[PLAY THE SUUUUUUUNG]
God Gave Me You
EPILOGUE
PATRICK MAC’S POV
Lumipas ang dalawang araw ng mabilis… ngayon na ang araw ng surgery ni Krysta Febe. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag nawala siya.
“Mac, lalabas ka na ba?” matamlay na tanong ni Krysta.
“Ha? Ah, ewan ko. Siguro pag pinalabas na ako ng nurse at pinalipat ka na sa ibang room.
Nakita kong ngumiti siya sa akin. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako sa ngiting iyon o hindi. Maaaring huli na niya ito pero hindi. Hindi ako susuko. Lalaban kami eh. Alam kong hindi pa ganon katagal ang pagsasama namin pero, wala akong pakielam. Mahal ko siya. Kung maaari nga lang na ibigay ko sa kanya ang puso ko at ako na ang maging donor niya gagawin ko eh. Kaso...
“Excuse me po sir. Lilipat ko na po siya ng room. Kailangan niyo na lang po maghintay sa labas,” nagmamadaling sabi nung pilipinang nurse sa akin.
Unti-unting nagbitaw ang aming mga kamay.. unti-unti rin nawawasak ang aking mga puso. Masakit. Mas masakit pa kaysa sa pagkamatay ng pusa namin noon. Tumulo na ang luha ko. Hindi ko na nakayanan. Dumaretso na agad ako sa simbahan ng ospital at mataimtim na nagdasal.
Matapos ang ilang oras nang pagdadasal ko ay biglang may tumawag sa aking pamilyar na boses.
“Mac,”
Napalingon ako at nakita ang ina ni Krysta.
“Tita!”
“Mac, anak, nasaan si Krysta? Na saan ang anak ko?” kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot, hingpis at sakit na parehas naming nadadama.
“Tita, nasa EI na po. Going on na po ang surgery niya.”
“Nakahanap na ba sila ng donor?”
“Opo.”
Napaisip ako.
“Tita, sandali lang po. Babalik din po ako agad. May aasikasuhin lang po ako,” paalam ko kay tita at dumaretso na ako sa surgery room. Kinatok ko ang mga nurses at doctor na gumagamot kay Krysta.
Lumabas ang isa sa kanila at tinanong ako kung bakit.
“Ma’am, Can we talk for a minute?”
-----
“Aray, ano ba ‘tong suot ko?... ahh. Sakit.” Pilit kong pag-alis dun sa mga nakakabit sa akin.
Tumingin ako sa paligid ko at....
Patay na ba ako? Nililibing na ba nila ako. Ano na ba? Ano na nangyayari sa akin. Bakit ang liwanag. Ahh. Sakit sa mata.
“Ma?” nakita ko si mama doon sa may tabi ng pintuan sa labas.
Pinilit kong bumaba sa kama ko at lumabas kahit masakit. Na saan si Patrick?
“Anak!!” sabay akap sa akin ni mama.
“Ma, buhay na ba ako?”
“Ha? Oo anak!”
“Eh, na saan po si Patrick?”
“Ah. Eh...”
Napatingin ako bigla dun sa doctor na papalapit.
“Sorry to say, ma’am, your friend has been your donor—”
----
Lumipas ang lahat ng mga minuto, oras, araw, buwan at taon sa buhay ko nang wala sa tabi ko at wala ang kahit anino ni Patrick Mac. Umuwi kami ni mama sa pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Pag napunta ako sa bahay nina Patrick Mac, iniisip ko na sana andun siya. Sana andun siya para asarin ako. Kulitin ako. At higit sa lahat, mahalin ako. Pero wala. Ang sakit sakit. Madaya siya. Bakit niya ako pinabayaan mabuhay. Ngayon gusto ko tuloy, isakripisyo ang sarili ko dahil sa kanya. Buhay niya ‘to eh. Bakit niya inilaan sa akin. Madaya. Masakit.
Kung pwede lang ibalik lahat ng mga nangyari sa amin. Bilang ko lahat. Mahalaga kasi yun bawat minuto. Kaya bawat oras na naiisip ko iyon, hindi ko kayang hindi lumuha. Kulang na lang ay lumuha na ako ng dugo dahil sa sakit na nararamdaman ko.
Yung mga pagsigaw ko sa kanya. Yung pagbuhat niya sa akin nung napapagod na akong maglakad.... lahat iyon. Ayoko na magmahal. Ayoko na. Masakit. Hindi sa takot ako pero pagod na ako. Pagod na ang puso ko dahil pag nagmahal pa ulit ako, baka hindi tanggapin ng puso ko iyon dahil hindi ko ito pagmamay-ari. Kay Patrick Mack 'to. Not mine to use and love.
Pwede ba ibalik lahat ng iyon? Pwede ba?
BINABASA MO ANG
God Gave Me You
RomanceThere's this girl namely Krystalin Febe. She have this heart failure. She never felt happiness and being loved. She's waiting for someone to give her that little request before she die. PS. Just read the Prologue. ;)