Chapter 18: The gift

1K 38 1
                                    

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa stepdad mo,"ani Rhoda kay Benjamin. Nakaupo at nakayuko ang ulo ng binata. Yakap niya ang mga tuhod nito. Tila hindi siya makapaniwala na patay na ang stepdad niya. Kahit walang ka-amor-amor sa kanya ang stepdad niya na si Harry ay itinuring niya rin na ama ito.

Pilit na ngumiti si Benjamin pero agad din yumuko ito at muling niyakap ang mga tuhod nito. Pagkuwa'y itinaas niya bahagya ang kanyang ulo at may pinasuyo siya kay Rhoda.

"Paki-abot naman yung bag ko Rhoda please,"pasuyong wika ni Benjamin kay Rhoda.

Agad nilinga ni Rhoda ang kanyang mata at agad niya nakita ang itim na backpack ni Benjamin.

"Sige,"ani Rhoda at agad tumayo ito at kinuha ang backpack ng binata.

"Salamat,"nakangiting wika ni Benjamin ng maiabot na sa kanya ang kanyang bag.

"Uuwi ka na ba?"takang tanong ni Rhoda. Napansin niya kasi na may kinukuhang gamit si Benjamin sa loob ng kanyang bag.

"Rhoda, alam ko na mahirap ang pinagdadaanan mo sa ngayon, pero heto tanggapin mo ito,"seryosong sambit ni Benjamin sabay abot nito ng isang maitim na notebook.

"Death Note?" takang tanong ni Rhoda.

"Nakakatakot tingnan anu?"ngiting tanong din ni Benjamin.

"Oo, pero Benjamin, aanhin ko naman ito?"nakakunot-noong tanong muli ni Rhoda habang binubuklat niya ang mga blankong pahina ng hawak niyang Death Note.

"Diyan mo lang isulat ang lahat ng mga hinagpis at hinanakit na nadadarama mo. Kahit paano mabawasan ang nadadarama mong kalungkutan,"ani Benjamin.

"Mukhang nakakatakot naman yung rules niya. Totoo ba ito?"tanong muli ni Rhoda. Nabasa niya kasi ang unang rule ng hawak niyang Death Note.

(The human whose name is written in this note shall die.)

Napatawa si Benjamin sa itinanong ni Rhoda.

"Siyempre, hindi. Kung totoo sana iyan eh di matagal na patay na lahat yung mga ayaw ko sa mundo,"nakangiti na wika ni Benjamin. Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at ipinagpag niya ang kanyang pantalon sa bandang puwetan niya.

"Pero, parang nakakatakot ito, saan mo ba kinuha ito?" curious na tanong muli ni Rhoda.

"Huwag kang matakot, binili ko lang iyan diyan sa isang store, mukhang curious din ako sa hitsura niya kaya nakumbinsi akong bilhan siya. But since, ang pagsusulat ay puwede siya gawing divertion ng hatred, puwede mo isulat diyan ang lahat ng galit, hinanakit at kalungkutan na nararamdaman mo, para sa ganun hindi mo siya kinikimkim sa puso mo,"mahabang wika ni Benjamin.

"S-salamat kung ganun," nakangiting wika ni Rhoda.

"Walang anuman. Basta magpakatatag ka,"nakangiting saad din ni Benjamin.

====================
Pagkalipas ng isang buwan..

"Seriously Teacher Noah?!!!" di makapaniwalang reaksyon ni Regine pagkatapos magbigay ng anunsyo ang kanilang guro. 

"Yes, and to tell you, this is compulsary. So whether you like it or not, everyone will be participated. Magkakaroon tayo ng youth camping dito sa school natin,"muling paliwanag ng kanilang guro.

"This is non-sense,"mahinang wika ni Regine at nakasimangot itong tumingin sa kawalan.

"Wala na tayo magagawa, nakasalalay din ang grade natin dito! Nakakainis!," inis na turan ni Jessie.

"Sasama kaya si pokpok?"mahinang tanong ni Maine kina Jessie at Regine sabay tingin ito sa likuran kung saan nakaupo si Rhoda.

"She has no choice, sasama yan kasi nga nakasalalay yung grade natin eh.May pagkabobita ka talaga sis," asar na wika ni Jessie kay Maine.

"Wow, eh di ikaw na ang brainy,"irap na wika ni Maine.

"Gusto ko ulit siya paglaruan,"wika ni Regine sa dalawa at gumuhit sa kanyang mga labi ang nakakalokong ngiti habang nakatingin ito sa kinauupuan ni Rhoda.

"Don't tell me pagtritripan mo ulit si Rhoda?"tanong ni Jessie.

"Why not? Para hindi naman ako mabored sa walang ka-kuwentang-kuwenta na youth camp na yun,"maarteng tugon ni Regine.

"Anong plano mo?"tanong ni Maine.

"Sa ngayon wala pa, pag-iisipan ko pa. That bitch will be trending again,"wika ni Regine na para bang kontrabida siya sa isang teleserye kung magsalita.

"Duh, huwag mo kami idadamay diyan dahil ayaw namin matulad kay Reagan,"maarteng wika ni Jessie.

Hanggang ngayon, hindi pa rin nahuhuli ang salarin na pumatay kay Reagan.

"Gaga, katangahan ni Reagan ang nangyari sa kanya. Masyado kasi siyang pervert that's why nakarma siya. Natagpuan siyang hubo't-hubad at sunog ang kanyang anes, so I guess, isa sa mga nabiktima ng kamanyakan niya ang gumawa sa kanya, Buti nga sa kanya! Yan ang napapala ng isang manyak!"maarteng sambit ni Regine sabay flip niya ito sa kanyang buhok.

"Hala, grabe ka naman sa kanya!" di makapaniwalang wika ni Maine sa sinabi ni Regine patungkol kay Reagan.

"Bitch!"mahinang wika ni Jessie sa tinuran ni Regine.

"May sinabi ka?"tanong ni Regine na nakataas pa ang kanang kilay nito kay Jessie.

"Wala,"pabalang na wika ni Jessie at nagbuklat na ito ng kanyang notebook. 

"Hindi pa tapos ang pagpapahirap ko sa babae na iyon, hanggang ngayon ay pumapasok pa rin siya dito sa school. Ang kapal talaga niya! Palibhasa bitch talaga siya!" Dinig ni Jessie ang himutok ni Regine na binalewala na lang niya.
====================

TO BE CONTINUED...

The Serial Killer's Diary [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon