"Kanina ko pa napapansin, kanina ka pa nayayamot, " pansin na wika ni Maine kay Regine habang hinahalo ang sauce ng spaghetti sa pasta. Recess nila at nasa school canteen silang tatlo.
"I smell something.."ngingiting-ngiting wika ni Jessie. Tila alam niya kung bakit nayayamot si Regine.
"Hindi ko gusto na katabi ni Benjamin yung Rhoda na yun" naiinis na wika ni Regine sabay inom sa pineapple juice.
"See, I'm right, you're jealous," natatawang sambit ni Jessie.
"Really? Nagseselos ka kay Rhoda?" maang tanong ni Maine kay Regine.
"Hindi ako nagseselos," protestang wika ni Regine.
"Anong pinagpuputok ng butse mo kung hindi selos yan nadadarama mo?" muling tanong ni Maine at sumubo ulit ito ng spaghetti.
"That girl is annoying to me," inis na sagot ni Regine.
"Oh, look who's here," basag na wika ni Jessie ng may makita siyang pamilyar sa kanya.
Agad lumingon sina Maine at Regine at tiningnan kung sino ang tinutukoy ni Jessie. Muling nayamot si Regine ng makitang si Rhoda na nakatayo at naghahanap ng mauupuan.
"Tsk!" irap ni Regine at sinimulan na niya kainin ang clubhouse sandwich na kanyang inorder.
==========
"Dito ka na lang."Halos magulat si Rhoda ng may nagsalita mula sa kanyang likuran. Hawak niya ang isang tray laman ang isang baso ng iced tea at isang platito na pancit.
"Dito ka na lang umupo,"alok na wika ni Benjamin. Nakita niya kasi na naghahanap ng mauupuan ang bago nilang kaklase na si Rhoda.
Ngumiti si Rhoda at agad niya tinanggap ang alok ni Benjamin na upuan. Halos mapuno na kasi ang school canteen nila sa dami ng mga estudyante na kumakain.
"S-salamat," nakangiting wika ni Rhoda.
"Ako nga pala si Benjamin," pakilala ni Benjamin sa kanyang sarili.
"Rhoda ang aking ngalan," wika rin ni Rhoda.
Ngumiti si Benjamin at ipinagpatuloy niya ang pagkain niya sa inorder niyang cheeseburger.
"Salamat muli,"ngiting wika ni Rhoda.
"Walang anuman. So kumusta naman ang first day mo dito sa school namin?" tanong ni Benjamin.
"O-okay lang. Medyo naninibago dahil siguro bago ako. Eventually, masasanay rin," alinlangan na sagot ni Rhoda.
"Oh that's good to hear," wika ni Benjamin at sinabayan niya ito pag-inom ng softdrink.
==========
"Hmmm, weird talaga yan si Benjamin anu. Kabago-bago pa lang yang Rhoda na yan,sila na agad ang close. Ni wala gaanong kaibigan yan weirdo na yun. Tapos ka-close na niya agad yung transferee. Super weird niya talaga," mahabang wika ni Maine habang pinagmamasdan nila sina Benjamin at Rhoda.
"Hindi ko papayagan na maging malapit sila sa isa't-isa," ngitngit na turan ni Regine.
"Bagay sila. They are both weird,"natatawang wika ni Jessie.
"Shut up! Ayoko dun sa babae na yun!" may inis na tono na wika ni Regine.
"Aber, at anung gagawin mo kay Rhoda?" tanong ni Maine kay Regine.
"Hmmm.... I'm gonna make her high school life like a living hell," ngising wika ni Regine.
"How?" tanong din ni Jessie.
"Malalaman din ninyo sa tamang panahon," makahulugang wika ni Regine sa dalawa at muli niyang tiningnan sina Benjamin at Rhoda. Kita niya na nag-eenjoy si Benjamin na nakikipag-usap sa bago nilang kaklase na si Rhoda.
Nagtinginan na lang sina Maine at Jessie. Nakita din nila ang pagkuyom ng mga kamao ni Regine at ang matatalim na tingin niya kina Benjamin at Rhoda.
''Pagsisihan mo ang pagtransfer dito sa school namin Rhoda!! "wika sa isipan ni Regine. Nanlilisik ang mata niya na nakatingin sa dalawa.
==========
5:30 pm"Class dismissed!"
Agad naghiyawan ang mga estudyante ng marinig nila ang salitang iyon sa kanilang guro. Ang mga ilan kasi ay excited na para magtambay sa mall, ang mga ilan naman ay magDODOTA, at yung mga iba ay may mga personal na gagawin.
"Mauna na ako ha," pamamaalam ni Benjamin kay Rhoda.
"S-sige. Ingat ka na lang," ngiting sambit ni Rhoda. Kahit paano, may isa na siyang kaklase na agad naging ka-close kahit medyo naiilang pa siya kay Benjamin.
Palabas na si Rhoda sa pintuan, ay hinarang siya nina Regine, Maine at Jessie.
"Hi Rhoda," ngiting bati ni Regine.
Pilit na napangiti si Rhoda at binati niya rin sila kahit hindi pa niya alam ang pangalan ng mga tatlong dalagita.
"Hello..."ani Rhoda.
"I know you don't know us kasi transferee ka dito so lemme introduce myself. I'm Regine and sila naman sina Maine at Jessie," pagpapakilala ni Regine sa kanyang sarili at sa kaibigan niya na sina Maine at Jessie.
Ngumiti at kumaway naman sina Jessie at Maine kay Rhoda.
Gumanti din ng ngiti si Rhoda sa dalawa.
"Can you do a favor for me?"ngiti na tanong ni Regine kay Rhoda.
"Ano yun?" pabalik na tanong ni Rhoda.
"I know Benjamin is your seatmate and I notice you and him are so close to each other na..." panimula ni Regine.
"Oo, mabait si Benjamin," ani Rhoda.
"But just to inform you, Benjamin is soon to be my boyfriend," may diin na wika ni Regine. Nawala na dito ang ngiti sa labi ni Regine. Napalitan na ito ng poot sa kanyang boses.
Napatahimik si Rhoda sa ipinahayag ni Regine. Wala naman kasi siya alam na may pagtingin si Regine kay Benjamin o si Benjamin kay Regine o kung ano man ang mga relasyon na namumuo sa kanilang seksyon dahil transferee pa lang siya.
Ang hindi niya inaasahan ay isang malutong na sampal ang natanggap niya kay Regine na agad niya ito ikinabigla.
"B-bakit mo ako sinampal?" naiiyak na tanong ni Rhoda.
"Dahil yan ang lagi ko ipapatikim sayo araw-araw kung nakikipaglandian ka kay Benjamin. So stay away from him!" mariing na wika ni Regine.
Ngumisi naman sina Jessie at Maine sa pinakitang kamalditahan ni Regine.
"Malas mo lang, si Regine ang kinabangga mo,"may pag-uuyam na wika ni Jessie.
"Poor girl," natatawang sambit ni Maine.
"So alam mo na ang gagawin mo ha," wika ni Regine kay Rhoda. Tinapik-tapik pa nito ang bahagi ng mukha ni Rhoda na kanyang sinampal.
"Uwi ka na!" wika ni Jessie sabay tulak nito kay Rhoda.
Bahagyang napaatras si Rhoda at natumba ito dahil sa lakas ng tulak ni Jessie.
"Bye Rhoda. Ingat ka always,I mean ingat ka sa amin," wika ni Maine na may pag-uuyam.
Umalis ang mga tatlo na parang wala man nangyari.
Tulala si Rhoda habang tinitingnan niya papalayo sina Regine, Jessie at Maine.
At ng mapagtanto na siya ay nag-iisa, tuluyan na siyang umiyak.
========
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Serial Killer's Diary [BOOK 3]
Horror(COMPLETED)Bagong tauhan... Bagong kaaawaan... Bagong kaiinisan... Bagong BIKTIMA... Sino-sino sila?