Chapter 18 - Back At Me...

1.1K 24 4
                                    

Dedicated naman itech kay Kamag-anak ulit. Haha! Mga supportive readers lang ang dinededicatan ko eh. Sorry naman! Comment kasi kayo, ayoko ng  SILENT. Kahit minsan silent din ako. :/ Haha! WALANG GAYAHAN. XD

Anyways, READ THEN VOTE! :’) .x

Chapter 18 – Back At Me...

Krysta’s POV

*YAAAAAAAAAWN*

“EEEEEEEEELLLLLLL!” sigaw ko.

“EEEEEEEEELLLLLLL!” sigaw ko ulit... “EEEEEEEEEEELLLLLLLEANOR!!”

Aish. Kagigising ko lang kasi wala naman kaming pasok kaya ito ako ngayon nakahiga sa kama ko. Saan naman kaya nagpunta itong si Eleanor bruha. :/

Tumayo na ako sa kama ko at niligpit ko ang kumot ko tapos dumaretso na ako sa CR. Maliligo muna ako.

...

After kong maligo, magmumog, alisin ang mga morning glory sa mata, at magsipilyo lumabas na ako ng banyo at nagbihis tapos tinungo ko ang room ni Eleanor. Turn niya kasi ngayon na magluto. Alternate kasi kami. Para fair.. so pagpasok ko ng kwarto niya, ang ayos. Yung kama niya nakaligpit tapos yung mga damit na pinaghubaran niya nakatiklop doon sa kama niya. Saan naman nagpunta yun? Kaaga-aga...

Sinuot ko na lang muna yung coat ko at lumabas ng bahay. Mag-gogrocery muna ako. Wala na kasing laman ang fridge namin eh kaya wala rin akong mailuluto. Ang lamig pa naman ngayon.

Pagpasok ko ng grocery store, of course kumuha muna ako ng cart tapos saka ako naglibot. Kuha ako ng gulay, isda, chicken at beef na pangsteak. Magsteak na lang ako. Tapos yun, binayaran ko na at lumabas na ng store. Dumaretso muna ako sa pinakamalapit na coffee shop. Ang lamig  kasi tapos hindi pa ako nagkakape. Umorder muna ako ng frap. Habang hinihintay ko yung order ko...hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Ayana. Kaklase ko sa Chem. Nakaupo siya doon habang nainom.

So nung pagkakuha ko ng kape ko, tinabihan ko si Ayana para may makausap naman ako. Yayain ko na rin siyang maglunch ng sabay.

“Hi Ayana!” bungad ko.

Nagulat ata siya kasi bigla akong nagsasalita nung umiinom siya. Kamuntik na niyang maidura ang kape niya eh. Haha!

“Oh, Febe!”

Pilipino nga pala si Ayana. Kaya naging close ko agad siya nung first day ng Chem.

“Musta? Kumain ka na ba ng lunch?” tanong ko.

“Hindi pa nga eh. Umalis kasi yung kasama ko sa Apartment,” sagot naman niya.

“Pareho pala tayo ng sitwasyon eh. Kaya ito ako ngayon galing grocery, dahil magluluto sana ako eh wala naman palang laman ang fridge namin..”

“Ganun ba?”

“Oh ano, punta ka muna sa bahay namin. Kain tayong sabay. Pagluluto kita..”

“Wag na ‘no! Nakakahiya naman..”

“Natuto ka pa mahiya! Bahala ka, magutom ka sige!” tumayo na ako at kunwaring aalis na.

“Hindi ah, joke lang! Tara na nga. Tulungan na kita diyan sa buhat mo..”

Ayon, napapayag ko rin siya. Wala kasi akong kasama kumain eh. Wala pa naman akong gana pag ga---

“FEBE!!!”

Shemay, nagbublurd ang paningin ko...inaatake na naman ata ako...

*BLACK*

---

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon