Kabanata 14:
--------------- 10 years ago ----------------
Aantayin pa rin kita... Hahanapin...
"Ma?"
(anak, kumusta business mo diyan?)
"Okay lang naman po ma'am medyo stress ako pero.. Makayanan ko na rin naman." sabay hilot sa batok ko
(Mag-ingat ka ha? Tsaka, wag kang magpapagod okay?)
"Ikaw din ma. Ingat din kayo sa business trip niyo. Sana nga eh, ako nalang para di na kayo magabala.." sabay pout
(Hmmm!!! Tong baby ko. Nagmamature na. Opo, pag makatongtong na ako ng 60. I'll stop..)
"Great! hehehe.. Sige ma, ibaba ko na po ito."
(Okie anak love you..)
"Love you too.."
*Tiiiiiiiitttt...
"Haaay..."
"Oh? Anong problema?"
"Hmmm..." kibit-balikat "Wala naman..."
"Uie... hehe... Alam kong nanggigigil kanang makita uleh siya..." tukso saakin
Napamulat ako ng mata at tumingin kay Christine. "Nakita mo na ba siya tin??"
"Actually, wala pa eh.." sabay hehehe
Mga succesful woman na kami ni tin-tin. Isa akong manager ng company namin at si tin-tin naman flight stewardess.. Off niya ngayon eh, ayan, sumiksik saakin dito sa work ko. Makikinabangan naman kasi matulungin eh at may alam pa kaysa akin. Siya na din ang maghahandle ng meeting pagtinatamad ako...
"Nasaan na kaya siya?" bulong ko
Maya-maya nagpaalam saakin si tin-tin kasi pupuntahan pa niya bf niya. Magkita nalang daw kami bukas sa may sikat na 5 star hotel ng maynila..
"Dont worry. Spy kaya ang bf ko? Baka makita niya si Chris mo.."
"Hmp!"
"Uie.. Kinikilig!" sabay kiliti sa kili-kili ko
"Waaahhh!!! Wag po! May kiliti ako diyan uie!"
*pak!
"Sabi mo eh." sabay himas sa kamay niya
"Sige go ka na.. Nagaantay na si mr. Spy mo."
"Okie babush!"
"Tsaka..."
"Hmmm??"
"Ang balita ha?"
"Oposh!" sabay salute
Mga bandang 6 pm. Minamadali ko ang mga papeles na dapat tapusin na kasi ayaw kong magdala ng works dun sa condo ko eh. Di ako makakapagrelax. Nagpapahelp na din ako sa secretary ko.. Ayan by 5:58 pm na tapos nadin at nagsiuwian na kami. hehehe
Naglalakad lang ako patungong condo ko. Malapit lang eh, tsaka enjoy kaya? Di ka pa mata-traffic oh ha?
Nung papaliko na sana ako may nakita akong familiar na mukha kaya sinundan ko.. Sinundan ko siya kahit saan siya pupunta. Hinahabol ko pa nga eh at sinigaw ko ang pangalan ng special person ko..
"CHRIS!!"
Pero, hindi siya tumingin lang man. Lumiko siya sa less people kaya kahit danger, sinunod ko parin siya..
"Chris?!"
Sigaw ko pa rin...
"Chris!!"
At nawalan na ako ng pagasang mahabol siya kasi nawala lang siya ng kusa nung lumiko siya. Mga tao eh! Ang dami.. yan tuloy