Maaliwalas ang panahon. Tama lamang ang sikat ng araw at may mangilan-ngilang ulap na makikita sa kalangitan. Makikita sa paligid ang mga nagtatayugang mga gusali at kung anu-ano pang may kinalaman sa industriya at pangkabuhayan. Kapansin-pansin din na kahit saan ka mapatingin, ang mga kagamitang pangseguridad. Sa bawat poste at mga kalsada ay may mga camera na nakalagay. Nakaposisyon din sa kani-kanilang mga pwesto ang mga pulis na gumagabay sa mga tao at nagbabantay na rin sa kung ano mang kaguluhan ang maaring mangyari. Madami ring makikitang mga malalaking T.V screens sa ilang mga gusali kung saan mga balita tungkol sa mga nagaganap sa bansa ang pinapalabas. May mga iba't-ibang uri din ng mga makina at teknolohiya sa paligid na nagpapadali sa pamumuhay ng mga tao. Mula sa mga gadgets at mga vending machines at transportasyon. Sa kabuuan ay mahihinuha na ang lugar ay nasa modernong sibilisasyon. Gayunpaman, sa kabila ng pagiging moderno ng lugar ay may mga bahagi pa rin ito kung saan namumuhay ang mga tao ng payak.
-----------
[NERO's POV]
"...imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a government that shall--"
"Oy, Nero!"
Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sino pa ba kundi ang matalik kong kaibigang si Rod. Wrong timing naman sya tsk. Nagkakabisado pa naman ako ng preamble na i-rerecite namin mamaya. Nakatulog kasi ako agad kagabi dahil sa pagod. Nagpatulong sa akin si mama sa mga paper works nya hindi na tuloy ako nagkaroon ng oras para makapagkabisa.
Ilang minuto rin akong naghintay na makalapit sya sa akin. Oo ilang minuto talaga. Nakakainis talaga ang isang ito. Paano ba naman kasi, nakagawian na nya na tawagin ang kung sino mang kakilala na makikita nya tapos kapag lumingon eh magpapahintay sya pero di naman nya binibilisan ang paglalakad o kaya ay tumakbo na lang palapit. Nakaka-abala sya sa totoo lang. Pero ako lang naman ang nagtitiis na maghintay sa kanya kahit na napakabagal nya o shall I say na sinasadya nyang bagalan ang paglalakad. Kung hindi lang sya estudyante ng Junior Police Squad baka nagulpi ko na ang isang ito eh.
"Hehe salamat sa paghihintay." nakangiti nyang sabi sa akin pagkalapit nya. Nginitian ko na lang din sya ng pilit at tinawanan nya lang ako. Kita mo itong isang ito, sarap dagukan eh.
"Alam mo, sa paghihitay ko sayo nakabisado ko na yung preamble." yamot kong sabi at nagsimula na kaming maglakad ng magkasabay. At kapag ganitong magkasabay na kaming naglalakad ay mabilis na syang maglakad at nauuna na sya sa akin.
"Ayaw mo nun? Natulungan pa kita sa pagkakabisado mo?" nagmamalaki pa nyang tugon. Ano kayang mangyayari sa bayan kung may isang pulis na gaya nya? Tsk tsk.
"Ibang klase ka talaga." dismayado kong komento habang napapa-iling. "Sya nga pala, kamusta yung training nyo sa Junior Police Squad nung sabado?" medyo nilakasan ko ang pagkakasabi. Nauuna na kaso syang maglakad. Tignan mo ang isang ito hinintay ko tapos iiwan ako.
"Well, as usual maganda ang kinalabasan. Sa sabado nga magkakaroon ng practice match kaming mga estudyante eh. Ang sabi ng Commander namin, kung sino daw ang mga mananalo sa magaganap na practice match ay magkakaroon ng pagkakataon na bumisita sa main facility ng mga Imagine Police! Grabe naeexcite na nga ako eh! Kailangan kong galingan para manalo para makasama ako. Minsan lang ang ganoong pagkakaton." halata nga sa kanya ang pagka-excite. Ang lakas kasi ng boses nya at pinagtinginan tuloy kami ng iba pang mga estudyante na kasabay namin sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
ZEN4436: NERO
Science FictionA Sci-fi, Action and Fantasy Story. The story revolves around Nero, a 17 year old high school who lives in a city where mind powers/ psychic abilities is common part of living. He lived his life believing he's nothing special. But his life changed w...