CHAPTER 1

12 1 0
                                    

Reason Why...

REESE

Titigan mo na siya, Reese, dahil iyan na ang huling oras na tititigan mo ang taong nasa harap mo. Oo, masakit pero pagkatapos niyan, wala na. Iiyak ka pero darating ang time na makakapag-move on ka rin. At 'pag dumating ang panahong 'yon, tatawa ka na lang at sasabihin mo sa sarili mo na 'Ang tanga ko pala kasi minahal ko siya.'


Tears falling from my eyes.


My heart bleeding inside.


My hands shaking...


Humugot ako ng malalim na hininga at saka ako nagsalita. I even smile a little...



"Salamat. Salamat dahil nakilala kita. Salamat dahil kahit pagkukunwari, naramdaman kong minahal mo ako. Salamat dahil sa mga narinig ko sa'yo nalaman kong meron pa rin palang mga taong tumitingin sa estado ng buhay ng tao. Maraming salamat dahil napatunayan kong hindi nasusukat ang ugali ng isang tao base sa kanyang panlabas na anyo. Salamat... maraming, maraming salamat. Sana maging masaya ka na. Don't worry, ngayon pa lang pinapatawad na kita," sabi ko sa kaharap ko.



Ang galing kong umarte... Nasabi ko sa kanya 'yon ng tuloy-tuloy kahit na durog na durog na 'yong puso ko.


Ang sakit pala talaga. Haha! First boyfriend ko siya, eh.


First boyfriend... First love... First kiss... First hug...


Siya lahat 'yan... Tapos malalaman ko na lokohan lang pala. Haha! Grabe! Ang sama-sama niya. Tiniis ko lahat ng pang-iinsulto ng ibang tao para sa kanya pero mismong siya, 'yon pala ang tingin niya sa'kin.


Nagpahid ako ng luha saka muling ngumiti ng mapait sa kanya.



"Aalis ako ngayon kasi sobrang sakit ng ginawa mo, eh. Hindi ko alam kung kaya ko pang humarap sa mga tao pagkatapos nito. Grabe ka, eh. Tinodo mo lahat. Sana unti-unti lang. Iiyak ako ng isang buong araw, pagkatapos no'n pipilitin ko ang sarili ko na makapag-move on agad para 'pag nagkita ulit tayo, ibibigay ko sa'yo ang pinakamaganda kong ngiti," sabi ko pa sa kanya.



Magsalita ka! Gusto kong sabihin sa kanya 'yan! Gusto ko siyang sigawan! Gusto kong sabihin sa kanya na napakawalang-kwenta niyang tao. Galit ako, oo. Gusto kong isigaw lahat ng gusto kong sabihin sa kanya dahil sa galit ko pero gusto ko ring ipakita sa kanya na kaya kong magpakahinahon...


I don't want to lose my composure dahil sa ginawa niya sa'kin.


Para sa'kin mas mararamdaman niya ang guilt kung kalmado lang ako. At sana maramdaman niya ang guilt para kahit do'n man lang makaganti ako sa kanya.


Marami akong sekreto sa kanya pero hindi ibig sabihin no'n hindi na totoo ang ipinakita ko sa kanya.


A little bit of myself lang ang itinago ko sa kanya at kahit ngayon, hinding-hindi ko sasabihin sa kanya kung ano 'yon. Para saan pa kung hinusgahan na niya ako? Sapat na 'yon narinig ko para hindi ko na gustuhin mag-explain pa.



"Last na... sana hindi mo pagsisihan ang ginawa mo sa'kin. Sayang... sayang ang panahong inukol ko sa'yo. Sayang ang pagmamahal ko. Be happy... just be happy."




Lumapit ako sa kanya at ginawaran siya ng halik sa pisngi.


I felt him stiffened. Maybe he didn't expect na gagawin ko pa 'yon.



"I really hate you pero tanggap ko sa sarili ko nagpakatanga ako sa'yo at 'yon ang pinaka-pinagsisisihan ko. Goodbye," bulong ko pa sa kanya bago ako tuluyang tumalikod.



"Reese, I'm..." dinig ko pang sabi niya.



Sorry, dahil nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin kaya kahit ano pang sabihin niya hindi na ako makikinig. Tama na. Tama na. Tama na na nagmukha akong tanga sa harapan ng ibang tao.



Sige lang, magtawanan kayo dahil alam ko sa sarili ko na sa huli ako pa rin ang mananalo. Ako pa rin ang may pinakamalaking ngiti sa ating lahat.


Kakainin nyo rin ang mga sinabi nyo sa akin. Magsisisi din kayo. At 'pag dumating ang araw na 'yon, ako naman ang magsasabi sa inyo na dapat hindi nyo ako minaliit kasi hindi nyo naman ako lubusang kilala. Sana kinilala nyo muna ako ng husto bago kayo nagsalita ng masasakit tungkol sa akin.


Hindi naman ako pinalaki ng magulang ko para insultuhin nyo ng gano'n-gano'n na lang. Nagmahal lang ako at hindi ko kasalanan na pinalabas kong ganito ako.


Hindi ako mayaman... 'Yan ang alam nyo.


Hampaslupa... 'Yan ang pinalabas kong impression sa inyo.


Ang hinangad ko lang naman ay makatagpo ng mas maraming totoong kaibigan pero hindi ko inaasahan na sa paghahanap ko palang ito, ito rin ang makakasakit sa akin ng sobra.


Sana, sana lang matauhan kayo.


Hindi ako ang simpleng Reese na nakilala nyo. Isang Reese na akala nyo mahina ang loob. Si Reese na hindi lumalaban. Si Reese na walang breeding. Si Reese na mahirap pa sa daga...


Hindi...


Hindi ako 'yan...


Dahil sa Reese na kilala n'yo ay ang Reese na..........

---

A/N: Magsisipag ako kasi naiinggit ako don sa ibang authors na ang dami ng published stories. huhu... buti pal sila...


Inlove With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon