Chapter 3

55 8 7
                                    

[Photo: Rod Seymour ]







            Nagsimulang maglakad sina Rod at Brent papunta sa gitna ng stage. Halata naman ang pagkasabik ng mga manunuod. Naghihiyawan na ang kanilang mga kaklase at tagahanga.


"Aba~ at si Brent pa talaga ang nakalaban ni Rod. Ano kayang kalalabasan nito?" Excited na sabi ni Allen.

"Parehong mahusay ang dalawang iyan sa pagkontrol ng mind power nila. At pareho ding palaban." Komento ni Alexis.


"Simulan na ang laban!"



             Sa hudyat na iyon ni Sgt. Lt. Alcott ay parehong inihanda ng dalawa ang sarili. Nagkatitigan ang dalawa na tila sinusukat ang kakayahan ng kalaban.



             Si Rod na ang unang umatake habang di inaalis ang tingin kay Brent. Naglabas sya ng mga enerhiya sa magkabila nyang kamay at itinapon iyon kay Brent. Hindi naman natinag si Brent at iwinasiwas sa kanyang harap ang mga kamay at kusang gumalaw ang lupa sa stage para harangan ang pag-atake.




*BOOOOOM!!*






              Lumikha ng pagsabog ang pagbangga ng atake ni Rod sa ginawang harang ni Brent. Patuloy naman sa pagtakbo si Rod at binangga ang harang. Walang hirap nya iyong nasira sa pagbalot ng enerhiya sa kanyang kamao.


         Natural na mapaminsala ang mind power ni Rod. Kaya walang hirap nyang masisira ang mga ganoong klase ng harang. Hindi naman natinag si Brent sa ginawa ni Rod. Itinapak nya ang kanyang mga paa sa lupa at nabitak iyon papunta kay Rod na syang ikinahinto ng huli sa pagtakbo. Bago pa man makareact si Rod ay ipinaangat ni Brent ang mga nabitak na lupa at mabilis iyong pinalipad kay Rod.



          Bago pa man tuluyang matamaan ay nagharang si Rod ng enerhiya sa kanyang harapan kaya napino ang mga tipak ng lupa na parang buhangin.


Napahanga naman ang mga manunuod lalo na ang mga bisita.


"Mahusay ang batang iyon ah."


"Tama kayo dyan. Sa totoo lang nakakagulat na kaya nyang gamiting ofense at defense type ang kanyang mind power. Kadalasan ay ofense type ang hakai-ergokinesis."


         Sa pagkakataong ito ay si Brent naman ang umatake. Tumakbo sya ng mababa at isinayad ng bahagya ang mga daliri sa sahig. Pagkalapit nya kay Rod ay marahas nyang itinaas ang mga kamay na sinundan naman ng lupa. Lumabas sa magkabilang gilid ni Brent ang mataas at matulis na bato. Naalerto naman si Rod. Tapos sya kapag tinamaan sya noon. Tumalon si Rod ng mataas at nagawang ilagan ang pag-atake ni Brent.

          Nagpaangat naman si Brent ng mga lupa  at doon sya tumungtong upang salubungin sa ere si Rod. Binalot nya ang kamao ng pinaghalong bato at metal at planong salubungin ng suntok si Rod. Nag-ipon naman ng enerhiya si Rod sa kanyang kamay at sinalubong ang suntok ni Brent.


*BOOOOOOOOMMM!!*




             Parehong tumalsik sa magkabilang panig ang dalawa sa nangyaring pagsabog. Nakatayo naman kaagad si Rod. Wala syang makita sa stage dahil sa usok. Nilingon nya ang paligid at nagulat na lang sya ng makita ang isang dambuhalang kamao sa kanyang harap. Hindi na nya iyon naiwasan kaya humampas sya sa pader.


Nagtilian at sigawan ang mga manunuod.


"Rod!!" Nag-aalalang tinanaw ni Aila si Rod. Humampas kasi ito sa pader kung saan sya banda nakaupo. Nakaupo ang mga manunuod sa elevated na upuan sa itaas ng mga base ng bawat section sa palibot ng training grounds.


ZEN4436: NEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon