:
^Para ito sa kauna unahan at marahil ay kaisa isa kong reader na lalaki na nagre-request na ng update. Salamat dude! At salamat din sa food stub. :D
-----
*Chapter 10, Wave 1*
= Ashley speaking =
Tssss ...
Panibagong araw na naman sa school. Sabay na naman kaming papasok ng halimaw. Bwiset. 'Di ko talaga malaman kung anong trip meron sya. Pero kung ano man iyon, sakyan na lang! Nakakasawang patulan eh.
Pero 'di pa rin mawala sa akin ang maasar! Sino bang hindi? Yung taong kinasusuklaman mo at halos isumpa mo ay fake boyfriend mo ngayon. At mapipilitan pang makasama sya every school day dahil iyon ang akala ng mga magulang nyo. Saya 'di ba?
Wawa tuloy si Mini Cooper ko. Whole week kong hindi nagamit.
Hingang malalim.
Tiis tiis lang muna Ashley. Isang buwan lang naman. Pagkatapos ng lahat ng ito, goodbye mansion at goodbye cupcake na.
Pfffft! Cupcake daw! Akalain mong may itinatagong ka-corny-han din pala iyon? Naaala ko pa nang itanong ko sa kanya kung bakit yun ang napili nyang itawag sa akin,
"Hoy lalaki! Ano na naman ba iyang pauso mo? Bakit cupcake?" Galit na tanong ko sa kanya. Issue na naman kasi ito 'pag nagkataon, lalo pa't maraming nakarinig nang sabihin niya iyon.
Kami na naman panigurado ang headline sa underground website ng school.
Ehh, bahala na. Exposure din 'to. Pandadag ng followers. Hehehe!
Nandito kami ngayon sa kotse nyang agaw pansin sa mga tao sa daan. (Edi sya na may magandang kotse!). Kakatapos lang class namin at hinatak nya agad ako sa parking lot matapos nilang habulin si Tyler kanina para pagsabihan. Ni hindi man lang ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko.
Oo nga pala. May atraso pa sa akin ang kaibigan ng ulupong na ito. Aware naman kaming lahat, maging si Brix, na simula pa lamang ay 'di na sya interesado dito at laro lamang iyon sa kanila. Pero hindi masasaktan at hindi aasa si Brix kung hindi nagbigay ng motibo si Tyler. Gabi gabi silang magkausap sa telepono at hindi mapag-hiwalay kapag nagkikita sa loob ng school, kaya hindi malabong lumalim ang pagka-gusto ni Brix sa kanya. Tapos ang sususnod na malalaman namin ay may girlfriend pala sya!
Humanda ka Tyler, you better hide your balls!
"What?" I was brought back to my senses nang magsalita si Fabian. "Cute naman ang cupcake ah,"
"Oh please, what do you know about cuteness?" I snorted, "San mo ba kasi nakuha iyon?"
"Wala lang. Nakita ko kasi si Chloe once, kumakain ng cupcake," He shrugged.
And that was it. Yun na ang history tungkol sa origin ng 'cupcake'. Babaw noh?
*tok! tok! tok!*
Natigil ang pagsusuklay ko sa aking buhok nang may marinig akong kumakatok.
"Who's knocking?" I asked irritably. Tsk! Ayoko sa istorbo!
"Hoy Ate!" Sigaw nya habang kinakatok pa rin ang pintuan ko.
Ang impaktong Dylan lang pala. Psssh,
"Anong kelangan mo panget?" Tanong ko, 'di pa rin sya pinagbubuksan ng pinto.
"Yung sundo mo, hinahanap ka na!"
"Tssss, paki-sabi nauna na ako," Humarap ako sa salamin at bumalik muli ako sa pagsusuklay ng buhok.
BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]
Romance[Cover by: BluieLove] She's a playgirl. He's a playboy They're poles of the same kind. Think they'd repel? Well, think again. Maybe something in mutual would pull them together. Who knows? ------ Originally, this was "Playgirl meets Playboy", pero u...