Chapter 6: Knight and Shining Armor

1K 43 0
                                    

Pagpasok ni Rhoda sa kanilang silid ng kinabukasan, agad umagaw sa kanyang atensyon sina Regine, Jessie at Maine.

"Hi Rhoda," nakangising bati ni Regine.

"Hello Rhoda," bati rin nina Jessie at Maine.

Pilit na ngumiti si Rhoda at muling yumuko ito.

Papunta na si Rhoda sa kanyang upuan, nang biglang humarang si Regine at agad niya hinawakan ang braso ni Rhoda. Ramdam niya na napakahigpit ang pagkakahawak nito.

"Nasasaktan ako Regine," mahina niyang wika.

"Ang OA mo naman Rhoda,"mahina pero mariing wika ni Regine. Lalo na niya hinigpitan ang paghawak nito sa braso ni Rhoda.

"Alam mo na siguro ang gagawin mo di ba?" nakangising tanong ni Regine kay Rhoda.

"Kung gusto mo, palit na lang tayo ng upuan," naiiyak na wika ni Rhoda. Natatakot na kasi siya sa ginagawang pagbubully ni Regine.

Napaisip si Regine sa sinabi ni Rhoda.

"I like you, brainy ka pala," ngiting wika ni Regine. Maya't-maya pa tinalikuran niya si Rhoda at mabilis niyang kinuha ang kanyang bag sa kanyang upuan.

"Where are you going?" maang tanong ni Jessie kay Regine.

"Nagpalit kami ng upuan ni Rhoda. Seatmate ko na si Benjamin," kinikilig na turan ni Regine. At mabilis niyang tinungo ang dating upuan ni Rhoda. Masayang umupo ang dalaga at nagsimula na rin siya magpahid ng make-up sa kanyang mukha.

"Tsk, pag-ibig nga naman," ani Maine.

"Why you are staring us?" inis na tanong ni Jessie kay Rhoda na nakatingin ito sa kanila.

"Kasi, dito na ako uupo," nakayuko na wika ni Rhoda.

Nagtinginan sina Maine at Jessie. Maya't-maya, may binulong si Maine kay Jessie at sabay pa sila naghagikhikan.

"Sure, you will sit here, but in one condition," nakangising turan ni Maine.

"A-anong kondisyon?"

"In every quizzes and exams, dapat magpakopya ka ha,"diretsong sambit ni Jessie.

Natahimik si Rhoda sa tinuran ng dalawa.

"May reklamo ka ba?" Tila nainip si Jessie sa sagot ni Rhoda at hinila niya nito ang kanyang kamay.

Saktong pagpasok ni Benjamin sa kanilang silid ng makita niya ang ganung eksena nina
Rhoda at Jessie. Mabilis niyang tinungo ang kinaroroonan ng mga tatlong dalaga.

"May problema ba kayo kay Rhoda?" kumprontang tanong ni Benjamin kina Jessie.

"Hey, FYI, hindi namin inaaway o inaano si Rhoda," mabilis na sagot ni Maine. Tumayo ito at nameywang pa.

"O-ok lang ako Benjamin,"ani Rhoda.

"Ano ito, knight and shining armor mo si Benjamin?" natatawang tanong ni Jessie.

"Ok lang ako Benjamin, umupo ka na lang sa upuan mo," sambit agad ni Rhoda. Namataan niya kasi si Regine na nakatingin sa kanya. Alam niya tinitingnan siya ng matalim ni Regine.

"Hindi ba, doon ang upuan natin, bakit ka narito?" maang tanong ni Benjamin.

"D-dito na kasi ako uupo eh," mahinang wika ni Rhoda.

"Hi Benjamin! Umupo ka na dito, bilis! Parating na si Teacher Noah," sigaw ni Regine at kinawayan niya si Benjamin.

Napailing si Benjamin ng makita niya na si Regine na ang katabi niya sa upuan.

"Hmmm, hindi mo pala sinabi sa amin na may knight and shining armor ka dito sa klase natin ha," pag-uuyam na wika ni Jessie kay Rhoda ng makaupo na ito sa dating upuan ni Regine.

"Hindi ko siya knight and shining armor," tanggi na wika ni Rhoda.

"Lagot ka kay Regine," nakakalokong wika ni Maine.

"Please naman, huwag ninyo kami pag-awayin, wala naman ako ginagawa sa kanya at kay Benjamin," ani Rhoda.

"Ah basta!" nakangising wika ni Maine at tumawa pa ito.

============

After one hour class...

"Please bring out one whole sheet of paper!"

Agad nag-ingay ang mga estudyante at nabigla sila sa surprise exam na sinabi ng kanilang guro na si Teacher Noah.

"Ano ba yan, kakasimula pa lang ng klase, may exam na agad!" maktol na wika ng isa sa mga estudyante.

"May reklamo ka Frankie?" tanong ni Teacher Noah.

"None Sir," wika ni Frankie at napayuko pa ito.

"Pakopya ka ha!" bulong na wika ni Jessie kay Rhoda.

Hindi umimik si Rhoda sa tinuran ni Jessie.

"Magpapakopya ka ba o itutusok ko ang G-Tech na ballpen ko sa kamay mo?" inis na binantaan ni Jessie si Rhoda.

Agad naramdaman ni Rhoda ang ballpen na nakatusok sa kanyang kamay.

"Oo na, huwag lang kayo magpahalata," mahinang wika ni Rhoda. Wala na siyang magagawa dahil alam niya na masasaktan lang siya kina Jessie at Maine. Gustuhin man niya umiyak dahil sa pag-aalipusta na natatanggap niya ay hindi niya ito magawa dahil natatakot siya sa anumang gagawin sa kanya nina Regine, Jessie at Maine.

Pagkatapos ng bente minutos ay natapos din nila ang kanilang pagsusulit. Agad nila pinasa ang kanilang papel sa kanilang guro.

"Tomorrow, you will know the result. And who ever will get the highest score will be exempted for the next surprise quiz," ngiting sambit ni Teacher Noah.

May ilang estudyante na natuwa sa tinuran ng kanilang guro at may ilan naman nainis dahil nabigla sila sa surprise quiz na ipinataw ng guro nila pagkatapos ng kanilang aralin.

"Thank you nga pala Rhoda, hindi ko inexpect na masasagot natin ang mga katanungan ng quiz natin ha," masayang wika ni Maine.

Pilit na ngumiti si Rhoda at muling niyuko nito ang ulo nito.

Mula sa kinauupuan ni Benjamin ay kita niya kanina ang ginawang pangongopya nina Jessie at Maine kay Rhoda habang sila ay nagsusulit.

==========
TO BE CONTINUED...

The Serial Killer's Diary [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon