Ilang dekada ang lumipas sa bayan ng Zen at napakalaki na ng inunlad at iginanda ng bayan. Nakilala ng husto ang bayan ng Zen sa pagpapanatili nito ng mga likas na yaman sa kabila ng pagiging moderno nito at lubos na nakaaangat sa iba pang mga bayan sa bansa. Nagagawa na rin nitong makipagsabayan sa ibang mga bansa sa daigidig sa antas ng Ekonomiya at kaunlaran.
Isa sa mga sinasabing malaking kontribusyon kung bakit napabilis ang pag-unlad ng bayan ay dahil sa malaking populasyon nito ng mga taong nagtataglay ng mind powers. Mga taong may kakayahan na kontrolin ang mga bagay-bagay, elemento, panahon maging oras at space gamit lamang ang kanilang mga isip. Batid ng gobyerno na maaring maging malaking problema kung ang mga taong gaya nila ay hahayaan lamang sa kanilang mga kakayahan. Dahil maari silang maging malaking banta sa seguridad at kapayapaan. Nang mga nakaraang nagdaang taon kasi sa bayan ay malaki sa porsyento ng mga krimen ay likha ng mga taong nagtataglay ng mind powers kung kaya naging pangunahing hangarin ng gobyerno ang bigyan ng maayos na training ang mga taong iyon upang maging kapakipakinabang sa bayan. Para na rin magamit nila ng husto ang kanilang mga kakayahan sa mga pang-araw araw na pamumuhay.
Mula sa pagkakaroon ng edukasyon sa mga kabataang nagtataglay ng mind powers, maging sa pagtulong sa mga pamilya ng mga ito ang naging unang hakbang ng gobyerno. Nagkaroon din ng ibat-ibang mga probisyon ang mga nagtataglay ng mind powers at tila napabilang na sila sa matataas ng antas ng tao sa lipunan. Malaking porsyento ng mga taong nagtataglay ng mind powers na sumailalim sa masusing pagtetraining ay kinuha ng gobyerno upang kanilang maging mataas na mga tauhan na magsisilbi sa bayan at magpapatupad ng kapayapaan at kaayusan. Tinawag silang mga Imagine Police.
Ngunit dumating ang panahon na tila sumobra ang pagbibigay ng importansya ng gobyerno sa mga nagtataglay ng mind powers at tila nawalan na ng halaga sa kanila ang mga normal na mamamayan. Dahil sa nangyari, sumama ang loob ng mga tao sa gobyero at kaliwat-kanang batikos ang kanilang inabot mula sa mga ito. Umabot na rin sa punto na halos araw araw, sa halos lahat ng bahagi ng bayan ay may mga nagaganap na rally laban sa pamamahala ng gobyerno. Hangad nila ang pantay na pagtingin at pagtrato sa bawat mga mamamayan, normal man o nagtataglay ng mind powers. Mula sa panig ng mga Imagine Police ay hati ang kanilang mga opinyon at paniniwala sa naturang saloobin ng mga normal na mamamayan. Ang pangyayari ay nagdulot ng sama ng loob at di pagkakaunawaan sa mga tao.
Hanggang sa dumating ang isang araw, isang rebelyon ang naganap. Hindi na nakayanan pa ng mga tao ang pamamahala ng gobyerno at ang pagbibingi-bingihan nito sa kanilang mga saloobin. Ngunit may ibang panig sa mga Imagine Police ang nakaunawa sa mga normal na mamamayan kung kaya ay sila ang pumrotekta at nagsilbing mga boses ng mga ito. Sa galit ng gobyerno sa nasabing pagtataksil ng mga Imagine Police ay nagkaroon ng gyera sa pagitan ng mga tinawag na rebeldeng Imagine Police at mga mamamayan laban sa Imagine Police at ng gobyerno. Kapangyarihan laban sa kapangyarihan ang nangyari. Marami sa mga sibilyan at mga Imagine Police ang namatay. Naging sobrang mapaminsala ang naganap na gyera kung kaya unti-unting bumagsak ang bayan ng Zen. Nasira ang kanilang pinagmamalaking likas na yaman at halos nagmukhang ghost town ang ibang mga bahagi nito. Taon ang lumipas at sa pagkakaroon ng bagong pinuno ng bayan ay napagkasunduan na hatiin ito sa dalawang panig. Isa na mula sa grupo ng normal mamamayan at mga rebeldeng Imagine Police na nakasama nila sa kanilang pakikibaka na tinawag na Oriente at isang mula sa naging tapat sa gobyerno at naniniwala sa mga pinaniniwalaan at pinapatupad nito. Pinangalanan ang mga bayan na iyon na Zen4436. Mula sa dating pangalan ng bayan at sa bilang ng mga Imagine Police at iba pang mga hukbong sandatahan na nasawi sa naganap na gyera.
Ngunit di batid ng karamihan na ang naganap na gyera ay may malalim at malagim palang pinagmulan at layunin. Sa pagkakatuklas niyon ng iilang mga tao, normal man at kabilang sa mga rebelde at naging tapat na Imagine police, isang lihim na organisasyon ang nabuo upang bigyang hustisya ang pagkamatay ng lahat ng mga nangasawi sa gyera. At upang ipasiwalat sa buong bayan ang isang malaking pagtataksil at pagpapaikot sa kanila.
Gamit ang nag-iisa at natatanging kapangyarihang hindi alam ng lahat na nag-eexist pala...
... ibabalik ang dangal at karangyaan ng nasirang bayan.
BINABASA MO ANG
ZEN4436: NERO
Science FictionA Sci-fi, Action and Fantasy Story. The story revolves around Nero, a 17 year old high school who lives in a city where mind powers/ psychic abilities is common part of living. He lived his life believing he's nothing special. But his life changed w...