Farewell
PIERRE
Hindi ko na madalas makita si Reese. Hindi ko alam kung nasaan siya. Noong last naming pagkikita ay 'yong umiyak pa siya sa'kin. Mula no'n wala na rin akong balita sa kanya. Hindi ko nga alam kung iniiwasan niya ako.
Hinahanap ko siya sa mga kaklase niya pero ano pa ba ang aasahan ko? Wala silang pakialam do'n sa tao. Parang ipis lang siya sa paningin nila. Hindi nila alam na ang inaapi nila ay isang napakabuting tao at isa sa pinakamayaman sa Pilipinas.
Nakakatawa, di ba? Hindi naman ako kaano-ano ni Reese pero ang dami kong alam sa kanya. Kilalang-kilala ko siya. Stalker ako eh.
No! Hindi ko na kailangan i-stalk si Reese kasi kaibigan ng Kuya ko ang Kuya Tristan niya. Hindi naman ako sumasama sa mga party-party kaya hindi niya ako nakikita. Nakilala ko siya kasi tuwing nasa bahay si Kuya Tristan, lagi niyang kinukwento ang nag-iisang prinsesa nila – si Reese nga.
According to Kuya Tristan, they are very proud of their youngest sibling. Mabait daw ito at napakagaling pa kaya lang may kalokohan ding alam. Nagpanggap daw na mahirap at kumuha pa ng scholarship sa university na pag-aari ng Tita nila.
Ipinakita pa nga niya sa'kin ang picture ni Reese na lagi daw nasa wallet nilang magkakapatid. She is their princess at hindi daw sila nahihiyang aminin na takot sila rito. Masyado daw nila itong mahal kaya sinusunod nila ang gusto nito though she is not spoiled.
Sa tuwing naroon si Kuya Tristan sa bahay namin lagi niyang bukambibig si Reese bukod sa girlfriend niya. No'ng una wala lang sa'kin pero habang tumatagal hinahanap-hanap ko na ang kwento tungkol sa kanya.
At nang Makita ko siya sa university, nilapitan ko siya and that's when our friendship started. Friendship na habang tumatagal lumalalim at ngayon hindi ko maitatangging mahal ko na siya.
Ayoko pa lang aminin sa kanya kasi unang-una ayokong may masabi siya na sinamantala ko ang pagkakaibigan namin. Pangalawa, nangako ako sa parents ko na uunahin ko ang pag-aaral ko bago ako mag-girlfriend.
Sa totoo lang, hindi ako sang-ayon sa ginawa niyang pagpapanggap kasi alam kong masasaktan siya. Hindi naman lahat ng tao makakaintindi sa kanya. Marami pa ring tao na tumitingin sa social status kaya ayan, nasaktan ang Reese ko.
"Pierre!"
BINABASA MO ANG
Inlove With You...
RomanceLife is unpredictable. You don’t know what to expect… You don’t know who comes along… You don’t know who will be gone… You don’t know why a particular thing happens… Life is full of surprises. One day you feel very happy… There will be...