Chapter 2

40 1 2
                                    

I' m a buff baby that can dance like a man

I can shake of my fanny I can shake of my can

I'm a tough toothn' baby

I can punch all your buns

Punch all your buns

I will punch all your buns

If you're an evil witch

I will punch you for fun

Brrrrrrr....

"Ano ba yang pinapanood mo C.A.? Lipat mo nga sa NBA channel!"

"Wait patapusin ko lang muna to! Angcute ni Finn eh. New episode na nga lang ng Adventure Time, mamaya na!"

"Angchildish mo, highschool ka na magmature mature ka nga."

"Whatever! Hindi naman sa mga pinapanood nasusukat ang maturity kundi sa responsibility."

"Akin na nga yang remote!"

Hinablot ni kuya yung remote, sinubukan kong agawin pero hindi ko nakuha kaya pumunta ako sa tapat ng Tv saka hinugot yung saksakan sabay takbo papuntang kwarto kasi alam kong magagalit na naman yun sakin. Ako naman kasi yung naunang nanood, hindi ko na tuloy natapos yung panonood ko na Adventure Time. Kainis makapagfacebook na nga lang.

Pumunta ako sa balcony namin para mag-internet, dahil doon malakas ang signal at tyempo namang nandun din ang ate ko na nag-eFB.

"Hey asan yung laptop?"

Ganyan talaga kami mag-usap walang ate ate at kuya kuya dahil 1 and 2 years lang naman ang mga gap namin sa isa't isa.

"Tignan mo na lang sa kwarto"

"Ok"

Kinuha ko yung laptop tapos open-go to chrome- type facebook- log in- search for Ivan Cristpher Dizon. Ganyan ganyan lang naman ang start tuwing magfefacebook ako ni hindi ko pa nga tinitignan yung mga notifications, friend request at messages ko basta makapag-update lang sa buhay ni crushie *^O^*.

Stalker mode ON

Stalk...

Stalk...

Yieee angcute talaga ni Cristoff

Stalk...

Stalk..

Wait... what the! Bakit hindi pa niya dinedelete 'tong mga pictures nila ng ex niya? Hmmmpf. Dapat idelete na niya kasi wala naman ng kwenta ang mga to. Wala ng dapat balikan pa.

Nakita ko yung mga comments, "yieee" "bagay" "<3"

Masbagay kami no! Hindi naman kagandahan si Katherina e, mayaman lang tapos sikat yung pamilya niya tapos magagand mamahalin yung mga suot niya kaya nagmumukha siyang maganda. Hindi naman sa insecure pero yun naman talaga yung mga sinasabi ng marami.

Sa sobrang tutok na tutok ako sa wall ni Cristoff, hindi ko namalayan na nandun na pala sa likuran ko si ate na nangingialam sa ginagawa ko.

"Aughhh usyosera"

"Wow ha, ano ba yang ginagawa mo? di ba nang-uusyoso? Haha crush mo si Cristoff no? Child abuse! Tsaka mas maliit siya kaysa sayo."

"Child abuse ka diyan, 8 months lang naman ang tanda ko sa kanya. Saka tatangkad din yun, yung kuya niya nga raw e, maliit din daw dati yun pero tignan mo ngayon, matangkad na."

"A-awwww" sarkastikong kinikilig.

"Che!"

Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon