4pm na malapit nang matapos ang shift.
Nagbreak muna ako at pumunta sa lounge. Mukhang nagiging favorite tambayan ko na to. Dito kasi medyo nakakapagisip isip ako. Kapag office hours kasi wala masyadong tao dito.Naisipan kong dito na basahin ang sulat ni Kuya Argie.
Dear Bernadette,
Bata pa lang tayo alam mo naman na kahit di tayo tunay na magkapatid ay kapatid ang turing ko sayo. Kaya naman naging over protective ako sayo. Naalala mo ba? Para akong pader na hindi magiba sa pagharang sa mga manliligaw mo? Ngayon, malaki ka na, di kana bata at di na kita mababantayan pa. At wala na akong karapatan para pigilan kang magmahal sa kung sino ang gusto mong mahalin.
Hindi lang ito ang dahilan kung bakit ako sumulat sayo. Sumulat ako para humingi ng tawad. Hindi ko dapat pinakialaman amg buhay mo. Sorry Bernadette sa nagawa ko. Sumulat ako para humingi ng tawad at itama ang pagkakamali na ginawa ko noon. Akala ko mapoprotektahan kita para hindi ka masaktan pero ngayon nakita ko na mas nasaktan kita sa ginawa ko. Alam kong minahal mo si Aldrin noon at nakikita ko na may pagmamahal ka pa rin sa kanya hanggang ngayon.
Naging unfair ako sayo na pinsan ko at naging unfair ako kay Aldrin bilang kaibigan nya.Hindi totoong iniwan ka ni Aldrin.. at hindi totoong hindi sya nagpaalam sayo.. Buong buhay mo hanggang ngayon, nandyan lang sya para sayo. Alam ko yon. Mahal ka nya higit pa sa kaibigan. At sana hindi pa huli ang lahat para sa inyo.
At alam kong huli na pero sana nakahingi din ako ng tawad kay Aldrin.
From kuya Argie.
Mahal ako ni Aldrin? At buong buhay ko nandito lang sya para sa akin? Hmm, di ko maintindihan tong si Kuya Argie. Siguro kaylangan ko syang tawagan mamaya for clarification! Itinupi ko ang sulat at nang ilalagay ko na ulit sa sobre napansin ko na may isa pang sulat na nakatupi sa loob. Kinuha ko yun. At sinimulang basahin.
To My Prettiest Friend,
Happy Birthday Best!! Sorry kung di ako nakapunta sa birthday mo.. (malamang habang binabasa mo to nagtatampo kana sakin..) Sorry at di din ako nakapagpaalam sayo ng maayos pero I hope na kahit wala na ako sa tabi mo you'll be happy.. Aayusin ko muna ang sarili ko para naman may mukha akong maiharap sayo, sa pamilya mo at kay Kuya Argie mo. Once ma makita mo ko ulit I will be a better man. I PROMISE! Wag mo sanang isipin na iiwan kita. Aalis ako kasi mahal kita.. Yes, mahal kita at ang awkward umamin sa sulat kasi di na uso to.. pero sa ganitong paraan ko lang pwedeng masabi sa ngayon na mahal kita Bernadette.. Mahal na kita noong una kitang makita, na di ko pa alam ang pangalan mo. Mahal kita nung nakita kitang muli at hiningi ko ang phone number mo.. Mahal na kita noong nakita kitang natutulog sa jeep.. Mahal kita kahit kelan. Kahit noon, ngayon or sa future..
Pag naging maayos na ang lahat.. at handa na kong harapin ka ulit sana tanggapin mo ang pagmamahal ko sayo. Sana sabihin mo na mahal mo rin ako..
Alam kong matatagalan, baka abutin ng ilang taon pero handa akong maghintay para sa araw na iyon..
Pero kung sakaling hanggang kaibigan lang talaga.. o one sided love pala to.. maiintindihan ko... basta ipakilala mo na lang sakin ang taong mahal mo...
I'll be cool about it and respect your decision.. but Bernadette, I will never forget my promise, I will wait for you, and I will do my best.. for you.. because I do love you.. and I'm sure about this love... my love for you's forever..
Happy Birthday and I love you...
BY ALDRIN :)
Naalala ko bigla yung time na nagkita sila ni Jeric. At yung time na ininterview nya ko. All this time ba akala nya nabasa ko yung sulat? All this time akala nya alam ko na mahal nya ko? It must've hurt him, BIG TIME.. pumatak ang luha ko. Pinunasan ko yun..
"Wag kang umiyak Badet.. wag kang umiyak", sabi ko sa sarili ko pero patuloy pa rin ang pagpatak ng luha ko. Huminga ako ng malalim. At agad na tumayo pabalik sa station ko. Kinuha ko kaagad ang bag ko at pumunta kay Sir Anton.
"Sir bigla pong sumama ang pakiramdam ko. Okay lang po ba na magearly out ako ngayon?"
"Ganun ba? Sige, magpahinga ka ha at bumili ng gamot..", sakto naman na lumabas ng opisina si Aldrin at hindi ako makatingin sa kanya.
"Boss, uuwi na daw si Bernadette at masama ang pakiramdam nya."
"Ganun ba? Sige Bernadette, gusto mo ba ihatid na kita?"
"Hindi na po Sir.", agad akong dumaretso palabas ng opisina. Bubuhos na ang luha ko, hindi ko na kaya.
"Bernadette!!",narinig ko ang boses ni Cathy at napahinto ako.
"Masama ang pakiramdam mo?""Bat mo ko sinundan?"
"Pinaearly out ako ni Sir Aldrin, sabi nya sundan daw kita at ihatid pauwi.."
"Cathy..",agad kong niyakap si Cathy at humagulgol.
"Anong nangyari? Tara...", sumakay kami ni Cathy ng taxi.
"Kuya sa Shaw po..",sabi ni Cathy.
"Kuya sa North Avenue po.", napatingin si Cathy sa akin.
"Samahan mo kong uminom Cathy."
"Ha? Ano bang problema?", iniabot ko sa kanya ang sulat ni Aldrin at kinikilig pa sya habang binabasa yun.
"Bernadette alam mo sa halip na mag inom ka dyan ay puntahan mo na si Aldrin.. Kung mahal mo pa sya, go na!"
"Cathy sa palagay mo ba bukas palad nya akong tatanggapin? After nyang malaman na boyfriend ko si Jeric?"
"Di ko alam pero wala namang masama kung itry mo diba?"
"Sa ngayon di ko na alam.. Ano bang gagawin ko? Di ko alam..."
I'm frustrated.. I'm frustrated to myself.. Bat di ko nalaman. Urggh.Is he feeling thesame way today?
Do we have a chance?
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Best Friend (Stress sa Chest)
RomanceThis is the BOOK 1 of my Stress sa Chest Series Book 1: I'm In Love with my Best Friend book 2: Prettiest Friend book 3: The Things I'll Never Forget. 150 votes then I'll publish the book 2. Butterfly Hao © Copyright. All rights reserved. No part...