The Cook
REESE
Kung ganito lagi ang bubungad sa'kin sa umaga siguro magiging maganda ang araw ko. Ilang lingo na kaming magkasama sa bahay ng kaibigan kong si Pierre at lagi niya akong pinagluluto. Breakfast 'til dinner pa yon.
"Good morning, Princess," – bati niya sa'kin.
"'Morning. Bakit inunahan mo na naman akong magluto? Di ba usapan natin kahapon ako naman ang magluluto ngayon?" – sagot ko.
"Hmm... Puro prito ang alam mong iluto eh."
"Grabe ka! Wala lang akong time magluto kaya puro prito ang natitikman mo."
Tumawa pa ang loko.
"'Yaan mo na ako, my Princess... Maliit na bagay lang naman 'to eh."
Hindi na ako sumagot kasi hindi naman ako mananalo sa kanya. Kumain na lang kami ng magkasabay at todo silbi pa siya sa'kin.
Kahit pa'no nakakalimutan ko na ang lahat ng masasakit mula ng dumating si Pierre. May nakakausap na kasi ako. Hindi katulad dati na ako lang talagang mag-isa.
Hatid-sundo pa niya ako sa school. Ang akala tuloy ng lahat boyfriend ko siya. Hindi ko namna tinatama para na rin hindi ako kulitin ng mga foreigners dito. Besides alam naman naming dalawa ang totoo sa amin eh.
We're just friends.
"By the way, pupunta ba dito sila Tita and your brothers para sa graduation mo?"
"Nope. Sabi ko 'wag na saka short course lang naman 'yon. Hindi masyadong big deal ang graduation."
"Hindi big deal sa'yo yon eh ikaw pa rin ang nanguna sa klase nyo?"
"Ano k aba? Wala lang 'yon. Busy rin sila kaya okay na."
BINABASA MO ANG
Inlove With You...
RomanceLife is unpredictable. You don’t know what to expect… You don’t know who comes along… You don’t know who will be gone… You don’t know why a particular thing happens… Life is full of surprises. One day you feel very happy… There will be...