Chapter 8

39 4 0
                                    

[Photo: Cielo Skylar]



------------------------------



"Eh? Kung ganoon ikaw pala ang nagligtas noon kay Brent?! Laman ng balita iyan noon at ang alam ko eh mga Imagine Police ang nagligtas kay Brent." 'Di makapaniwalang wika ni Farrah.




"Uhm! Hehe sa totoong isa iyong sekreto. Para hindi na lumaki pa ang balita at para mas masiguro ang kaligtasan ni Brent noon." Nakangiting tugon ni Cielo. Mukhang napadaldal sya ng husto at nalimutan na qualified information ang nasabi nya. Kung sabagay ay matagal na rin naman na iyong nangyari. At simula ng pumayag syang maging bodyguard ni Brent ay hindi na ito muli nakatanggap na pagbabanta sa buhay nito.




[Flashback]



Sa mansion ng mga Donegal.




Tahimik at prenteng nakaupo si Brent sa sofa habang nagbabasa ng libro. Maaliwalas ang panahon sa labas na makikita sa malaking bintana. Nakabukas iyon ng bahagya kaya maamoy sa loob ang mga bulaklak sa hardin. Talagang nakakaginhawa ng pakiramdam ni Brent. Ilang araw din syang nakahiga lang sa kama dahil sa tinamong mga sugat at tama ng bala sa binti nitong nakaraan. Mabuti na lamang din ang mabilis syang nakarekober sa dami ng dugong nawala sa kanya.




Sa kalagitnaan ng pagbabasa ni Brent ay bumukas ang pinto at pumasok ang lolo nya sa silid. Kaagad na tumayo si Brent at nagbow ng bahagya sa kanyang lolo.




"How are you feeling, Bartolomeu? I apologize if I wasn't able to visit you this past few days."




"I am all fine now, Lolo. Yesterday I was able to do some light exercises." Maikling tugon ni Brent. Tila hindi naman sya mapakali na naroon ang lolo nya. Hindi kasi talaga sila ganoong malapit sa isa't-isa. Kontra sa mga balita na sya ang paboritong apo nito.




"But don't exert yourself too much. You still have to fully recover." Paalala ni Lucas. "Anyway, I have someone to introduce you."




Bago pa maka-react si Brent ay muling bumukas ang pinto at pumasok sa silid ang isang pamilyar na lalaki.




"You?!" Bahagyang napatayo si Brent sa kanyang pagkakaupo. Ngumiti naman sa kanya ang bagong dating.

ZEN4436: NEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon