Chapter 9

236 14 15
                                    

*Chapter 9*

= Fabian speaking =

(A/N: Ow yes! POV ni Fabey ko ang chap na ito. Pero try langs, 'pag 'di nag-click, 'di na mauulit 'to. :P)

Hmm too young, too dumb to realize

That I should have bought you flowers and held your hand

Should have gave you all my hours when I had the chance

Take you to every party cause all you wanted to do was dance

Now my baby is dancing, but she's dancing with anoth--

"Pucha. Sinong nagpatay at mapapatay ko." Sigaw ng nakayukong si Tyler.

"Ako. Angal ka?" Hamon ni Blake.

"Putek! Patugtugin nyo ulit!" Sigaw muli ni Tyler.

"Takteng yan oh. Nauumay na 'ko Tyler. Limang ulit na yang kantang yan. Crush mo yata si Bruno Mars eh." Inis na sabi ni Calvin, sabay kamot ng marahas sa batok.

Tulad ni Calvin, naaasiwa na din ako sa kaka-drama nitong ugok na si Tyler. Iyan ang nangyayari 'pag sineseryoso masyado ang babae. 'Di nila ako gayahin, easy go lucky lang. Hanggang trip lang kami ng cupcake ko na si Ashley.

'Di ko siya type kung iyan ang iniisip nyo. Ewan ko ba, ang sarap niya lang kasing pagtripan. May bago na naman akong laruan. Hehehehe.

Nandito kami ngayon sa may pool area ng bahay namin, nag-iinuman. Magkakatabi kami ng mga alipin ko na nakaupo sa isang malaking lamesang pabilog na puno ng bote ng alak na 'di na namin mabilang.

Senti mode muna itong si Tyler, at kelangan ng kadamay. Kaka-break lang kasi nila ng gf nyang last week lang namin nakilala. Ayos diba? Love at first sight daw kasi. Tss, ulul nya.

"Bakit mo ba kasi ako iniwan Kristel? Mahal naman kita eh." Maiiyak na sabi ni Tyler habang kinakausap ang bote ng beer sa hawak nya.

Tingnan mo kung di gago. Kausapin ba ang beer? Ibang klaseng damo yata nakain neto eh.

Sabagay, sya ang umubos ng kalahating case ng beer kaya may tama na.

"Dry your tears man. Babae lang yian. Ang daming nakakalat na manok diyan oh. Gwapo ka naman eh. Hehe," Hirit ni Blake.

"Hoy Blake. Nababakla ka na? Aba't akalain mong bakla pala 'tong tarandong to?" Tawa tawang sabi ni Calvin saka lumagok ng beer.

"Gagu. Sinong bakla? Halikan kita dyan eh." Sagot ni Blake

"Sige nga par. Ang pogi mo ngayon, pa-kiss ako."

"Mga gago. Pwede bang damayan nyo na lang 'tong isa ding gago para matapos na 'to?" Singhal ko sa kanila.

Teka nga muna, kilala nyo na ba ako? Tss, sino bang di nakakakilala sa akin? Ako lang naman si Renz Fabian "The Great Kisser" Daniels. Kamukha ko ang nanay ko. Ang nanay kong mapagmahal. Sa sobrang mapagmahal, nakaka-apat na asawa na.

Yan ang dahilan kung bakit di ako seryoso sa relasyon. Ayokong matulad sa mommy ko na kelangan muna masaktan ng ilang beses para mahanap ang totoong pag-ibig.

Oo. Duwag ako.

Takot akong masaktan.

Eh paki mo ba?

Isa akong dakilang playboy pero minamahal ng mga kababaihan. What's not to love? I have everything, money, fame, awesome body, and everything else that girls look for. I'm the whole package baby. All in one.

Sa kabilang dako naman, malaki ang galit sa akin ang mga kalalakihan.

Kalalaking tao, insecure. Masisisi nyo ba 'ko? Di ko kasalanan na mas gustuhin ako ng mga syota nila kesa sa kanila. Sa hitsura kong 'to? Ha!

When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon