Chapter 7: She's living in hell

1K 45 1
                                    

Pag-uwi ni Rhoda sa maliit nilang tirahan ay naabutan niya ang dalawang walang lamang bote ng gin. Nakita niya ang kanyang ina na nakahandalusay sa sahig. Napailing na lang si Rhoda. Alam niya sa kanyang sarili na lasing ang kanyang ina. Oo, araw-araw,naglalasing ang kanyang ina dahil iniwan sila ng kanyang ama. Natuklasan kasi ng kanyang naturingan na ama na hindi niya anak si Rhoda. Naaksidente kasi si Rhoda noon at kinakailangan na salinan ng dugo. Nagpatest ang tatay niya at hindi nagmatch ang kanilang dugo. Dahil dito, nagduda siya at sila ay pinag-DNA at dito niya natuklasan na hindi niya tunay na anak si Rhoda. Ang alam niya ay pinagtaksilan siya ng nanay ni Rhoda. Galit at iniwan niya ang kanyang mag-ina. Hindi matanggap ng ina ni Rhoda ang nangyari sa kanila kaya lagi ito naglalasing.

Hindi naiwasan ni Rhoda ang pagtulo ng kanyang mga luha. Naiiyak kasi siya tuwing naaalala niya ang pangyayari na iyon. Minsan, sinasaktan siya ng kanyang ina dahil siya ang sinisisi nito. Pinagsamantalahan daw kasi ang ina niya bago naging sila ng kanyang ama. Ang alam ng naturingan niyang ama ay nagtaksil ang kanyang ina. Inilihim kasi ng ina niya sa kanyang ama ang kanyang sinapit noon.

"Rhoda, pahinging singkwenta pesos." Nagising na pala ang kanyang ina.

"Inay, wala po akong pera, at saka wala pa po nagpapatutor sa akin kaya wala pa akong ekstrang pera,"ani Rhoda. Alam niya kasi na ibibili na naman ng kanyang ina ng alak ang hinihingi niyang pera.

"Sinungaling ka!"galit na sinampal niya si Rhoda sa kanyang mukha ng makalapit ito sa kinatatayuan ni Rhoda.

"Inay..." naiiyak na wika ni Rhoda, hawak nito ang nasampal niyang mukha. Nagulat siya at hindi niya inaasahan iyon.

"Alam ko na may pera ka babae ka! Alam ko na nagbibigay sayo si Charles!" galit na wika muli ng kanyang ina at marahas niyang hinila ang buhok ni Rhoda.

Napasigaw si Rhoda dahil sa malakas na paghablot ng kanyang ina sa kanyang buhok. Napahiyaw siya sa hapdi ng kanyang mga anit. Pakiramdam niya ay tila sasama ito sa paghila ng kanyang ina sa kanyang buhok. Si Charles ang naturingan na ama niya. Kahit papaano ay binibigyan siya ng sustento dahil mahal na mahal siya ng kanyang ama. Galit lang siya sa kanyang ina dahil sa akala na pinagtaksilan siya. Sinikap niya rin na pagbatiin ngunit naging matigas ang kanyang ama. Ang tanging magagawa ng kanyang tatay Charles ay sustentuhan siya hanggang makatapos sa high school. Oo, hanggang high school lang ang usapan nila. Tinanggap na lang niya ang alok ng naturingan niyang ama kaysa hindi siya makapag-aral.

"Asawa ko si Charles at dapat sa akin yung mga pera na binibigay niya sayo!"

"Inay naman...." iyak na turan ni Rhoda. Inilihim niya sa kanyang ina ang pagbibigay sa kanya ng allowance ng kanyang tatay Charles. Ang hindi niya malaman ay paano ito nalaman ng kanyang ina. May kasunduan kasi sila ng kanyang tatay Charles na hindi dapat ito malaman ng kanyang ina.

"Leche ka! Madamot ka!" galit na isinubsob nito ang ulo ni Rhoda sa sahig.

"Tama na po inay," pagmamakaawa ni Rhoda.

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa kanyang ina at iniwan niya ang kanyang anak na nakahandalusay sa sahig.

"Punyeta na buhay na ito. Malas ka, putang ina!" galit na wika ng kanyang ina at lumabas na ito sa kanilang bahay.

Nanghihina na umupo si Rhoda sa sahig at tanging nagawa na lang niya ay umiyak na lang sa kaawa-awa niyang sitwasyon sa buhay.

==============
"Good morning class!"

"Good morning Teacher Noah!"

"This day, I'm going to announce the students who will be exempted to the next surpise quiz," ngiting turan ni Teacher Noah.

"Students? With "s" ba yung sinabi mo Teacher Noah?" tanong ni Red. Ang tinuringan na boy next door ng kanilang section.

"Yes, hindi lang nag-iisa ang magiging exempted," ngiting sagot ng kanilang guro.

"Oh my God, hindi kaya tayo ang tinutukoy ni Teacher Noah?" excite na tanong ni Maine kay Jessie, sabay hawak ito sa kamay ni Jessie na tila na parang pakiramdam niya ay nasa reality show sila sa oras na iyon.

"Well sana nga," ani ni Jessie at cross-finger pa ito.

Nakayuko si Rhoda habang nakikinig sa nagsasalita nilang guro. May kunting pasa kasi siya sa bandang labi.

"Ok, I was surprised kina Maine at Jessie. Pareho sila ng score ha," turan ni Teacher Noah ng maibigay niya ang test paper ito sa dalawang estudyante na sina Maine at Jessie.

"Brainy po kasi kami Teacher,"ngiting sambit ni Maine.

"Ok,"dinig nila na sagot ng kanilang guro. Alam kasi niya na nagkopyahan ang dalawa dahil halos pareho ang mga mali nila sa pagsusulit.

"5 lang ang mistakes natin,"hagikgik na wika ni Jessie.

"Yung papel mo Rhoda, bakit wala pa?" curious na tanong ni Maine. Wala pa kasi ang papel ni Rhoda.

"W-wala pa nga eh,"mahinang sagot ni Rhoda.

"Baka lowest ka ha," uyam na wika ni Jessie sabay tawa ito ng mahina.

Hindi na lang pinansin ni Rhoda ang sinabi ni Jessie. Maski din siya ay nagtataka kung bakit wala pa inaaabot ng kanilang guro.

"Alright, we have 2 students that will be exempted and they are Benjamin and Rhoda," masayang pahayag ni Teacher Noah.

Nagtinginan sina Jessie at Maine at nadinig na lang nila na nagpapalakpakan na ang kanilang kamag-aral.

"Out of 30 items, Benjamin and Rhoda got 28. Congratulations! You guys are exempted for the next surprize quiz," ani Teacher Noah at binigay nito ang kanilang test paper.

Nagulat si Rhoda sa ibinalita ng kanilang guro at hindi niya inaasahan na magtotop siya kasama niya pa si Benjamin. Napangiti ito at nilingon niya si Benjamin. Ngumiti si Benjamin ng makita na tumingin sa kanya si Rhoda. Tila binati nila sa isa't-isa na pareho silang top sa quiz nila. Mataray na tiningnan ni Regine si Rhoda.

"Mag-usap tayo mamaya,"bulong na wika ni Jessie kay Rhoda.

Nakaramdam si Rhoda ng kaba sa sinabi ni Jessie at tiningnan niya ito.

Parehong masama ang tingin nina Maine at Jessie kay Rhoda ng oras na iyon!


=========

TO BE CONTINUED...


The Serial Killer's Diary [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon