"AHHHH!" isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Cassandra at napabalikwas ito mula sa kanyang pagkakahiga.
"Cassandra!! Ano ba ang nangyayari sayo?" alalang tanong ni Solen kay Cassandra pagkatapos yugyugin niya ito.
Tiningnan ni Cassandra ang kanyang paligid at halos lahat ng kanyang mga officemate ay nakatingin at nag-alala sa kanya. Umupo ito mula sa kanyang pagkakahiga. Alam niya na nawalan siya ng malay pagkatapos ang isang insidenteng na puwede pala mangyari pala iyon sa kanyang buhay.
"I heard that you mentioned a name of our former office mate," seryosong wika ni Cedie kay Cassandra. Hawak niya ang kamay ni Cassandra.
Muling tumingin si Cassandra sa kanyang paligid at hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Cedie. Nakakadarama pa rin siya ng takot.
"Nakita ko siya," mahinang wika ni Cassandra sa kanyang sarili.
"Sino?" tanong ni Gio Karlo, ang assistant team leader ng kanilang department.
"Si..."
"Si Rocco." Si Solen ang sumagot sa tanong ni Gio Karlo.
Nagtinginan ang mga ilang officemate sa isa't-isa. May ilang natakot dahil baka nagpaparamdam si Rocco sa kanilang office. May ilan naman na hindi naniniwala kay Cassandra.
"Really?"parang hindi kumbinsido si Gio Karlo sa narinig na sagot mula kay Solen.
"Yes Sir. He looks creepy," nanginginig na wika ni Cassandra sa kanyang assistant team leader.
"Okay. Bukas din, magpapasabi ako sa HR natin na magpadasal tayo dito sa office," seryosong turan ni Gio Karlo.
"Seryoso, nakita mo si Rocco?" mahinang tanong ni Matthew kay Cassandra na nagsimula na sila umalis sa roof deck at bumaba na sila patungo sa kanilang department room.
Nag-nod si Cassandra bilang pag-oo nito mula sa tanong ni Matthew.
"Bakit kaya siya nagpakita?" tanong ni Matthew kay Cassandra.
"I dont know," naiiyak na wika ni Cassandra.
"Tama na nga Matthew, huwag ka na magtanong, kita mo na hindi pa nakaka-move on si Cassandra sa nangyari, kinukulit mo na naman eh," saway na wika ni Solen kay Matthew. Alam niya kasi na magtatanong muli si Matthew kay Cassandra.
"Okay fine!" asik na wika ni Matthew at nagrolled-eye pa ito.
"Okay ka na ba?" alalang tanong ni Cedie kay Cassandra.
"Oo," mahinang sagot ni Cassandra.
Muling nagflashback sa kanyang isipan ang nangyari sa kanya kanila habang hawak nila ni Solen ang Death Note ni Tom. Habang ang mga officemates nila ay nag-uusap tungkol sa pagkakamatay ni Tom mula sa pagkakahulog sa kinaroroonan ng kanilang building ay biglang nagpakita si Rocco, maputla ang buong katawan at duguan ang ulo nito dahilan siya ay hinimatay at hindi niya kinaya ang takot sa biglang pagsulpot ng kaluluwa ni Rocco.
"Solen, Matthew, Cedie," tawag ni Cassandra sa kanyang mga kaibigan.
"Op?" tanong ni Solen. Pabalik na kasi sila sa kanilang department na iyon.
"Gusto ba ninyo na pumunta tayo sa burol nina James at Tom? Kahit paano naging kaibigan din natin sila dito sa office noong nabubuhay pa sila," wika ni Cassandra.
Nagtinginan sina Matthew at Cedie sa tinuran ni Cassandra.
"Sige, walang problema sa akin," mabilis na sagot ni Solen. " Ano, sasama ba kayo sa amin?" dugtong tanong nito sa dalawang kalalakihan.
"Sige," sagot ni Cedie.
"Okay, sasama din ako," sang-ayon na wika rin ni Matthew.
"Ibibigay pa natin ang mga naiwang gamit ni Tom sa kanyang magulang," wika ni Cassandra, hawak nito ang bag at ang Death Note ni Tom kung saan doon nabunyag ang lihim niya at ang katotohanan na siya pala ang salarin na pumatay kina Rhodora Alonzo, ang Team Leader nila at ang isa pa nilang office mate na si Mike Bartolome.
Pag-upo ni Cassandra sa kanyang station ay agad niya niyuko ang kanyang ulo. Gusto niya kalimutan ang nangyari sa kanina.
"Kalimutan mo na iyon Cassandra," wika ni Solen.
"Nakakapagtataka kung bakit nagpakita si Rocco sa akin eh."
"Siguro, nagpakita lang siya dahil nalutas na rin ang kaso na kanyang kinasasangkutan," hula na pahayag ni Solen.
"Marahil nga," sang-ayon na sagot din ni Cassandra. May punto rin kasi yung sinabi ni Solen. Tapos na ang kaso. Wala na rin ang makukulong. Patay na rin ang tunay na may-sala na si Tom. Tapos na ang lahat. Ang tanging gagawin na lang nila ay makidalamhati sa naiwang pamilya nina James at Tom kahit paano naging kaibigan din nila ito noong nabubuhay pa sila.
"Sana matahimik na ang kanilang kaluluwa...." mahinang pahayag ni Cassandra sa kanyang sarili.
Nagtinginan naman sina Solen at Matthew sa tinuran ni Cassandra. Tila pakiramdam nila ay natruma si Cassandra sa nangyari sa kanya kanina.
==========
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Serial Killer's Diary [BOOK 3]
Terror(COMPLETED)Bagong tauhan... Bagong kaaawaan... Bagong kaiinisan... Bagong BIKTIMA... Sino-sino sila?