Wow!
REESE
Ilang days na lang graduation na namin. Ready na ako for that. Ewan ko na lang ang parents ko kung ready na. hindi ko pa nasasabi ang plans ko. At habang walang pasok ngayon, ngayon na rin ako magpapaalam sa kanila.
Sunday ngayon kaya kumpleto kaming family dito sa bahay. Family day ngayon kaya bawal pumasok sa office. Complete attendance including the girlfriends ng mga kuya ko.
"Hi baby. What do you want for your graduation?" – tanong sa'kin ni Daddy
"Actually, Dad, ahmm... naka-ready na 'yong papers ko for abroad and kailangan ko na lang ng blessings n'yo ni Mom so I can pursue my craft there. Gusto kong kumuha ng iba't ibang art classes do'n," sabi ko.
"NO!" – sigaw ni Mom na hindi ko alam na nakalapit na pala sa 'kin.
"Hindi ako papayag. Ayoko umalis ang baby ko. Pwede naman dito sa Pilipinas ka kumuha ng kahit anong art classes bakit sa ibang bansa pa? Hindi ako papaya. NO, Reese. No!"
"Dad..."
"Let me talk to your Mom, baby. Ako na ang bahala basta ako okay sa'kin. We can visit you there naman every now and then. In fact, we can live there. Kaya naman nila Kuya mo ang business natin," – sagot ni Daddy habang pina-pacify na si Mom.
"Payag ako para kay Bunso!" – Kuya Luke.
"Ako din para kay Bunso!" – Kuya Arthur.
"Mas lalo na ako!" – Kuya Jake.
"Sagot ko ang allowance mo monthly but you need to come back here after two years all good and healed, okay?" – Kuya Xander.
Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Xander... Parang...
"Wait. You can live sa pad ko sa US. Yon din ang tinirhan ko no'ng nag-aral ako abroad. Saka para may bantay ka rin. My friends will be your neighbour. Ako ang bahala sa bayad ng electricity and all basta about sa bahay," – Kuya Tristan.
Natatawa na lang ang girlfriend ng mga Kuya ko sa mga sinasabi nila ngayon pero hindi naalsi sa isip ko ang sinabi ni Kuya Xander.

BINABASA MO ANG
Inlove With You...
רומנטיקהLife is unpredictable. You don’t know what to expect… You don’t know who comes along… You don’t know who will be gone… You don’t know why a particular thing happens… Life is full of surprises. One day you feel very happy… There will be...