Chapter 14: Scream out

988 43 1
                                    

"Regineeee!"

Dinig ni Regine ang nakakainis na tili ni Maine. Kasama niya si Jessie ng oras na iyon at palapit na sila sa kanyang kinaroroonan.

"Bakit?"mataray na tanong ni Regine, sabay hithit nito sa hawak niya sigarilyo.

"Alam namin na dito ka matatagpuan eh,"ngiting wika ni Maine. Tinutukoy niya ang playground na kanilang kinaroroonan.

"And so? Why are you smiling at me?"irita at mataray na tanong muli ni Regine kay Maine.

"Ay grabe siya!" turan na lang ni Maine sabay pout ito ng kanyang bibig.

"You won! Bakit, parang galit ka pa rin? Di ba plano ninyo ito ni Reagan, it works! Rhoda is now disgusting!" ani Jessie. Umupo ito sa damuhan pagkatapos niya ilagay doon ang panyo niya.

"Natin!"pagtatama ni Regine sa tinuran ni Jessie. "Nandoon din kayo ni Maine habang nagtatalik sina Reagan at Rhoda,"dugtong pa nito.

"K fine!" matipid na sambit na lang ni Jessie.

Aminado din kasi si Jessie na kasama sila ni Maine sa ginawang plano nina Regine at Reagan kay Rhoda.

"Oh well, can you tell us why you are acting like that?" tanong ni Jessie at naglabas din ito ng sigarilyo.

"Because of Benjamin!" inis na sagot ni Regine.

"Dahil kinampihan ni Benjamin si Rhoda kanina?" nang-aasar na turan namn ni Maine.

"Shut up Maine!"sigaw ni Regine. Ayaw niya sa lahat ay inaasar siya kapag ganito siya kabadtrip.

"Okay!" kibit balikat ni Maine.

"Nakakainis sila!!"gigil na wika muli ni Regine.

"Oh well, I'm sure kung sasabihin ko ang nalalaman ko, baka lalo ka mainis,"maarteng wika ni Jessie sabay buga ng usok mula sa hinihithit niyang sigarilyo.

"What's that?" curious na tanong ni Regine. Pinatay niya ang kanyang sigarilyo sa pamamagitan ng pag-apak niya nito.

"Are you sure , you want to know it?" tumingin si Jessie kay Regine.

"Ano ba iyon? Sabihin mo na kasi! Ang dami pang arte!" naiinis na wika ni Regine.

"Chillax bitch!" inis na wika rin ni Jessie.

"What did you call me?" napanting ang tainga ni Regine sa kanyang narinig.

"Nothing! At isa pa, sasabihin ko rin, huwag ka nga atat!" irita na turan ni Jessie.

"Okay, speak up and I'll listen,"mahinahong wika ni Regine.

"I saw Benjamin ang Rhoda sa roofdeck kanina lang."

Hindi na naintindihan ni Regine ang ilang sinasabi na ni Jessie. Dahil pagkasabi pa lang niya na magkasama sina Benjamin at Rhoda ay nakaramdam siya muli ng galit at selos.

========================
"Hindi ka ba nandidiri sa akin?" nahihiyang tanong ni Rhoda kay Benjamin.

Natawa si Benjamin sa winikang tanong ni Rhoda.

"B-bakit ka natatawa?"

"Nakakatawa kasi yung tanong mo para sa akin eh,"nakangiting wika ni Benjamin kay Rhoda.

"Hindi kita maintindihan,"ani ng dalaga.

"Wala ka naman sakit ah,"turan din agad ni Benjamin.

"Ang ibig kong sabihin, yung kumalat na video,"naluha muli si Rhoda dahil natatakot siya sa video na kasalukuyang kumakalat sa kanilang school. Alam niya na sira na ang kanyang dignidad at samahan pa nito ng panlalait at pandidiri sa kanya ng mga kapwa niyang estudyante.

"Rhoda, dinala ka dito para kalimutan mo pasamantala ang problema na yan. Alam kong pasamantala pero ang hangad ko lang ay huwag mo siyang isipin-"

"Nasasabi mo yan dahil hindi ikaw ang nasa kalagayan ko!" naiiyak na wika ni Rhoda,naputol pa niya ang sinasabi ni Benjamin.

"Bakit napakalupit nila!! Ano ba ang kasalanan ko sa kanila!!" Sigaw ni Rhoda. Hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon na kinikimkim. Poot at galit na gusto niya pakawalain sa kanyang dibdib. Napaupo si Rhoda at humagulgol ito ng iyak.

"Sige, umiyak ka lang, ilabas mo ang galit mo sa kanila, isigaw mo lang, magmura ka lang. Nandito ako para sayo,"mahinang wika ni Benjamin at hinagod nito ang likod ni Rhoda.

"Ahhhhhhhh!" malakas na sigaw ni Rhoda.

Hindi din napigilan ni Benjamin ang kanyang luha. Awang-awa siya sa pinagdadaan ng kaibigan niya na si Rhoda. Yumuko si Benjamin at niyakap niya si Rhoda.

"Gusto ko gumanti," mahinang wika ni Rhoda.

"Gumanti?" maang-tanong ni Benjamin.

"Sirang-sira na ako, wala na patutunguhan ang buhay ko, kaya bago ako tuluyan masira, gusto ko gumanti sa paraang alam ko," humihikbing wika ni Rhoda.

"Sa paraang ano?" tanong muli ni Benjamin. Tila nakadama siya ng kaba sa mga sinasabi ni Rhoda.

Napailing si Rhoda at muling humagulgol ng iyak.

"Hindi ko pa alam, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko,"iyak na wika ni Rhoda.

Niyakap ni Benjamin si Rhoda ng mahigpit.

"Makakarma din sila, Rhoda. Makakarma din sila,"makahulugang wika ni Benjamin kay Rhoda.



===========================================================

TO BE CONTINUED...

The Serial Killer's Diary [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon