Chapter 1 – Introduction ;)
Ulitin ko ulit ang pagpapakilala ko ha!
I’m Krystalin Febe Aguilar. 5’6 in height. Maputi, slendered body, medyo may pagkabrown ang buhok, mata hazelnut ang kulay.
Nakatira ako with my auntie dito sa subdivision. May kaya sila kaya ayan pinalipat uli ako ng school kasi wala daw ako natututunan doon sa dati kong school puro daw ako barkada. Wala nga akong barkada eh, kaibigan meron pero nung nagtagal nalaman ko na nilapitan niya lng pala ako noon para mapalapit siya doon sa gusto niyang lalaki. Kaklase ko kasi ung lalaking un tapos siya sa ibang section. Tapos ayon! Nung naging sila na, wala na.. parang walang nangyari saamin. Nawala na lng siya bigla sa tabi ko kaya mabuti na rin na lumipat ako ng bagong school. 3rd year highschool na nga pala ako at First Day nmin ngayon.
“Krysta! Anak!” tawag ng auntie ko.
Anak ang tawag niya saakin pero kung tratuhin nmn ako parang malala pa sa basura. Yaya ata ako dito sa bahay eh. Pero okay na rin un saakin kesa nmn wala akong matirhan at hindi ako makapagaral. Iyan ang panakot niya saakin tuwing hindi ko nasusunod ang utos niya.
“Krysta! Bilisan mo! Bumaba ka na diyan at marami ka pang gagawin dito sa baba!”
“Opo! Malapit na!”
Nagsusuklay kasi ako, kakaligo ko lng. At ayan, nagmadali akong nagsuot ng shoes ko at tumakbo pababa.
“Eto na po ako! Ano po ba yun pagagawa nio saakin?”
“Aba at hindi mo ba nakikita yang mga hugasin sa lababo? Hugasan mo yan lahat at pumasok ka na sa eskwela!” pagalit niyang sabi.
Hinugasan ko na ung mga nakatambak na hugasin tapos nagwalis ng onti at naglakad na ako palabas ng bahay.
Pumara ako ng tryke.
“Manong dun po sa Harvard Academy.” At sumakay na ako.
Nagsuklay muna ako ng unti at chineck ko sa bag ko kung dala ko ung gamot ko. Sa school na kasi ako nakain hindi ako nasabay kila tita. Sabihin pa niya saakin na palamunin lng ako doon tapos sasabay-sabay pa ako sakanila. Wala kasing anak si tita tapos wala pang asawa kaya napakasungit. Kaya kukuwa nlng ako ng konti dun sa ipon ko. May ipon ako kasi nagpapart-time job ako sa isang resto malapit sa school nmin dati. Okay nmn siya malaki rin magbigay ng sweldo at ayos nmn ang pagtrato saakin. Kaibigan ko na kasi ung mga kasama ko doon eh.
Hindi ko namalayan andito na pala ako sa tapat ng school.
“Salamat po. Eto po bayad.”
Binayaran ko na si manong at lumabas ng tryke. Pumasok na ako ng gate. Nagsmile nmn saakin si Manong Guard. Pagkapasok ko palang andami na agad tao sa campus. Ung campus namin dito para siyang garden. May bermuda grass tapos may mga bench and everything else para siyang park kung baga. Maganda nmn ung school malaki at may mga lockers at may iba’t ibang clubs na pwede salihan. Isa lang nmn ang gusto ko salihan sa mga clubs eh. Ang singing club. Talent ko yun. Bata pa lang ako mahilig na ako kumanta kaya every school na pinapasukan ko sumasali ako doon at ako lagi ang pinapakanta tuwing may events ang school. Pati nga sa tinatarbahuhan ko nakanta rin ako eh. Kaya hindi ako tinatanggal doon kasi ako daw ang nagpapalakas ng resto nila.
Pumasok na ako sa mismong loob kung saan andun ang mga rooms. Hinanap ko ung room ko. A-1 ang room number ko. Tumaas pa ulit ako ng isang hagdan at VIOLA! Ayan na ang room ko. Hindi pa nmn ako late. Marami pang vacant seat kaya hindi ko alam kung saan ako uupo.
Nakita ko bakante ung isang seat dun sa pangalawa sa dulo kaya doon nlng ko naupo. Gusto ko kasi sa tabi ng bintana nakikita ko si Mr. Sun. Feeling ko tuloy pag katabi ko si Mr. Sun masaya ako. Kaya nakangiti na nmn ako.
BINABASA MO ANG
God Gave Me You
RomanceThere's this girl namely Krystalin Febe. She have this heart failure. She never felt happiness and being loved. She's waiting for someone to give her that little request before she die. PS. Just read the Prologue. ;)