Chapter 9

2 0 0
                                    


Her Friend...

PIERRE


Ang hirap... ang hirap maging kaibigan lang niya. Ang hirap at ang sakit kasi ang taong mahal na mahal mo, isang kaibigan lang ang turing sa'yo. Gustuhin ko mang ipakita sa kanya kung ga'no ko siya kamahal bilang isang lalaki, hindi ko magawa dahil kaibigan lang ako.



Kaibigan... kaibigan na may limitasyon kung magpapakita ng tunay na nararamdaman...



Kaibigan lang niya ako at natatakot akong maging hanggang kaibigan lang kami habangbuhay....



Kaibigan lang niya ako na pwede niyang layuan anumang oras na gustuhin niya...



Kaibigan LANG...



Kaibigan na baka layuan niya sa oras na malaman niya ang nararamdaman ko para sa kanya. Kaibigan na may limitasyon pa rin kung pakitunguhan siya...



Hanggang kailan ba ako pwedeng maging kaibigan...



Naduduwag ako? OO... Sobrang naduduwag ako kasi baka sa oras na malaman niya na mahal ko siya ay layuan niya ako. Baka isipin niya na pinagsasamantalahan ko siya... Baka isipin niya na nagte-take advantage ako sa kanya...



Pero ano ba ang gagawin ko? Pwede bang pakisabi kung ano?



Ang cliché na nito eh. Sobrang cliché at gasgas na... marami ng istorya ang nabuo sa ganito...



Friend na lalaki na na-inlove sa kaibigan niyang babae and vice versa...



Mapipili mo ba ang taong mamahalin mo para ang hindi masabing CLICHÉ ang drama ng love story nyo? Pwede bang sisihin mo na lang ang puso o si Kupido na siya raw may nagdidikta sa buhay pag-ibig mo?



O si UTAK na lang na siya namang nagko-kontrol sa puso mo?



Ang hirap, di ba?



Ang hirap na gusto mong ipagsigawan sa buong mundo na mahal na mahal mo ang babaeng yakap mo pero hindi mo magawa dahil kaibigan lang ang turing niya sa'yo.

Inlove With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon