Nasa loob kami ng classroom ngayon. Dahil nag-attend ng seminar yung teacher sana namin ngayon, wala na naman kaming ginagawa. Cellphone dito, cellphone doon, senti doon, maingay doon, at lugar naman ng mga studious doon. AngggggBORING.
"Uy tara sa labas, gala muna tayo" pag-aaya ko kina Sophy, Marj at Sam
"Tara nakakabagot dito." -dagdag naman ni Marj
"Eh saan naman tayo pupunta?" -tanong ni Sophy
"Kahit saan basta hindi dito, parati na nga lang tayong nakakulong dito sa apat na sulok ng classroom natin. Di pa ba kayo nagsasawa?" -sagot ko
"Oo nga naman. Uy Sam, sama ka samin? Gala tayo." -tanong ni Marj kay Sam
"Ah? Wait lang isummarize ko lang tong nasa libro." -tugon ni Sam
"Maoover study ka, sige mababaliw ka niyan sa kakaaral. Mamaya na yan!" -sabi ni Marj saka niya hinila si Sam
Pagkalabas namin sa classroom, nagtungo kami sa gate ng campus para sana lumabas at gumala. Pero, may malaking PERO, angKJ lang kasi nung guard. Kaya naman nandito kami nastuck sa gate at nakikiusap parin kay manong guard.
"Sir, sige na ah, wala naman na kaming ginagawa sa room." -pakiusap ko sa guard
"Hindi nga pwede, utos ng principal na wag magpapalabas ng estudyante hanggang dismissal." -sagot ng guard
"Sir hindi naman ito malalaman ni principal. Promise secret lang natin 'to." -pagpumilit ko ulit
Bahagya kaming lumayo sa guard saka nag-usap usap.
"Dapat kasi sinabi nating masakit na masakit ang tiyan ko, ay hindi pala pwede, ako lang yung papalabasin 'pag ganun. Ahm sabihin na lang natin na tatapusin lang natin yung project natin sa bahay namin, ay wag nasabi ko na pala yun noong nagpaprint ako ng project ko noong first grading..... What if magkunwari ang isa sa atin na magcollapse?" -bulong samin ni Sophy
"Baliw! Sige gawin mo yun, magcollapse ka ngayon para totohanin ng guard yun at dalhin ka talaga sa clinic." -mahinang sagot ni Sam sa bad idea ni Sophy
"Eh ano nang gagawin natin?" -tanong ko sa kanila
"Sir! Napansin ko lang, ang astig ng dating niyo ngayon ah. Saka angkintab ng sapatos niyo, angporma din ng hairstyle niyo." -obvious na pambobola ni Marj kay manong guard
"Hindi nga pwedeng lumabas!" Sagot agad ng guard
"Wala talagang pag-asa sa KJ na guard." -mahinang sabi ni Marj
"Ah haha sige po sir!" -sabi naman ni Marj sabay tawa ng pilit
"Ay Sir kilala mo ba si Cristopher Dizon?" -singit na tanong ko sa guard
"Oo yung apo ni ma'am Euphemia Dizon, Bakit?"
"Kasi sir crush niya!" -biglang singit ni Sophy
"Yieeeee" -panunukso nilang tatlo sa akin
Nakakainis lang no, yung ingat na ingat ka sa pagsesecret sa crush mo tapos bigla bigla lang eepal yung mga kaibigan mo at ibubulgar nila sa kahit kanino man.
"Walang cellphone number yun. Hindi daw nagsecellphone yun." -biglang sabi naman ni manong guard
"Grabe sir! Cellphone number agad?" -sagot ko naman
"Sir pag nakita mo siya sabihin niyo po sa kanya na crush siya ni Cara Adelise Margano. Sir wag niyong kakalimutan yung pangalan niya Cara Adelise Margano a.k.a. C.A. Sir ah pag nakita mo siya." Sabi ni Marj
"Sir eh si Paulo Ruazol kilala niyo po? Crush po kasi ni Sam" -tanong ko ulit sabay turo kay Sam. Papayag ba akong ako lang yung mabubuking?
"Sino yun?" Tanong ni manong guard
"Haha belat. Ah wala yun sir" -sabi ni Sam
"Marunong din palang makisama tong guard no? Ngingiti ngiti pa oh" Mahinang sabi ni Sophy saamin
"Sir pwede na po bang lumabas?" -singit naman ni Marj
"Hinde" -tipid na sagot ng guard
"Hindi talaga pwede, tara na guys. Mag-ikot ikot na lang tayo dito sa campus." -sabi ni Marj
Sa paglalakad namin dinala kami ng mga paa namin sa gymnasium ng school at dahil wala ngang magawa pinanood na lang namin yung mga athletes na nagpapractice.
"Ohw my, Si Cristoff maglalaro ng badminton? woah ichicheer ko talaga siya. Kung pwede nga lang magpapagawa pa ako ng banner para sa kanya pero masyado nang obvious pag ganun.
Umupo kami sa bleachers at nanood ng practice nila. Tutok na tutok ako kay Cristoff, si Sam naman pinapanood sina Paulo na nagwawarm up para sa practice nila sa basketball samantalang sina Marj at Sophy busy sa pagsecellphone.
Medyo marami din namang tao dito sa gym, athletes man o hindi.
Anggaling talaga ni Cristoff magbadminton, palagi siyang nakakascore, anggaling niyang maghit ng shuttle cock. At gustong gusto ko lang kung paano niya pinapaikot ikot yung raketa sa kanyang kamay. Kahit pawis na pawis na siya angcute pari niya. Proud admirer here! Sana mapunta yung shuttlecock sa direksyon ko para masalo ko at iaabot ko sa kanya.
Nang magserve yung kalaban niya, sumobra sa lakas kaya naman outside. Lumapit si Cristoff sa shuttlecock at yumuko para pulutin ito. Pagkaangat niya sa ulo niya napatingin siya sa direksyon ko.
"Tumingin siya sa akin!" -mahinang sabi ko habang kinikilig
"Huh? Anong sinabi mo?" -tanong ni Sophy na halatang di niya narinig yung sinabi ko
"Tumingin si Cristoff sakin" -pag-uulit ko
"Yun lang? Angsaya mo ha!" -sabi ni Marj
"Wala ka kasi sa posisyon ko kaya di mo alam yung feeling ng kinikilig sa maliit lang na bagay, kaya yun, OA yung tingin mo." -tugon ko naman kay Marj
"Ok ako na 'tong loveless" -sabi ulit ni Marj
"Loveless? Pwede namang Crushless lang. Oh ngayon ikaw naman 'tong exagge" -birong sabi ko kay Marj
"Oy ikaw naman Sam, wag masyadong tumitig baka matunaw! -asar naman ni Sophy kay Sam sabay wave ng kamay niya sa mukha ni Sam
"Panira talaga kayong dalawa."
![](https://img.wattpad.com/cover/29014606-288-k190580.jpg)
BINABASA MO ANG
Certified NBSB (No Boyfriend Since Birth)
Fiksi RemajaSi Cara Adelise Margano, isang babaeng never pang nagkaboyfriend kaya naman kung magkacrush ay to the maximum level. Naging theme song na rin niya ang kanta ni Anne Curtis na "Tinamaan" kaya nga wala siyang pakialam kung maging desperada man siya, p...