CHAPTER 2

8 0 0
                                    

Sorry...

?

Nando'n ako. Sa harap niya. Nakita, narinig ko lahat ng nangyari. Hindi ko naman alam ng gano'n pala ang mangyayari. Akala ko...


Grabe! Gusto kong mag-sorry sa kanya. Gusto kong mag-sorry sa lahat. Hindi ko alam na masasaktan siya ng sobra.


Galit ako. Galit ng galit ako sa sarili ko. Sana pala hindi ko hinayaan na masaktan siya ng gano'n. Sana hinayaan ko na lang ang sarili ko na...


Ang tanga-tanga ko.


Sobrang bait niya tapos nasaktan lang siya ng gano'n. Hindi niya deserve 'yon eh. Sa tagal ng pagkakailala ko sa kanya, alam ko na tanga na lang ang mananakit sa kanya. At isa ako do'n.


Isa akong tanga na pinanood lang siya na masaktan sa harap ko.


Hindi ako makapaniwala sa sarili ko na nagawa ko 'yon.


I am still here. Napako na sa kinatatayuan ko kanina pa. At hanggang ngayon narito pa rin ako. I'm speechless.



"Reese, I'm..."- simula ko pero...



Nag-angat ako ng tingin at nakalayo na pala siya ng tuluyan.


I don't know what to say. Gusto ko siyang habulin pero hindi ko magawa. Hindi ko rin masabi kung ano ang pumipigil sa akin. Parang hindi na gumagana ang utak ko ngayon.


Hindi ko alam kung ang pumipigil sa akin ay ang sakit na nakit ko sa mukha niya kanina. Hindi siya 'yon, eh. 'Yong mukha niya kanina hindi si Reese 'yon na kilala ko. Ang tagal ko na siyang nakikita at kabisado ko na nga ag mannerisms niya, ang body language niya, pati ang expression ng mukha niya. Kabisado ko 'yon.


Kanina no'ng tinitingnan ko ang mukha niya, alam kong sobrang sakit ang nararamdaman niya. Katangahan na lang ang mananakit kay Reese. At palagay ko, ako ang isa sa may pinakamalaking kasalanan sa kanya.


Kung bakit ba naman kasi hinayaan ko lang siya?


Alam kong mali na umpisa pa lang pero wala akong nagawa para pigilan siya?


Alam kong ganito ang kahahantungan pero wala akong ginawa para itama ang lahat...


Kung alam ko lang na ganito pala ang mangyayari sa kanya, sana ako na mismo ang nagsabi...


'Sorry, Reese. Sorry... Sana ako na lang ang nasasaktan at hindi ikaw. Sana, no'ng nagsasalita ka kanina pinigilan ko para naman masabi ang gusto kong sabihin.' - 'yan na lang ang sabi ko sa sarili ko.

Inlove With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon