[Photo: Aila Waligan]
*riiiiing* *riiiinng*
"Ugh~~ oh god! Sino namang matino ang tatawag ng dis oras na ng gabi?!" Reklamo ni Alexis sa pagkakaabala ng mahimbing nyang tulog. Kinapa-kapa nya telepono sa side table sa gilid ng kama at hindi na tinignan pa kung sino ang tumawag at sinagot na lang iyon kaagad.
"Hello?"
"Hello Alexis! Pwede mo bang i-dictate sakin yung mga dadalhin natin mamaya? Pasensya na ah naiwala ko kasi yung papel na binigay ni Allen. Di kasi ako makatulog sa excitement kaya naisipan ko ng ayusin at icheck mga gamit ko kaso nawala yung listahan." Si Rod iyong nasa kabilang linya. Halos gusto namang magwala ni Alexis sa narinig.
"Rod alam mo ba kung anong oras na?! Nanggising ka talaga ng madaling araw para dyan?"
"Hehe~ sorry na. Tinatawagan ko kasi si Allen kaso walang sumasagot. Sige na idictate mo lang isusulat ko na lang ulit."
"Malamang Rod hindi talaga sasagot si Allen kasi alanganing oras ka ba naman tumawag!" Gusto sanang sabihin iyon ni Alexis kaso alam nyang walang mangyayari kahit sermonan pa nya ito. Napatampal na lang sya sa kanyang noo at isa-isang pinaalala kay Rod ang mga dadalhin pati na rin ang rules and regulations.
[5 am; Waligan Compound]
"Sayang talaga for security purposes kasi bawal magdala ng gadgets sa loob ng base. Hindi tuloy ako makakakuha ng litrato para ipakita sa iyo pag-uwi. Pero may ilang lugar namang pwede kumuha ng litrato kaso ang photographer lang mismo ng eskwelahan ang papayagang kumuha ng litrato as a souvenir."
"Ayos lang, ipopost naman ang mga litrato ninyo sa social site. Hihintayin ko na lang iyon doon." Nakangiting tugon ni Aila sa kambal. Hinatid nya iyon palabas ng kanilang compound. Paglabas nila ay nakita nila si Alexis na naghihintay sa kanila.
"Good morning Lex!" Masayang bati ni Allen. Lumingon ito sa kanila at nagtaka sila dahil umagang-umaga eh nakabusangot ito.
"Wala namang maganda sa umaga.". Nakasimangot nitong tugon at bakas ang pagka-inis sa boses nito.
"Oh? Anong nangyari sayo Alexis? Hindi ka ba excited sa lakad ninyo ngayon?" Tanong ni Aila.
"Kinuha ng lahat ni Rod ang excitement ko." Napansin naman ng kambal na mas lalo itong nainis pagkabanggit sa pangalan ni Rod.
"Ano namang kinalaman ni Rod dito?"
"Ang isang iyon! Anong oras na at nasa kahimbingan na ako ng tulog nang biglang tumawag at nagtatanong anong mga dadalhin natin ngayon! Hindi kasi nakikinig sa orientation!" Doon naman naalala ni Allen na may missed calls sya kay Rod ng mga alas dos ng madaling araw.
"Eh binigyan ko na sya ng listahan ah." Tugon ni Allen saka nya kinuha kay Aila ang dala nitong lunchbox para sa kanila ni Alexis. Ipinagluto sila ng kanilang mama ng pananghalian.
"Naiwala raw niya. Hay naku simula nung tumawag sya hindi na ako nakabalik ulit sa tulog." Reklamo ni Alexis.
"Hehe~ pagpasensyahan mo na si Rod, hindi ka pa nasanay sa isang yun. Tsaka pwede ka naman umidlip mamaya sa bus." Pagpapakalma ni Aila sa pinsan.
"Oo nga. Huwag mong hayaing masira ang mood mo ngayong araw dahil kay Rod hehe anyway pwede mo naman syang sermonan mamaya." Pabirong sabi ni Allen at nagpaalam na silang dalawa kay Aila papuntang eskwelahan kung saan magkikita-kita ang lahat at sasakay sa school bus papuntang main base sa District 1.
BINABASA MO ANG
ZEN4436: NERO
Science FictionA Sci-fi, Action and Fantasy Story. The story revolves around Nero, a 17 year old high school who lives in a city where mind powers/ psychic abilities is common part of living. He lived his life believing he's nothing special. But his life changed w...