Chapter 11

11 1 2
                                    

"Babe?? Oo babe, malapit na ko",binaba ko ang phone ko.

"Saang ospital daw?",tanong ni Aldrin sakin.

"Sa Medical City pero ibaba mo na lang ako kung san mas convenient sayo"

"Ihahatid na kita.",pumayag na din ako kay Aldrin dahil nagmamadali na din akong makapunta dun.

After an hour nakarating na din ako sa ospital. Agad naman akong sinalubong ni Jeric pagbaba ko ng sasakyan. Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Si Papa, natatakot ako Babe.. 50-50 sya.",tinapik tapik ko ang likod ni Jeric. Ngayon ko lang sya nakitang umiyak. Narinig ko naman na pinaandar na ni Aldrin ang sasakyan nya.

"Thank you for being here Babe.",agad din kaming pumasok sa ospital. Kritikal ang lagay ng papa nya dahil may sakit yun sa puso. Kasalukuyan syang nirerevive. Maya maya pa ay lumabas na yung doktor mula sa ER. Lumapit kami ni Aldrin sa doktor to check what happened.

"Narevive na namin sya but the patient is not yet stable. Sumunod ka sakin sa office para makapagusap tayo.",agad namang sumunod si Jeric at pumunta na lang ako sa waiting area.

Tinawagan ko si Aldrin.

"Kamusta?",agad na tanong ni Aldrin pagkasagot nya ng tawag ko.

"Okay na yung father nya pero mukhang di pa talaga okay na okay. Kausap ng doktor si Jeric ngayon."

"I hope he'll be fine. By the way Bernadette, if you need someone to pick you up tawagan mo lang ako ha.. Susunduin kita dyan ."

"No, wag na. Magpahinga kana, alam kong pagod kana rin."

"Yes I am pero alam kong mas pagod ka kesa sakin."

"I'm fine.. you don't need to worry."

"Basta text me or call me.."

"Hm, basta okay na nga.", ayoko nang abalahin pa sya. Hay naku Badet yan ka nanaman. Dumedepende nanaman ako sa kanya. I don't know pero after ng pagkakaayos namin parang back to normal na lang ang lahat. Gusto kong dumepende sa kanya. Tulad nito, imbes na si Cathy na lang sana ang tinawagan ko sya ang ma-dial ko.

"Badet, don't be so stubborn.. Maliit na bagay lang yung pagsundo ko sayo. Basta pag okay na ang lahat dyan just call me para masundo kita. Ayaw mo naman siguro na iisipin pa ni Jeric na ihatid ka pauwi diba?"

"Okay, I give up . I'll just text you.. And Aldrin, thank you. Thank you sa lahat."

"Thank you din sayo Badet.. Bye."

"Bye.",binaba ko ang phone.

"Aldrin? Sinong Aldrin?",biglang sumulpot si Jeric at tumabi sakin.

"Aldrin Reyes."

"Ha? Kelan pa kayo naging close.?"

"Manager ko sya."

"Okay Manager mo so sya ang naghatid sayo dito? Si Aldrin?"

"Oo"

"Ba't parang di mo naman nakwento sakin na Manager mo pala si Aldrin?"

"Di ba? Ah, di naman kasi mahalaga yun."

"Kung sa bagay. Bakit kausap mo sya sa phone?"

"Ahh.. kasi may pinapatapos sya sakin na report sabi ko di ko muna magagawa. Ayun pumayag naman sya.", jusme. Bat ba ko nagsinungaling pa. Wala naman akong lihim na relasyon kay Aldrin. Or guilty lang ako?

"Buti pala si Aldrin ang boss mo. Papabantayan kita sa kanya para walang umaligid sayo na mga lalaki"

Seriously? If you only know.. na si Aldrin ang dapat mong bantayan.

Badet, compose yourself. I shouldn't be thinking about this. Kaya ko to.

I'm In Love with my Best Friend (Stress sa Chest)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon