CHAPTER 4

8 1 0
                                    

What Really happen?

REESE

Naglalakad ako papunta sa room. Ang daming tao sa hallway at medyo sanay na akong pinagtitinginan mula no'ng nangyari ang isa sa pinaka-ikinhihiya kong pangyayari sa buhay ko. Ilang buwan na ba akong ganito? Pinagtitiisan ko na lang kasi isang buwan na lang ang itatagal ko dito sa Pilipinas.


Konti na lang...


Kukunin ko na lang din naman ang mga grades ko ngayon and also magpapaalam sa mga professor ko.


Papasok na ako sa room nang...




"Oh... nandito pala ang hampaslupa na 'to," - Sheryl




Siya lang naman ang villain sa buhay ko. Hindi ko n asana papansinin nang...




"'Wag mo akong tatalikuran!!!" - siya pa rin. Sabay hila sa buhok ko.


Hindi ako nagsasalita pero pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko. Wala akong balak makipag-away sa kanya ngayon. Tama na 'yong isang bese na nakipag-away ako at ako pa ang nasaktan ng sobra. Ang araw na 'yon ang hinding-hindi ko makakalimutan.



FLASHBACK...

Tahimik lang ako rito sa garden. Hinihintay ko lang ang boyfriend ko May sasabihin daw siya sa'kin. At importante raw. Medyo matagal nga siya, eh. Well, sanay na ako kasi gano'n na siya mula ng makilala ko siya.


Dati naiinis ako kasi ako 'yong taong masyadong pinahahalagahan ang oras. Ayokong nale-late kasi feeling ko saying ang oras 'pag gano'n at saka pupuntahan mo na rin naman so bakit kailangan mo pang ma-late. Gano'n din naman 'yon eh.


Tumayo na ako kasi naiinip na talaga ako. Pupuntahan ko na lang siguro siya...


Tumayo na ako at...




"ANO BA?! HINDI MO BA AKO NAKITA PARA BANGGAIN MO LANG?! PALIBHASA TATANGA-TANGA KA KAYA HALOS LAHAT NG TAO NILOLOKO KA NA PERO WALA KANG ALAM!" - Sheryl




"Hindi ko naman alam na nandyan ka pala. Sorry."




"Sorry?! Hindi mo alam?! Kanina pa ako dito tapos sasabihin mo na hindi moa lam. Sabihin mo sinadya mo!!!"

Inlove With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon