Do it for me and I'll be yours....
Do it for me and I'll be yours...
"Regine..."mahinang wika ni Reagan sa kanyang sarili. Ito ang salitang huling binitawan ni Regine nang maghiwalay sila kanina na umuulit sa kanyang isipan. Nakatingin ito sa kisame mula sa kanyang pagkakahiga sa malambot niyang kama. Tila pinag-iisipan niya ang kondisyon na sinabi ni Regine. Pero sa kanya, madali lang naman ang pinapagawa ni Regine. Isang pagsubok na tila kagustuhan niya rin iyon. Muling nagbalik sa kanyang isipan ang ginawa nila ni Regine. Damang-dama niya ang malambot at mapaglarong dila na tila nakikipaglaro din sa kanyang dila.
"Regine...." Hinimas ni Reagan ang kanyang balbuning tiyan at pumaibaba ito ang mapaglaro niyang kamay.
Tila may nagising sa kanyang parteng katawan. Maya't-maya pa ang isang kamay nito ay nag-taas-baba.
Mula sa kanyang kuwarto ay dinig nito ang ungol na tila nasasarapan siya sa kanyang ginagawang kamunduhan.
================================
"What??!! Are you insane Regine?! " gulat na tanong ni Maine kay Regine ng ibinahagi nito ang gagawin nila ni Reagan."Yes, Im serious with this plan and I'll make sure that it will work,"mataray na turan ni Regine.
"At talagang dinamay mo pa si Reagan sa kalokohan mo ah,"sabat naman ni Jessie.
Nasa playground sila ng oras na iyon at tapos na rin ang kanilang klase.
"Well, Reagan wants naman eh,"maarteng saad ni Regine.
"Hindi kaya, masyadong below the belt na yang gagawin mo?"alalang tanong ni Maine. Hindi niya kasi aakalain na may ganitong plano si Regine.
"Yeah, I agree with Maine, that's too much for revenge,"sang-ayon na wika ni Jessie.
"I don't care if that is too much, the thing is that will be fun and exciting,"natatawang saad ni Regine.
Nag-isip si Maine at tila napangiti ito.
"If that will happen, sirang-sira na siya dito sa school natin,"sambit agad ni Maine.
"Exactly! Natumbok mo Maine ang plano namin ni Reagan,"nakangiting turan ni Regine. Pumalakpak pa ito na parang naeexcite na siya sa gagawin nilang plano.
"But that's too much, puwede naman sa ibang paraan ah,"tila hindi pa rin sang-ayon si Jessie sa plano ni Regine na paghihiganti laban kay Rhoda.
"Teka nga, sino ba kakampi mo? Ako na matagal mo na kaibigan o yung basurang babae na malandi na si Rhoda? Pansin ko na tutol ka ng tutol sa plano ko!" inis na saad ni Regine kay Jessie.Tila napikon na siya dahil kanina pa sumasalungat si Jessie sa pinag-uusapan nila.
Napatahimik si Jessie sa tinuran ni Regine. Aminado siya na hindi siya sang-ayon sa plano ni Regine pero ayaw niya rin kay Rhoda.
"Okay fine! Kung gusto mo ang plano na yan, then go! But make sure labas kami ni Maine diyan!" saad agad ni Jessie.
"Of course, ako bahala dito pero siyempre may papel pa rin kayo na gagawin dito,"nakangiting wika muli ni Regine.
"At ano naman yun aber?" maang tanong ni Maine.
"Soon, malalaman ninyo rin kapag all set na ang lahat,"ani Regine.
Napataas kilay na lang si Jessie pero hindi niya ito ipinakita kay Regine.
Maya-maya pa tumunog ang cellphone ni Regine. Napangiti ito ng makita niya kung sino ang tumatawag.
"Hi Reagan!" malambing na wika ni Regine at ngumiti ito kina Maine at Jessie.
"I'm ready Regine," sagot ni Reagan sa kabilang linya.
"Well, that's great," masayang wika ni Regine. Maya't-maya pa, gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa mga labi ni Regine.
====================
"Hindi ka pa ba uuwi agad mamaya?" tanong ni Benjamin kay Rhoda. Tapos na kasi ang klase nila ng oras na iyon."Magreresearch pa kasi ako sa library eh tungkol sa project natin, total until 7 pm naman sila magcloclose,"nakangiting wika ni Rhoda. Naging magaan na ang kanyang loob kay Benjamin simula nag-open up siya ng problema.
"Next week pa naman yung deadline ah," nakakunot yung noo na wika ni Benjamin. Nagtataka siya kung bakit masyado maaga si Rhoda para sa project nila sa isang aralin.
"Gusto ko lang simulan para maaga ko siya matapos. Ako kasi yung tipong tao na hindi rush gumawa ng project,"ani Rhoda.
"Ah okay, huwag ka lang magpapagabi ah,"alalang turan ni Benjamin.
"Siyempre naman."
"Oh siya, see yah tomorrow!" pamamaalam ni Benjamin kay Rhoda at humiwalay na ito sa kanilang nilalakaran.
Ngumiti si Rhoda at tiningnan niya si Benjamin na lumalakad na ito papalayo mula sa kanya.
Makalipas ng ilan minuto, nasa library na si Rhoda, agad niya hinanap ang sadya niyang aklat umupo ito sa isang sulok na walang gaanong tao.
Maya't-maya, may narinig si Rhoda na yapak na papalapit sa kanya. Agad siya lumingon pero ni isang tao wala siyang nakita sa kanyang likuran. Inisip niya na imahinasyon lang yun at ipinagpatuloy niya ang pananaliksik sa kanyan aralin. Bigla siyang nagulat ng may aninong naaninag niya sa kanyang likuran. Agad niya ito nilingon subalit agad may tumakip sa kanyang bibig gamit ang panyong may kakaibang amoy. Nakadama siya ng pagkahilo at bigla siya nakaramdam ng pagkaantok. Bago bumigat ang mga talukap ng kanyang mata ay naaninag niya na may bumuhat sa kanya at tuluyan na siya nawalan ng malay.
=============
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
The Serial Killer's Diary [BOOK 3]
Horror(COMPLETED)Bagong tauhan... Bagong kaaawaan... Bagong kaiinisan... Bagong BIKTIMA... Sino-sino sila?