[Photo: Brent Donegal]
------------
Namangha ang lahat nang makita na ang pag-andar ni Stein. Muling nadagdagan ang mga kuha ng camera sa screen. Nakita nila ang paglabas nito sa runway papunta sa isang malawak na field.
"Ang astig naman ni Brent!"
"Ibang klase! Kayang-kaya nya gumamit ng Illusions!"
Maging ang mga guro at si Commander Harry ay hindi rin mapigilan ang mamangha. Para sa isang walang experience sa pagpapaandar ng Illusions at tanging pagbabasa lang ng tungkol sa mga iyon ay mahusay ang pinapakita ni Brent.
"Mahusay na take-off Brent! Ngayong nasa labas ka na, oras na para ipakita mo sa amin kung paano gamitin ng isang Geokenetic ang isang Illusions." Wika ni Sgt. Marie habang nakatitig sa screen.
"Opo." Maikling tugon ni Brent. Muli syang nagtipa sa screen at lumabas doon ang isang asul at bilog na logo ni Stein.
"Psyche Synchronize!" Bulalas ni Brent at itinapat ang kamay sa logo ni Stein na nasa screen at umilaw ito at mabilis na ini-scan ang kamay ni Brent.
Synchronization Complete!
Psychic energy recognized!
Geokenesis. Pilot Bartolomeu Kent Donegal!
Pagkatapos ng synchronization ay umilaw din ang mga tubong nakakonekta sa suit ni Brent papunta sa main core ni Stein.
Mahigpit na hinawakan ni Brent ang magkabilang manibela o commands sa gilid ng kanyang upuan saka pinakilos si Stein. Mukhang gusto muna nyang subukan kung gaano ka-smooth ang kilos ni Stein kaya nagsimula syang maglakad sa field at gumawa ng kaunting martial arts stunts.
Halos matulala naman ang mga estudyante sa nakitang pagkilos ni Stein. Sa laki na naman nito ay pulido itong kumilos.
Maya-maya pa ay nakita nilang dahan-dahang inangat ni Stein ang mga kamay nito at sa puntong iyon ay nakita nila ang pagsabay ng lupa sa harapan nito. Ginagamit na ni Brent ang kanyang mind power.
Bahagyang nagulat si Brent dahil mas malaking tipak ng lupa ang umangat kesa sa kanyang inaasahan. Totoo ngang pinapalakas at pinapalaki ang sakop ng mind power kapag nakasakay sa isang Illusions. Pinagtapat nya ang mga kamay ni Stein at nadurog ang lupang pinaangat nya at halos buhangin na itong nahulog sa lupa.
Muling nagpaangat ng lupa si Brent sa magkakabilang direksyon ng sabay-sabay at sa pagkakataong iyon ay nagawa na nyang mag-adjust sa paggamit ng mind power habang nakasakay kay Stein.
Tumakbo si Stein sa direksyon ng mga nakaangat na lupa at inatake ang mga iyon. Doon nila mas lalong nakita ang tibay ng mga materyales sa armor ni Stein maging ang bilis at linis ng pagkilos nito. Para syang tao kung kumilos.
Hindi maialis ng lahat ang kanilang paningin sa screen habang patuloy na nagpapakitang gilas si Brent sa paggamit ng kanyang mind power at pagmamaneobra kay Stein. Habang tumatagal naman ay mas lalong nasasanay si Brent sa paggamit dito.
Paglipas ng limang minuto ay pinahinto na ni Sgt. Marie si Brent.
"All right! Tama na yan Brent. Mahusay ang pinakita mo. Nakakabilib!" Puri ni Sgt. Marie kasunod noon ay narinig ni Brent ang palakpakan at ilang hiyawan sa background.
Tumango lang si Brent at pinaandar na pabalik si Stein. Muli syang inalalayan ng mga staffs at sinalubong ni SPO2 Wright ng may paghanga sa mukha nito. Inalis na ni Brent ang pagkakasynchronize kay Stein at natanggal na ang mga tubong nakakonekta sa suit nya. Inalis na nya ang kanyang helmet at sa pagbukas ng gate ni Stein ay sinalubong sya ng palakpakan.
BINABASA MO ANG
ZEN4436: NERO
Science FictionA Sci-fi, Action and Fantasy Story. The story revolves around Nero, a 17 year old high school who lives in a city where mind powers/ psychic abilities is common part of living. He lived his life believing he's nothing special. But his life changed w...