Chapter 16: The Mastermind

1K 41 4
                                    

"Shit! Anong ibig sabihin nito?"pagtatakang tanong ni Reagan sa kanyang sarili. Hubo't-hubad siyang nakahiga at nakagapos ang mga kamay at paa niya.

"Gising ka na pala."

Agad lumingon si Reagan at hinanap niya ang boses na nagsalita.

"Who the hell are you?"galit na tanong ni Reagan. Pilit na kumakalag ito mula sa pagkakatali niya.

"Gago! Hell -hell ka diyan. Mamaya nasa hell ka na. Putang-ina mo!" galit na sigaw ng kausap niya. Tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo.

Napatahimik si Reagan sa tinuran ng nilalang kausap niya. Alam niya na hindi biro ang nasa sitwasyong kinasasadlakan niya sa oras na ito. Tila pakiramdam niya, nalalapit na siya sa kamatayan.

"A-anong gagawin mo sa akin?"may kabang tanong ni Reagan.

Lumapit sa kanya ang nilalang kausap. Pinagmasdan niya ang buong hubo't -hubad na katawan ni Reagan.

"Sabihin mo sa akin, sino nagtulak sayo para gawin iyon?"seryosong tanong niya kay Reagan.

"Ano iyon?"maang tanong ni Reagan.

"Huwag ka na magkunwari. Alam mo ang tinutukoy ko!"Galit na sinampal niya si Reagan.

Dito napaiyak na si Reagan sa takot. Nakita niya kasi sa mga mata ng kausap niya ang galit at panlilisik sa mga mata niya. Matatalim ang mata niya na nakatingin sa kanya na para ka bang mamatay sa anumang oras kapag tinitigan ka niya.

"Si Regine! Pakawalan mo na ako! Siya mismo ang may utak para gawin iyon!"naiiyak na wika ni Reagan.

Napabuntong-hininga ang nilalang na kausap ni Reagan. Kita pa niya ang pagkuyom ng mga kamao nito.

"Magbabayad kayo lahat!!" Sigaw niya at dinuro niya pa si Reagan.

"Parang-awa mo na, hindi ko naman kagustuhan iyon. Nakiusap lang si Regine sa akin para isakatuparan ang maitim niyang plano. Gusto niya lang gumanti!" naiiyak na sumbong ni Reagan.

"Ahhh! Mga walang-hiya kayo! Putang-ina ninyong lahat!" Galit na sigaw at walang awa na pinagsusuntok niya ang tiyan ni Reagan.

Napahiyaw si Reagan sa mga suntok na natanggap niya.

"Gago ka, dahil nagpauto ka sa kanya! Ngayon, makikita mo na si kamatayan!" Sigaw pa nito kay Reagan.

"A-anong gagawin mo?"takot na tanong ni Reagan. Nanghihina na ito mula sa mga natanggap niyang suntok. 

Maya't-maya pa, may kinuha ito sa dala niyang bag at nanlaki ang mga mata ni Reagan ng maaninag niya na ang dala niya ay..

MURIATIC ACID!

"Anong gagawin mo diyan sa muriatic acid? Please lang, kung ano man iyon, huwag mo gawin, nagmamakaawa ako. Parang-awa mo na,"parang batang nagmamakaawa si Reagan. Naihi pa siya sa sobrang takot.

Gumuhit ang nakakalokong ngiti ng nilalang sa kanyang labi at tumapat siya sa nakahigang hubo't hubad na katawan ni Reagan sa bandang pribadong parte ng katawan niya.

"Dahil heto ang iyong ugat ng iyong kasalanan,heto rin ang magdadala sayo sa hell na pinagsasabi mo kanina! "pagkawika niya ay walang pasabi na binuhusan niya ng muriatic acid ang ari ni Reagan.

=======================


"Holy sh*t!!!!" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Maine sa kanyang nabalitaan kay Jessie ng kinabukasan na nasa school na siya.

May mga pulis na nang-iimbestiga sa isang abandonang kuwarto ng kanilang paaralan nang dumating na siya doon.

"Poor Reagan...sino kaya ang may kagagawan nito? Napaka-cruel," turan ni Jessie habang abala siya na nakikiusyoso sa mga pulis na naroroon.

"Hindi ba magkasama sina Regine at Reagan kahapon?"takang tanong ni Maine kay Jessie.

"That's supposed to be pero heto na, patay na si Reagan. Ang bilis ng karma niya,"mahinang wika naman ni Jessie.

"Tatawagan ko si Regine. She needs to know this,"turan agad ni Maine at kinuha niya ang cellphone niya sa backpack niya.

"Mga bata, pumasok na kayo sa mga silid-aralan ninyo, bahala na ang mga pulis dito. Huwag na kayo maki-usyoso dito dahil nakakaabala kayo sa trabaho nila. Sige na, alis na dito!"pagtataboy ni Mr. Follante sa mga estudyante, ang principal ng kanilang paaralan.

"Jessie, hindi kaya gumaganti siya sa ginawa nila ni Regine?"mahinang bulong ni Maine kay Jessie habang naglalakad sila papunta sa kanilang silid-aralan.

"Sino? Wait, sumagot na ba yang Regine sa tawag mo?" tanong ni Jessie.

"Hindi eh. Out of coverage area," sagot ni Maine.

"Teka, sino yung tinutukoy mo na siya?" muling tanong ni Jessie.

"Gaga, sino ba involved sa scandal?"pabalik na tanong ni Maine.

Napatahimik si Jessie at muling tiningnan niya si Maine.

"Don't tell me,si Rhoda ang killer?"nanlaki pa ang mga mata ni Jessie ng itanong niya kay Maine.

"Possibly yes, baka gumaganti siya, pero paano niya nalaman iyon, saksi tayo na wala siyang malay nang ginagahasa siya ni Reagan at alam natin na dalawa na hindi kita sa video si Reagan habang kinukunan ni Regine ng video,"mahabang sambit ni Maine.

"Kahit na, Rhoda must pay for this!"galit na wika ni Jessie.

"Paano natin iyan iproproof?"tanong ni Maine.

Napabuntong-hininga si Jessie at umupo na ito sa kanyang upuan.

"Listen Maine, mahirap natin i-proof iyan."turan ni Jessie, sabay lumingon ito sa paligid niya. Ayaw niya kasi ng may nakikinig ng iba ang kanilang pinag-uusapan.

"Paanong mahirap?" takang-tanong ni Maine.

"Gaga, madadamay tayo kung sasabihin natin ang nalalaman natin,"seryosong wika ni Jessie.

Tila nakadama ng takot si Maine sa tinuran ni Jessie. Nakuha niya ang ibig sabihin ng dalaga dahil kapag nagsabi man sila, magkakaroon ito ng imbestigasyon at pati silang tatlo nina Regine ay madadamay dahil sigurado na mauungkat kung paano nagkaroon ng sex scandal si Rhoda. Dahil kasama sila ni Jessie sa planong maghiganti ni Regine laban kay Rhoda.

"Oh my God, pokpok is here now,"wika ng isang maarteng kaklase nila na si Megan.

Agad nilingon nina Jessie at Maine ang taong tinutukoy ni Megan at sabay silang nagtinginan ng makita nilang papasok si Rhoda sa kanilang silid-aralan.

===============
TO BE CONTINUED...

The Serial Killer's Diary [BOOK 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon