Chapter 2

82 10 1
                                    

[Photo: Nero Newton]





"Hah! Hah! Hiyaah!!"




               Tagaktak na ang pawis ni Rod at halos basa na rin ang suot nyang damit pang-itaas ngunit tuloy pa rin sya sa pag-eensayo. Nasa training room sya ngayon ng mga Junior police squads at ang mga training robot dummies na naroon ang ginagamit nya sa pag-eensayo. Tuwing hapon, kada matatapos ang klase ay malayang magpunta doon ang mga miyembro ng JPS para mag-ensayo.

               Maari nilang gamitin ang ano mang gamit doon na kanilang naisin basta't makakatulong sa pagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan. Talagang nilaan iyon ng pamahalaan sa bawat paaralan para sa mga estudyanteng may mind powers. 

                   Desidido talaga sya na manalo sa gaganaping Practice Match sa sabado, kung kaya puspusan na ang kanyang pag-eensayo. Hindi sya gumagamit ng mind power dahil mas pinapagbuti nya ay ang kanyang pisikal na lakas at stamina. Pati na rin ng liksi at bilis. Kailangan nya kasi iyon dahil ang kanyang mind power ay masyadong nakakaubos ng lakas at nangangailangan ng matinding pokus at malakas na pangangatawan. Kung hindi ay madadala din sya nito. Ang Hakai-Ergokinesis nya ay lumilikha ng malalakas na pwersa at mapaminsahang enerhiya. Ngunit hindi mababakasan ng pagod at panghihina ang kanyang katawan. Sa araw araw na pag-eensayo nya ay nakakakuha naman sya ng magandang resulta. 

               Kaagad na inalerto ni Rod ang kanyang sarili nang lumayo sa kanya ang mga RFD na kanina ay sunod sunod na umaatake sa kanya. Alam na nya na may gagawin ang mga ito na tiyak na magpapasabik sa kanya lalo sa pag-eensayo. Naka-program na ang mga RFD sa iba't-ibang lebel ng pakikipaglaban. May mga sensors din sila kaya alam nila kung paano makikipaglaban sa kanilang katunggali na syang naayon sa lebel nito. Sa isang kisap-mata lang ay naglabas ng mga missiles ang mga RFD na mabilis na naglock kay Rod bilang target. Hindi na nya ito ikinabigla pa at imbis na umiwas ay sinalubong pa nya ang mga ito. Mapanlinlang ang mga missiles sapagkat ang mga ito ay lumipad mula sa iba-ibang direksyon at magkakaiba rin ang bilis.

             Makailang beses namang napalunok ng laway si Nero sa kaba. Palagi nyang napapanuod si Rod mag-ensayo at alam nya kung gaano ito kahusay ngunit kinakabahan pa rin sya sa kung ano ang mangyayari sa kaibigan lalo na sa mga ganitong pagkakataon. Hindi man sya nakakanuod ng mga training at exercises ng mga JPS tuwing sabado ay pinapanuod naman nya ito na mag-ensayo tuwing uwian nila. Sa ganitong paraan lang kasi sya nakakabawi at nakakabigay ng suporta sa kaibigan. Nauna ng umuwi ang kanilang mga kasama. Maaga kasing umuuwi ang magpipinsan dahil may sundo ang mga ito. Rich kids.

             Mataman nyang tinignan ulit si Rod. Nakakabilib ang pinapakitang galing ng kanyang kaibigan. Hindi nakapagtataka kung bakit madami rin na humahanga sa kanya na mga kapwa nya miyembro ng JPS. 

            Napapikit sya ng mariin nang makita ang pagsabog ng mga missiles nang makalapit ang mga ito kay Rod. Kasunod noon ay narinig nya ang tila pagkasira ng mga bakal kung kaya minulat nya ang kanyang mga mata upang makita si Rod na wala man lang galos at walang hirap na sinisira ang mga RFD gamit lamang ang kanyang pisikal na lakas.

 "Grabe nakakaawa naman yung mga robot dummies. Mukhang gigil na gigil si Rod ah." Dinig ni Nero na komento ng isa sa mga miyembro na JPS na kakatapos lang magtraining at nagpupunas ng pawis nito. Nakaupo sya ngayon sa itaas na bahagi ng training room kung saan may mga upuan. May harang din iyon na matibay na salamin para iwas disgrasya sa mga manunuod.

 "Haha ou nga eh. Sa training mo lang din sya makikitang ganyan kaseryoso." tugon naman ng isa pang lalaki. Isa rin itong miyembro ng JPS. Makikita sa suot kitong uniporme ang badge na nagpapatunay dito. Bawat myembro ng JPS ay may suot na mga badge sa manggas ng kanilang mga uniporme na naayon sa kanilang lebel at taglay na mind power. Muling nilingon ni Nero ang kaibigan na tumatakbo palapit sa mga robot dummies habang iniiwasan ang mga atake nito sa kanya.

ZEN4436: NEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon