Chapter 7

29 0 0
                                    

The next day,,,

Nakakasad naman, maghapon ko siyang di nakita. Nasaan ba kasi siya

"C.A. tara na! Ano? Dito ka na sa school mag-oovernight?" - ika ni Sam

"Huh? Uwian na?" -sabi ko na walang kaalam alam

"Shunga, kanina pa!" -sumbat ni Marj

"Ah eh ganun ba?" -sabi ko naman

Pauwi na kami at papunta na kami sa kanto kung saan nakaparada yung mga tricycle na sinasakyan namin.

"Maganda din yung The Neighbors. Napanood niyo na yun?" -Sam

"Mas bet ko parin yung mga Disney movies ni Zac Efron." -sophy

"Maganda din naman yun, pero mas gusto ko yung mas mature na Zac Efron." -Sam

"Ikaw C.A. ano yung pinakagusto mong movie ni Zac Efron?" -biglang tanong ni Sophy sakin

"Uy C.A.!" -Marj

"Oh bakit? Ano yun?" -tanong ko sa kanila

"Wala! pinag-uusapan lang namin kung masbagay ba kay Zac Efron yung mga disney movies o hindi. Ano ba kasing meron ah. Kanina ka pa walang imik diyan." -Sophy

"Kasi naman eh. Si Cristoff, hindi ko na siya nakikita." -pag-aamin ko

"Ay Cristoff na naman, Cristoff na naman. Nakakasawa na din yang pangalan na yan ah." -Sam

"Akala ko naman kung nabankrupt na ang lahat ng bansa, hindi lang pala nakita yung crush!" -Marj

"Sana makita ko siya." -ako

Broom broom broooooom...

"Howly guacamole si cristoff ba yung nakamotorsiklo?" -gulat kong sabi

"Siya nga! Omg uy tawagin niyo nga siya! Cristoff sabihin niyo!" -utos ko sa kanila

"Cristoff! Criiiiisssstoff!" Sigaw naman ng mga kaibigan ko.

Papalayo na si Cristoff habang nakamotorsiklo nang bigla siyang lumiko at bumalik.

"Huwwwat da ef. Bumalik nga siya! Omg itago niyo ako." -taranta kong sabi

"Cristoff si C.A. oh" -Marj

"Bat niyo naman siya tinawag?" -paninisi ko sa kanila

"Baliw ikaw nga 'tong nagsabi samin na tawagin siya, tapos ngayon, nagsisisi ka?" -Sam

"Ano bang trip niya at bumalik pa siya? Ayaw kong mag-assume baka naman may nakalimutan lang siya kaya siya bumalik." -pagtataka ko

Lumingon ako sa likod para tignan si Cristoff kung saan ba siya pupunta pero laking gulat ko nang bumalik ulit siya. Pero ngayon lumiko na siya sa kabilang daan.

"Patay! Bakit mo ba ako pinaglalaruan ha Cristoff." -ako

Kung may nakalimutan siya, bakit siya lumiko agad? Baka naman nacurious lang siya sa tumawag sa kanya, baka naman akala niya may importante kaming sasabihin o baka naman gusto lang niyang....basta ayaw kong mag-assume.

"O ngayon hindi ka na tulaley!" -Sophy

"Yieeee namumutla na sa sobrang kilig" -pang-aasar ni Marj

"Hindi ah. Nagbablush ba ako?" -pagkaila ko

"Sa mukha mo, obvious na obvious." -sabi ni Sam

Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon