Huminga ako ng malalim. Finally we're here and I'm so happy. We're finally in Palawan.
Team building namin ngayon at ang nag-iisang kaibigan ko ay iniiwan ako. Medyo nagseselos na ko kasi nakayapos pa sya sa braso ni Carla. Nauuna silang maglakad sakin. Palibhasa ay magkateam silang dalawa."Uy teka..",ni isa sa kanila ay di man lang lumingon sakin. Okay tinatalikuran na ba ni Cathy ang pagiging magkaibigan namin?
Nagulat na lang ako ng biglang inagaw sakin ni Aldrin ang dala kong bag.
"Tulungan na kita. Bagal mo eh",agad nyang sinakay yung bag ko sa loob ng van.
Wala na akong nagawa at sumakay na lang din ako.
Di ko kasama si Cathy sa van. Yung magkateam din kasi yung magkakasama pati sa Van. Tanging si Sir Anton lang ang kakilala ko na kateam ko. At si Aldrin naman ay committee dahil lahat ng Manager ay committee. So mabuti na din yun at walang chance na magkasama kami. Okay sige, walang chance para magkamoment kami.
Walang chance na magtaksil ako kay Jeric sa isipan ko."Hi, bago ka lang sa company?",bati sakin ng katabi ko sa Van. Ngayon ko lang napansin na cute sya at parang magka edad lang kami.
I just nod.
"I'm Kurt.",iniabot nya sakin ang kamay nya while smiling like an angel. May dimple sya na mas nagpacute pa sa kanya.
"I'm Bernadette.. "
I was about to hold his hands pero biglang umupo sa gitna namin si Aldrin. I saw his face and I'm quite sure, nagseselos sya. Medyo napahiya yata si Kurt at biglang umiwas sya ng tingin sakin.
"Parang kanina ko pa di nakikita si Sir Anton.. Asan sya?",I asked Aldrin to avoid the awkwardness inside this van.
"May sakit yung anak nya kaya di sya makakasama."
Okay. At yun na nga! Wala akong kakilala man lang sa team na to maliban kay Kurt na hinarang pa nitong Aldrin na to.
Maya maya pa ay nakarating na kami sa Hotel. Di na ko tinulungan ulit ni Aldrin na magbuhat ng bag. Agad syang pumunta kay Ms. Angie pagkababa nya ng Van.
I sighed. Ineexpect ko pa naman na tutulungan nya ko.
"Tulungan na kita.",nagoffer si Kurt ng tulong para buhatin ang mga dala ko.
"Thank you. Kaya ko na to."
"Sige na.. Di rin naman kita titigilan e",binuhat nya ang dala ko at wala na kong nagawa.
Nakita ko naman na napatingin samin si Aldrin pero deadma at nagpatuloy sya sa pakikipag-usap kay Ms. Angie.
"Thank you.",sabi ko kay Kurt matapos nya kong ihatid sa room ko.
"No problem, basta pag may kaylangan ka tawagin mo lang ako okay?"
Tumango ako. Kurt seems to be a nice guy naman. I think na nagiging friendly lang sya. Tama yun nga!
"Badet!"
"Oh Aldrin..?"
"Next time wag kanang sasama kay Kurt . During this team building,dumikit ka lang sakin okay?"
"Diba busy ka? Committee ka diba?"
"Hindi na ko committee.. Sub ako kay Anton. So magkateam tayo.. See you later.",at umalis na sya. Hmm. Team mates? Sa kanya ako didikit? Gusto ko yun.
Agad akong nagbihis ng team shirt namin kasi first game na! Basketball sa court ng hotel. How cool! I'm quite excited kasi makikita ko ulit si Aldrin na maglaro.
I excitedly went to the court pero ng makita ko kung gaano ka lame yung laro nawalan ako bigla ng gana. Di naglalaro si Aldrin at natambakan pa kami ng kalaban ng mga 20 points lang naman. And take note 1st quarter pa lang.
Lumapit ako kay Aldrin."Ano bang ginagawa mo dyan?"
"O, andyan kana pala.."
"Ba't di ka naglalaro?"
"Matagal na kasi akong di naglalaro. Don't worry ako naman ang coach dito.."
"Maglaro kana. Tingnan mo, talo na tayo o.."
"Don't worry di tayo matatalo.", inirapan ko sya. Dati kasi isang sabi ko lang, sumusunod sya sakin. Ngayon, hindi na.. Okay wala na akong magagawa dun.
Wait, i have an idea!
Tinawag ko lahat ng kateam kong girls kahit na di ko sila kaclose. Nagkasundo kami na magcheer para naman mabuhayan yung mga players namin.
Pero wala pa rin. Lamang pa rin yung kalaban namin.
Nang makashoot ai Kurt, sumigaw talaga ako ng GO KURT!Natapos ang first half pero lamang na lamang pa rin ang kalaban. Lumapit si Kurt sakin.
"Thank you sa pagcheer sakin kanina, nabuhayan ako.", i smiled at him. At bumalik sya sa bench.
"Cheer pala ha.",bulong ni Aldrin sakin at pumasok sya sa court.
Gosh. Maglalaro sya? For real?!
Yey. Effective ang ginawa ko.!Because of Aldrin, nakahabol sila ng di nila namamalayan. Everyone's cheering for him. And they won the game.
One thing na nakadagdag talaga ng pogi points nya ay ang pagiging magaling na basketball player nya.
Since naipakita nya ang talent nya sa paglalaro time naman para yung talento ko ang ipakita ko.
Sa wakas, makakapaglaro din ng volleyball. King hindi ako naging dancer, baka naging volleyball player ako.
Sobrang saya ng team ko na nakasama nila ko sa paglalaro. Pano nanalo kami sa 1st set dahil sa nakakamatay ko na spike.
Paparating na ang bolanh tinoss ni Kelly sakin. Tumalon ako para sa spike. I did it pero namali ako ng bagsak. I fell . Akala ko okay lang ako pero ng patayo na ko biglang sumakit ang binti ko.
Sprain? Gosh.. napailing ako sa sakit. Pinalibutan na ko ng mga kateam ko. Nakita kong papalapit na si Kurt para alalayan ako pero nagulat ako ng may biglang bumuhat sakin. Si Aldrin. Binuhat nya ko at di na nakalapit pa si Kurt. Dinala nya ko sa Medic.
"I hope you'll be fine. Malayo naman yan sa bituka."
"Bukas okay na to. Syempre strong ako.."
"I know pero wag kanang sumali sa activities bukas ha."
Tumango ako. Ano pa nga bang magagawa ko sa ganitong kondisyon diba?
"You know what? I have an idea.. let's eat somewhere baka pag nanood ka pa dito e madepress ka."
"Buti naisip mo yan.",tumayo sya at lumakad pero syempre ako, pano ko tatayo? So nanatili akong nakaupo.
"Ay, sorry.",muli syang bumalik at inalalayan ako sa pagtayo.
Nang makatayo ako ay umupo sya sa harap ko."Pasan ka sakin."
"Ha?"
"Pasan na. Arte nito."
"Wag na..",kinuha ko ang saklay na pinahiram sakin ng medic. At naglakad. Bigla nya akong binuhat.
"Ano ba?"
"Gutom na ko e. Ang bagal mo naman."
BINABASA MO ANG
I'm In Love with my Best Friend (Stress sa Chest)
RomanceThis is the BOOK 1 of my Stress sa Chest Series Book 1: I'm In Love with my Best Friend book 2: Prettiest Friend book 3: The Things I'll Never Forget. 150 votes then I'll publish the book 2. Butterfly Hao © Copyright. All rights reserved. No part...