*Chapter 8*
= Brix speaking =
(Pasensya na, medyo waley yung utak ko ngayon kaya POV na lang ni Brix)
The week passed by in a blur. Parang wala lang. Ang tanging nakapagpasigla lang sa linggo namin is when Ashley and Fabian coupled up. Not for real, but they'd actually make such a cute couple kung totohanin nila.
Parang kami lang ni Tyler. Hihihihi.
Ewan ko ba dito kay Ashley, ang init masyado ng dugo kay Fabian. Ang gwapo naman nya at boyplen material pa. Pinanindigan nya kasi ang pagiging boyfriend ni Ashley sa harap ng mga magulang nito. For the past three days, si Fabian ang kasabay ni Ashley papasok ng school, maging sa pag-uwi, sakay sa magarang black Porsche ni Fafa Fabian.
Hang sweet diba?
Magiging ganyan din kami ni Tyler. Hintayin nyo lang. 'Pag nangyari 'yun, '"Hu u" kayong lahat sa akin.
*sigh*
Another lousy saturday dito sa Jackson Institute. Oo, may pasok kami ng saturday.
First subject? Accounting113-1. Saya diba? Accounting agad at 7:30 in the morning.
As usual, kasama ko sina Ava, Ellie at Ashley papunta sa room namin sa west wing, ang habitat ng mga taga-school of Information Technology at habitat mga wafu.
Puro mga geeks kasi ang gwapo sa school na ito. Wala man lang gwapo sa School of Business. Kung mayroon man ay puro higher year at 'di man lang namin mahagilap.
"Arrgh! Di ako nakapag-review ng maayos." Sigaw ni Ashley at padabog na ibinagsak ang bag sa kanyang upuan. "Si Dylan kasi nagdala ng mga tae-- este tao sa bahay kagabi. Ang iingay." Reklamo pa nya.
"Konti nga lang din na-review ko, sinipag kasi akong tamarin eh. Hehehe," Nakangsing sabi ni Ellie.
"Di ko pa rin masyado ma-gets kung paano mag-close ng nominal accounts ng sole proprietorship," Panic si Ava.
"MAY QUIZ?!" Gulantang na tanong ko sa kanila.
"Uhh, yeah. Di ka kasi nakinig last meeting eh," Ellie said.
"That's because she was busy daydreaming about her imaginary boyfriend," Pang-aasar ni Ashley.
"Excuse me, di po sya imaginary. He exists! In fact, isa sya sa CQ (Casanova Quartet)," I said matter of factly.
"CQ? Yung diaper?" Tanong ni Ellie na nang-aasar.
"Hahahaha!" Tumawa ng malakas si Ashley na sinabayan naman ni Ellie.
"Ha-ha. Funneh," Sarkastiko kong sabi.
Sige lang. 'Pag nasungkit ko si Tyler, kakainin nyo lahat ng sinabi nyo. Hmmmp.
"Shit! Di ko talaga alam. Patulong naman ako Ashley," Pagmamakaawa ni Ava na walang pakialam sa pinag-uusapan namin.
"Sure! Basta lilibre mo 'ko ng mogu mogu mamaya," Sabi ni Ashley.
"Kahit ilang bote pa."
"Ano ba'ng coverage ng quiz?" Tanong ko kay Ellie. Baka sakaling may pumasok pa kahit konti sa utak kong munggo.
"Nature of partnerships lang," Sagot naman nya habang nagbabasa ng kanyang notes.
Okay, Nature of partnerships LANG naman daw. Punyeber. Wala akong alam dun! Studying isn't really my thing.
Buong klase ay abala sa pagre-review.
At ako?
Maganda. CHOS.
BINABASA MO ANG
When Two Worlds Collide: Playgirl meets Playboy [Lol I will never update]
Romance[Cover by: BluieLove] She's a playgirl. He's a playboy They're poles of the same kind. Think they'd repel? Well, think again. Maybe something in mutual would pull them together. Who knows? ------ Originally, this was "Playgirl meets Playboy", pero u...