"Wow. Ibang klase ka Bernadette!!! Sino ba yun?", amaze na amaze sakin si Cathy pero di ko alam kung gusto kong bawiin yung mga sinabi ko kanina sa kanya. Pero tama lang naman yun diba? Actually kulang pa nga yon.
"Nakilala ko sya nung High School pa lang ako. Nung una ko syang makita naintriga na ko kaagad sa kanya. Kung sino ba sya?
Kung ano bang takbo ng utak nya.. Di ko sya mabasa.. There's something interesting about him na I shouldn't miss.
We started as strangers and ended as friends. It's been 3 years since I last saw him at ngayon, ang dami nang nagbago.. Sa itsura nya, sa suot nya at sa pagkatao nya. Kinalimutan nya na ako. Akala ko nakalimutan ko na sya.. Pero ngayon na nakita ko sya bumalik lahat.""Lahat? What do you mean Bernadette? ", nagtatakang tanong ni Cathy.
"Minahal ko sya Cathy pero di ko man lang nagawang sabihin sa kanya. Feeling ko sya na ang kukumpleto sakin. Sya lang ang minahal ko ng ganon. Pero di na mahalaga yun. Hayaan na natin. Matagal na yon. Lumipas na ang panahon. I'm happy with Jeric."
"Magkwento ka naman.. Sige na.. nakakaintriga talaga si Mr. Manager. Imagine Badet.. That guy? Yung gwapong lalaki na yun pero medyo suplado nga lang. Talagang nakakaintriga.. Sige na kwento mo na...", niyapos ni Cathy ang braso ko at nagpapacute pa na parang bata.
Syempre di naman ako madamot magkwento sa kaibigan kong to. Simula nung nagcollege ako at wala na sa buhay ko si Mr. Suplado este si Aldrin .. si Cathy na ang naging kaibigan ko.
Buti na lang at nagtransfer ako sa Taft dahil kung hindi, di ko nakilala si Cathy.
Muli kong inalala ang nakaraan. Kung sa paanong paraan ko sya unang nakita. Hindi ko inakala na sa mismong araw na yun magbabago ang buhay ko.
"Hi guys and girls.. I want you to meet Bernadette.. Sya ang magiging choreographer nyo para sa Production number nyo.",pagpapakilala ni Dan sakin.
"Hello po..", magalang na pagbati ko sa lahat ng contestants ng Mr. and Ms. St. Jude College.
"Hi.. Ilang taon kana?",tanong ni Miguel isa sa contestants.
"15 po.."
"15???", gulat na tanong nya.
"Ay ang bata mo pa pala so High School ka palang?", tanong ni Anne sakin.
"Yes. Tara po. Magstart na po tayo ng practice..", ayoko din kasi ng masyado akong tinatanong tungkol sa sarili ko.
Nung time na yun mahiyain pa ko. Tapos ilag sa pakikipagusap sa mga tao. Talagang love ko lang ang pagsasayaw. Yun ang buhay ko. Dun umiikot ang mundo ko.
Noong time na yun ay di ko pa napapansin si Aldrin. Hindi sya angat sa ibang contestants. Siguro dahil simple lang sya manamit tapos di sya kaputian kaya di ko talaga sya napansin. Plus tahimik pa sya. Pero natapos ang practice namin nung araw na yon na sya ang tanging nagmarka sakin.
Lumapit si Aldrin sakin at iniabot ang cellphone nya.
"Pakilagay yung cellphone number mo dito..", Napatitig ako sa kanya. Halo-halo na ang pumapasok sa isip ko. Syempre kasama na dun yung pagaassume na type nya ko.
Pero mukhang gets nya na ayoko ibigay ang number ko."Pakilagay para makapagtext ako sayo if ever na aabsent ako sa rehearsal natin.", nagising ako sa katotohanan at agad ko namang nilagay ang number ko at iniabot sa kanya.
Medyo napahiya ako noon sa sarili ko.Dumaan pa ang ilang araw nang pagpapractice namin. Si Aldrin lang ang di pumapansin sakin or miski kumausap man lang.
Hindi ko naman namamalayan na sya lang ang tanging taong nakikita ko. Di ko din namalayan na parang crush ko na ata sya? Tama ba? Crush ba ang tawag dun? Excited akong magturo ng sayaw at magpractice dahil makikita ko sya.
Kalaunan sya ang naging inspirasyon ko.
"Start na po tayo ng practice.. ",
Lumingon lingon ako sa paligid pero walang Aldrin.Maya maya pa ay nakatanggap ako ng text.
This is Aldrin. Sorry di ako makakapagpractice. :)
Nalungkot ako. Di ko alam kung bakit. Joke. Alam ko talaga kung bakit. Wala kasi sya.
Natapos ang rehearsals and obvious sa itsura ko na malungkot ako. Lumabas ako kaagad ng gymnasium ng school. Wala naman kasing rason para tumambay pa ko doon kasi wala naman sya. Usually yung dahilan mg pagtambay ko dun ay dahil nandun sya.
"Hi..", nagulat ako nang bumungad sakin si Aldrin.
"Hi.. bat di ka nakapagpractice..?"
"Sorry about that..", ipinakita nya ang kamay nya sakin.
May bandage yun. Di ko alam kung anong nangyari sa kanya pero parang dumudugo pa yata yung kamay nya."Nagbasketball ako, tapos nadisgrasya. Hanggang ngayon masakit pa rin e.."
Hinawakan ko ang kamay nya. Hinipan ko yung sugat nya. Ewan ko ba kung bat ko ginawa yun."Ayan! Magaling na yan.. Di na yan sasakit."
"May healing powers ka ba?",natatawang sabi nya.
"Wala . Pero malay mo gumaling..", ngumiti sya sakin. Mas cute sya kapag nakangiti. Maaliwalas ang mukha at kahit sinong babae sa tingin ko ay mahuhulog sa ngiting yon.
Pero ano bang iniisip ko? Erase. Erase..
"Bye Bernadette. Uwi na ko.. Ikaw din umuwi kana. Ingat ka ha.", first time nya ko tawagin by my name. Minsan iniisip ko pa nga kung alam nya ang name ko. Haha. Pero syempre alam nya naman imposibleng hindi.
Sumenyas ako sa kanya ng bye. Tinitigan ko sya habang palayo. Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, lumingon sya muli sakin.
"By the way, Bernadette...
Thanks..""Para san?"
"I feel better now. That's magic. Bye..",and he cooly says bye.
Isa lang ang masasabi ko noong panahon na yun. Kilig much!
"So yun ang simula ng love story nyo ni Mr. Suplado?", tanong ni Cathy.
"Anong love story? Friendship.. friendship yon.."
"Feeling ko love story yun Badet. Yung nangyari 3 years ago ayun ang Book 1 ng Love story nyo tapos itong pagkikita nyo ngayon ito naman yung Book 2.."
"Baliw.. Ano ba yang pinagsasabi mo? Walang Book 2 kasi kinalimutan nya na ko. Iniwan nya ko.. At hinding hindi na ko babalik sa kanya miski maging kaibigan ulit. Sinira nya ang pinagsamahan namin."
"Di ko alam kung ano bang nangyari sa inyo noon at kung pano ka nya iniwan pero what if matanggap ka dito sa company na to? Pano kung magkagusto ka ulit sa kanya? Anong gagawin mo?"
"Cathy, don't worry. Hindi mangyayari yun. Hindi ako matatanggap sa company na to. Diba nakwento ko naman sayo kung anong ginawa ko kanina. At isa pa, nagbago na sya.. Mayabang na sya at mataas ang ere. Basta I'm super happy with my boyfriend ngayon.."
"Alam mo Badet isang sagot lang ang kaylangan kong marinig sayo at magiging sure na ako na di ka nga mafo-fall ulit kay Mr. Suplado.
Yun e kung ang sinagot mo ay mahal mo si Jeric. Wag kang magsalita ng tapos.""Mahal ko si Jeric, Cathy.
ano ka ba?""Wala naman akong sinabi na hindi.. Ang sakin lang enough na ba yang love mo para hindi ka mainlove ulit kay Mr. Suplado? At girl, di mo kaylangang magdeny sakin. Kaibigan mo ko."
Napaisip ako sa sinabi ni Cathy. Pero di na dapat pagtuunan ng pansin. This is just an encounter
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Best Friend (Stress sa Chest)
RomanceThis is the BOOK 1 of my Stress sa Chest Series Book 1: I'm In Love with my Best Friend book 2: Prettiest Friend book 3: The Things I'll Never Forget. 150 votes then I'll publish the book 2. Butterfly Hao © Copyright. All rights reserved. No part...