Bahagya akong napangiti habang ninanamnam ang simoy ng hangin galing sa kalawakan ng dagat. Napatingin ako sa braso ko at nasulyapan ang kamay na payapang nakapatong doon. Hinarap ko sya at binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti. Sabay naming ibinalik ang tingin sa umaalong tubig sa harapan...
Puti at itim ang paligid, tanging ang pag wasak lamang ng maliliit na alon kasabay ng pag ihip ng hangin ang nag papaingay. Bahagya akong tumingala at pinagmasdan ang langit, nag sisiksikan ng mga bituin at kumikinang na parang dyamante sa ulap,ang buwan na perpektong hugis bilog ang nag silbi naming ilaw. Ibinaba ko ang tingin sa lalaking nasa harapan ko, humarap sya sa akin, iginapos ang braso nya sa bewang ko at hinila ako palapit, ngumiti lang ako at ganon din sya sakin. Bahagya akong napatungo nang parang sinisipat nya ang bawat sulok ng mukha ko, nakinig ko ang bahagya nyang pag tawa,dama ko ang init ang hininga nya. Lumapat saking pisnge ang malamig nyang kamay at iniharap ako sa kanya, nakangiti nya akong tiningnan, inilapit nya ang mukha nya sakin at bahagyang nag dampi ang dulo ng aming ilong, bumilis ang tibok ng puso ko,at mabagal na nag sara ang mga mata ko.
" I love you" may kung anong humaplos sa puso pag kabanggit nya ng salitang yon, dahan-dahang naglapat ang aming labi.
Ang mahigpit na pag pikit ng mata ko ay nagpakunot ng aking noo. Mapanuyo, para akong nakalutang, bumugalwak ng malamlam na pakiramdam ang puso ko at inihatid iyon sa buong parte ng aking katawan,kalmado,nakakapang hina,payapa at maayos ang lahat.walang pag tigil ang bilis ng tibok ng puso kong nag papalikot ng aming mga labi. Ilang segundo ang lumipas, tumikal kami sa isa't isa ngunit nanatiling nakapikit ang aking mata. Dampi ng labi nya ang nag pamulat nito.napangiti ako ng Makita ang mukha nya, ang mukha ng lalaking pinakamamahal ko,binabalot ang mundo ko ng lungkot,ngunit lahat ng yan ay naglalaho sa tuwing kasama ko sya, isang mundong punong-puno ng hinagpis,isa syang ilaw na paliwanag ng paligid ko. Isa pang halik sa noo ang ibinigay nya pag katapos ay isang mahigpit at mainit na yakap. Iginapos ko ang dalawa kong kamay sa kanyang likoran. Sabay kaming nag buga ng malalim na hininga.hinarap namin malawak ang dagat na kalmadong nag bibigay aliwalas sa paligid. Hinapit nya ako sa balikat gamit ang braso nya papalapit, ikinapit ko ang kaliwa kong braso sa likoran nya at ikindena ang kanan komg kamay sa kanyang bewang.
Tumingala kami at masayang pinag masdan ang buwan at libo-libong bituin sa langit. Ang kalmadong dagat, ang malamig na simoy ng hangin, nag kasundo ang lahat sa isang perpektong gabi ng aking buhay, kasama ang lalaking aking pinakamamahal . ang lalaking hindi nabigo sa pag papangiti sa akin at pinapangarap kong makasama hanggang sa huli. Isang hininga ang pinakawalan ko at malamlam na ngiti ang gumuhit saking mukha at tuluyang itinapon ang tingin sa kalawakan ng tubig...
habang-buhay na nakatatak saking isipan ang isang mala-pantasyang eksena, na hanggang ngayo'y pinapangarap na muling maulit.isang alaalang naganap...minsan sa tabing dagat.
![](https://img.wattpad.com/cover/49849011-288-k360596.jpg)