Chapter 5

37 6 6
                                    

[Photo: Allen Waligan]

[National Mental and Recovery Institute]

Abala ang mga nurse sa ospital ng mga oras na iyon. Tinitignan ang kalagayan ng kanilang mga pasyente at para na rin sa daily check-up ng mga iyon.

Nginingitian ni Nurse Carlie ang lahat ng makakasalubong sa hallway. Dala nya ang mga records ng mga naunang pasyenteng chineck up nya. Pagtapat sa kwarto ng susunod nyang pasyente ay lumingon lingon sya sa paligid. Nang masigurong wala ng masyadong tao sa hallway ay pumasok na sya at nilock ang pinto.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Cronos? Narito ako para sa daily check up." Bati ni Nurse Carlie kay Cronos na mukhang abala sa laptop nito.

"Kina-career mo naman masyado iyang daily check up." Nakangising komento ni Cronos na hindi inaalis ang tingin sa laptop at tinitipa ang mga keyboard nito.

"Well, ganoon talaga, nagpapanggap kang pasyente dito eh." Sarkastikong tugon ni Carlie at inilabas ang papel na may pangalang "Cronos Newton". May mga tanong doon na sinagutan nya. At dahil sa nagpapanggap lang naman si Cronos ay pineke nya ang mga "findings" nya sa kalagayan ng pasyente.

"Sya nga pala, hindi ko inaasahan iyong ginawa ko kahapon ah. Sinubukan mong kausapin si Nero."

Napahinto si Cronos sa kanyang ginagawa at nilingon si Carlie na abala sa pagfill up ng daily check up form nya.

"Para naman hindi masyadong magulat ang kapatid ko kung makikita nyang maayos na ako, diba?"

"Sabagay." Binaba ni Carlie ang mga papel na dala nya sa mesa sa gilid. "Ang laki ng ngiti ng kapatid mo kahapon. Gusto na nyang makita na GUMALING ka na." Inemphasize talaga iyon ni Carlie at natawa lang ng mahina si Cronos. "Labingdalawang taon na rin."

"Ou nga. Hindi ko lang sigurado kung ganoon pa rin ang magiging reaksyon nya kung malaman nyang magaling na ako. Pag nalaman nyang isa lang itong pagpapanggap." Seryosong tugon ni Cronos. Nakatingin lang naman sa kanya si Carlie.

"Ano na bang plano mo?"

"Kakacontact ko lang sa base. Mukhang nakahanda na silang lahat. Araw na lang ang bibilangin ang magsisimula na ang paglabas ng katotohanan." Makahulugang sagot ni Cronos.




-----------------------------------------------

[Lunchtime, Zenxerxes High]


"Hay grabe di na talaga ako makapaghintay sa practice match!" Masiglang sabi ni Rod. Kumakain siya ng pananghalian kasama ng mga kaibigan sa kadalasan nilang pwesto.

"Ako rin, hindi ko talaga mapigilan ang macurios kung ano bang gagawin natin. Binalot talaga ng school ng harang at tabing ang training grounds, ayaw talaga tayong maspoil sa mga mangyayari." Sang-ayon ni Allen.


"Hindi kaya isa na namang combat battle? Or group battle?" Hula ni Nero. Usap-usapan kasi sa social site ng eskwelahan kung anong mangyayari. "May kumakalat kasing balita na ang basehan ng scoring ay depende sa performance ng mga teams."

"Kung ganoon nga, baka may ipagawa silang exercises base sa field specifics." Napapaisip na sabat ni Alexis. "Unfair naman kasi kung makikipaglaban ang medical team sa combat team. Wala namang kasing nabanggit na hiwalay sila sa offense at defense team gaya ng palaging nangyayari."


Sa kabilang mesa naman tahimik na kumakain si Brent kasama si Cielo. Pang-walohan ang mga mesa sa cafeteria pero walang nagtatangka na tumabi o makihati ng mesa sa dalawa. Natatakot kasi sila kay Brent.

ZEN4436: NEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon