Chapter 11

0 0 0
                                    

So Ngayon na ang start ng Intramurals dito sa East Northumberland High.
Nung una wala pa akong pakialam sa mga sports sports na yan. Bukod sa hindi naman  ako sporty, wala talaga akong interest na manood at saka wala na akong pakialam kung sino man ang manalo dahil hindi naman ako yung may prize or award at the end. Pero that thing changed until noong naging crush ko na si Cristoff. Saan mang competition siya sumali, I'm  always a supporter of him kahit na hindi niya ramdam at hindi talaga ramdam.

Kanina natapos na ang opening parade at opening program namin. At ngayon naman nandito kami sa bleachers sa loob ng school gymnasium na punong puno ng mga estudyante na kanina pa naghihiyawan, e pano ba naman kasi nagstart na pala yung basketball.

"Go Paulo! Galingan mo daw sabi ni Sam!" -sigaw ni Sophy

Grabe din tong katabi ko e no, pabiglabigla na lang na sumisigaw sabay tapat pa sa tenga ko.

"Dahan dahan naman Sophy angsakit sa tenga yang sigaw mo." -pasigaw na sabi ko kay Sophy dahil halos hindi na magkarinigan dito sa gym.

"Bakit hindi ka din magcheer para hindi ka lang nanonood diyan." -Sophy

"Ayaw ko nga, baka mamaya mamaos pa ako sa kakasigaw." -sigaw ko pa

Sa bandang kanan ko naman nakaupo si Marj at sa tabi naman niya si Sam. Kakaiba din ang trip ng babaeng to, kahit kailan talaga anghilig ni Marj sa kalokohan pano ba naman kasi kunwa kunwaring nagchicheer, yun pala linoloko lang niya yung mga nasa babaan namin dito sa bleachers. Sisigaw ng pagkalakas lakas sa tapat ng kanilang tenga, buti nga hindi pa nila inaaway si Marj sa pinaggagagawa niya pero kita namang linlayo na nila yung tenga nila kay Marj.

"Oy Margueret tigilan mo nga yang ginagawa mo baka mamaya awayin ka pa ng mga yan e." -saway naman ni Sam na napansin din ang kalokohan ni Marj

"AngKJ mo ha." -tatawa tawang sabi pa ni Marj.

"Ay talaga to pasaway." -Sam

At ayun pinagpatuloy pa.

"Sam akala ko ba magaling si Paulo sa basketball, e bakit parang tumatakbo takbo lang naman ata siya." -asar na sabi ko kay Sam

"Magaling talaga siya no, baka pagod lang siya. Tignan mo sa next quarter." -pagtanggol ni Sam sa crush niya.

Matapos ang mahaba habang laro ng basketball, nakasecond place naman yung team ni Paulo, hindi na masama. Pagkatapos ng basketball, badminton naman ang sunod. So it means sina Cristoff na ang maglalaro.

Anghusay lang talaga ni Cristoff sa badminton kaya nga naisip ko minsan, pano kaya kung mag-aral at magpractice din ako ng badminton baka sakaling gumaling din ako sa badminton or better, makalaro ko pa siya. Pero siguro hindi talaga ako into sports. At hindi naman ako si Nam at hindi naman siya si Shone. Hindi naman ito Crazy Little Thing Called love o ano mang movie na napapanood na kung saan one day magiging famous ako, or maging honor student, or maging sporty or talented tapos mapapansin na nung boy si girl. Hindi naman kasi ganun kadali yun, kaya mas pinili ko na lang na magshortcut kaya eto, minsan papansin lang pero hindi naman yung as in over over papansin.

"C.A. si Cristoff na ang maglalaro." -sabi sakin ni Sophy

Hay nakakagulat talaga 'tong babaeng ito o. Parang siya ata yung may gusto kay Cristoff e.

"Huh? Tapos na yung unang players? Angbilis naman." -ako

"Nanonood ka ba o hindi? Di mo ba nakita yung isang player, nasprain yung ankle niya kaya hindi na siya makakalaro." -paliwanag ni Sophy

"Ano ka ba Sophy nanonood si C.A. no. Pinapanood lang naman niya ang bawat kaunting galaw ni Cristoff." -asar ni Sam sakin

Tinignan ko lang sila ng nakangiti at hindi na ako nagreact pa sa sinabi nila at pinanood ko na lang si Cristoff na naglalaro.

Kaya mo yan Ivan Cristopher Dizon. Please Lord sana manalo siya.

Kasalukuyang nagrarally ngayon ang dalawang magkalaban at parang wala sa kanila ang gustong magpatalo ngunit nabreak ito dahil sa smash hit ni Cristoff sa shuttlecock kaya dumiretso at nahulog ito sa ground na dahilan naman ng pagkapanalo niya.

"Thanks God" -bulong ko

"Wow ha, abot hanggang langit ang ngiti. Dinaig mo pa yung mismong player!" -sabi ni Marj sa akin habang malapitan niya akong tinignan sa mukha.

Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon