Chapter 3

6 0 0
                                    

Moving On...

REESE

Ang hirap. Ang hirap 'yong pinipilit mong maging okay pero alam mong sa sarili mo hindi okay. Ang hirap magpanggap na masaya kahit na ang gusto mo lang ay maghapon kang magmukmok dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap ngumiti kahit na ang puso mo durog na durog na.


Ang hirap!


Pero ako, sige lang. Kahit mahirap kakayanin ko. Konting time na lang aalis din naman ako. Yes, tatakas ako sa lahat ng taong nanakit sa'kin. At babalik ako 'pag okay na ako. Konting months na lang, aalis din ako rito sa lugar na 'to.


Graduation na in a few months kaya tamang-tama, aalis ako right after graduation. Ang hirap mag-move on sa lugar na 'to kung nakikita ko pa ang mga taong naging dahilan ng pagiging miserable ko ngayon.


Kakayanin ko pa. Ako pa! Para ano pa't naging si Lareese Santillan ako. Santillan ako eh. Hindi ako magpapatalo. Heartache lang ito na alam kong 'pag lumipas ang panahon, mawawala rin. Hindi naman habang buhay, narito 'to.


At sa pag-move on...



"Hi, Reese."



"Ha?" – nagulat ako kasi may bigla na lang tumabi sa'kin.



"Tsk... Two days lang ang lumipas na hindi tayo nagkita hindi mo na ako agad kilala. Grabe ka!"



Si Pierre pala ang lumapit sa'kin.



"Okay ka na?" – tanong niya sa'kin.



"Honestly, hindi pa. Ang hirap, eh. Nakikita ko silang masaya samantalang ako... heto, nasasaktan pa rin," – sabi ko habang nakatingin sa kanya.



"Oh, iiyak ka na naman. Tara nga rito..." – nagulat na lang ako ng bigla niya akong niyakap.



"They are not worth your tears, Reese, kaya 'wag mo na silang iyakan. Narito lang ako, sasamahan kita hanggang sa mawala ang sakit. Trust me."



Hindi ko alam kung bakit ganito si Pierre sa'kin.



"Bakit mo ito ginagawa, Pierre? Hindi mo naman ako kaano-ano..." – tanong ko sa kanya.



"Masama bang magmalasakit sa'yo? Sorry din pala. Hindi kita naalagaan kasi naman ikaw tinago mo pa."



Naitulak ko siya at tiningnan ko siya na parang nagtatanong.


May alam kaya siya tungkol sa'kin? Bakit ganito siya magsalita?



"May..."



"Hay naku. Ikaw talaga, Reese, kung anu-ano iniisip mo. Bakit? Mat tinatago ka ba sa'kin at ganyan ka kagulat?"



"W-wala ah."



I heard him sigh at hindi ko alam kung para saan iyon.



"I'm your friend, di ba? 'Wag naming pati sa'kin magtago ka. You can trust me, Reese. You can trust me Reese Santillan..."



Hindi ko alam. Hindi ko alam kung may alam ba si Pierre o ano. Basta ang alam ko, siya na lang ang kakampi ko dito...



"I love you, Reese."



I stiffened. Hindi ko alam kung imagination ko lang 'yon o ibinulong talaga para sa'kin. Tiningnan ko ang katabi ko at nakita kong nakatulog na siya. Ni hindi ko man lang naramdaman na nahiga pala siya sa tabi ko.

------ 

A/N: I hope na patuloy nyo pa ring basahin ang story na 'to. Lalagyan ko na maraming kaabang-abang na pangyayari para mas lalo kayong ganahang basahin pero sa ngayon dahil nagsisimula pa lang, pagtiyagaan nyo na kasi nag-e-establish pa lang naman ako ng mga characters. Sana maramdaman nyo pa rin 'yong pa-mysterious effect ng mga characters ko. 

thanks... :)

Read and comment please... 

PS: Bago ako mag-upate ulit, maghihintay ako na maka-quota ako sa reads... hahaha... sana matupad at medyo bumilis ang pagdami ng reads... hahaha... 

Lovelots,

enajeniluap


Inlove With You...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon