Malakas pa rin ang buhos ng ulan. At wala nanaman akong payong. Ba't ba nakalimutan kong magdala? As if naman na may dadaan na Kevin dito or may Aldrin na magpapabasa sa ulan. Sa tingin ko di na sya magpapabasa ng ulan para sakin.
"Bernadette", i was startled ng tinapik ako bigla ni Aldrin. And ang sweet ng pagkakatawag nya sa name ko. Or ako lang ang nagiisip na sweet yun?
"Hi Sir Aldrin."
"Pag nasa labas na tayo ng office, just call me Aldrin."
"Okay. Aldrin."
"So bakit di ka pa umuuwi?"
"Wala po kasi akong payong"
"Wala nanaman?",napangiti sya bigla.
"Wala. Bakit ikaw meron?"
"Wala din pero I'm with my girlfriend.", Napatigil ako. I mean, parang tumigil yung mundo. Girlfriend? Parang mawawasak yung puso ko. CORNY, pero ganun yung description. Di na ko makasagot pa. I'm totally speechless!
Oo, may panghihinayang pero sino ba naman ako para manghinayang o masaktan? Wala akong karapatan, PERIOD!
"So pano? Ihahatid na kita?"
"Huh? No thanks."
" Okay.. Tinatanggihan mo ko.. Tinatanggihan mo ang Manager mo."
"Hindi sa ganon. Abala lang po kasi sa inyo kasi sa Imus pa po ako uuwi", sa pagkakaalam ko di na sya umuuwi sa Imus buti na lang naisip ko yun kesa naman lalo pa akong masaktan kasi ihahatid nya ko kasama ang girlfriend nya.
"Pwede naman kitang ihatid dun kasi dun din ako uuwi ngayon.", I'm searching for words . Anything basta makatanggi pero nablangko ako bigla.
"Silence means yes. So wait lang ha kunin ko lang girlfriend ko. Wait lang Bernadette. ", masayang umalis si Aldrin at mukhang excited pa na sasabay ako sa kanila.Okay, be ready to be jealous Bernadette. Napapaypay ako sa sarili ko kahit di naman mainit.
Ang manhid mo Aldrin! Isama ba naman ako with her Girlfriend.
Maya-maya pa ay tumigil sa harapan ko ang isang blue na sports car. Bumaba mula roon si Aldrin.
"Tara Best.",yakag nya sakin. Ang sarap sa pakiramdam na after mg ilang taon ay narining ko ulit sa kanya yon.
Pinagbuksan nya ako nang pinto at pumasok ako dun. Ang pinagtataka ko lang ay wala doon ang girlfriend nya.
Pinaandar nya din to kaagad pagpasok nya .
"Nasan ang Girlfriend mo?"
" Ito.. maganda ba ang girlfriend ko?"
"Ha? Asan?"
"Itong kotse ko."
Napangiti ako.
"Ito? Di ko naman kasi ineexpect na ito ang Girlfriend mo.""Well.. I really treasure this car so I prefer calling it a girlfriend. Well, I don't really have a Girlfriend, a real girlfriend. How about you? I mean how's Jeric?"
"Okay naman."
"You're lucky. Jeric's a nice guy. Mukhang di ka nagkamali ngayon ha.",he smiled as if its nothing. And kahit parang wala lang sa kanya I know may meaning ang pagkakasabi nya sakin. Oo I failed several times in terms of relationships at sya ang nasa tabi ko nung mga panahon na broken hearted ako pero parang napakababa ng tingin nya sakin na wala akong magiging successful na relationship?Ganun ba yun? Na ako ba madalas magkamali?
"Yes. Simula nung nawala ka, I need to be wiser. Wala nang gagabay sakin e. Thanks to you naging independent ako and stronger. Buti nawala ka."
Omg. Di ko na macontrol pero sana tumagos sa kanya yung sinabi ko. I hope marealize nya na I hate him for leaving me and kaya ko naman nang wala sya.
"Did you become a better person without me?"
"Ofcourse!", madiin yung pagkakasabi ko para ramdam.
"And that's what I want, for you to be a better person.", he smiled. A sad smile.
Naguilty tuloy ako sa sinabi ko pero kung alam mo lang Aldrin nung nawala ka bigla di ko alam kung paano ko hahanapin ang sarili ko.
Nung iniwan mo ko nang walang paalam higit pa sa sakit ang naramdaman ko.
Hanggang ngayon nararamdaman ko pa rin yon.
"Bat ka nga pala umalis?",di ko na napigilang magtanong.
"Nag-aral ako dito sa Manila."
"Bat di ka nagpaalam?"
"Nagpaalam ako sayo."
"Ah. So yun ang paalam mo? Di ka na nagpakita sakin?"
Di sya sumagot. At mas lalo akong nasaktan dahil wala syang maisagot.
"So wala lang yung pagiging mag best friend natin? Wala lang ako sayo?"
"Bernadette ano ba? Matagal na yon. Sige, sorry kung di kita napuntahan. Sorry kung di ako nakapagpaalam sayo ng harapan.. I'm really sorry. I should've tried to say goodbye in front of you.. Pero masaya ka naman ngayon diba? Yun ang importante."
Di na ako sumagot sa kanya. Naging malinaw na sakin ang lahat na ang iniyak ko noon ay balewala lang.
Ako lang ba ang nalungkot na nagkalayo kaming dalawa? Na nasira yung samahan namin?
Bwisit naman na buhay to oh! Ako prinsesa? Hindi! Wala lang ako sa kanya.
Because I'm just a young girl he met in the past.
Matagal na yon? Matagal? Wala bang value yung friendship namin para idefine lang as matagal na?
Patulo na ang luha ko pero pinigilan ko na lang.7:30pm.. oras na nakarating kami sa bahay. Hinatid nya ko sa tapat ng bahay namin.
"Thank you.", mahinang sabi ko.
"Sige see you tomorrow."
Bumaba ako ng kotse at umalis na din sya kaagad.
Pagbukas ko pa lang ng gate namin ay sinalubong na ko ng tatay ko.
"Anak sino yung naghatid sayo?"
"Manager ko po."
"Lalaki o babae?"
"Lalaki po."
"Di mo pa masyadong kilala nagpapahatid kana? Anak nako nak, magingat ka"
"Tay, si Aldrin yun. Yung kaibigan ni Kuya Argie na kaibigan ko din nung HighSchool ako."
"Ay sya ba yun? Aba de kotse na.."
"Eh, nak diba crush mo yun?",singit ng nanay ko.
"Ano ba naman Ma, matagal na yun."
"Anak, papayagan na kitang magboyfriend basta si Aldrin.", pangungutya ni mama.
"Ma, wala po yung gusto sakin. Sige po magpapahinga lang po ko sa kwarto."
Hanggang ngayon ay di ko pa napapakilala si Jeric sa pamilya ko. Bakit nga ba? Para di complicated. Nagiisang anak lang ako kaya over protective sila sakin. Parang noong naging kami ni Julius. Talagang pinaglayo kami at di ako pinapalabas ng bahay.Napagbantaan pa sya at nabanatan ng grupo ni Kuya Argie. Buti na lang talaga at to the rescue ang aking bestfriend na si Aldrin.
Kung hindi, malamang baldado na si Julius.Pagkatapos ng insidente na yun ay nakipaghiwalay na sakin si Julius at di na muling nagpakita.
Wala na dito si Kuya Argie at nasa ibang bansa na kasama ang kanyang asawa. Magdadalawang taon na din sya doon. Simula pagkabata ko kasi ay sya na ang tumayo kong kuya. Pinsan ko sya pero maagang namatay ang mga magulang nya kaya naman ay kinupkop na sya ng mga magulang ko.
Thinking about Kuya Argie, kamusta na kaya sya ngayon?
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Best Friend (Stress sa Chest)
Roman d'amourThis is the BOOK 1 of my Stress sa Chest Series Book 1: I'm In Love with my Best Friend book 2: Prettiest Friend book 3: The Things I'll Never Forget. 150 votes then I'll publish the book 2. Butterfly Hao © Copyright. All rights reserved. No part...