Forty three

11.2K 246 24
                                    

SYDNEY POV

Namamaga ang aking mga mata nung ako'y pumasok. Bago ako pumasok sa first subject ko ay dumaan ako sa isang convnient store ng University para bumili ng coffee. Habang bumibili ako ay may nakabunggo akong babae.

"Sydney," she smiled at me

Tangena naman oh!!! Out of all the people na pwede kong makita sa lugar na walang katao-tao, sya pa ang makakabunggo ko!

"What happened to your eyes???" She raised an eyebrow saka sya ngumiti. "Umiyak ka?"

Hndi ako sumagot. Hindi ko alam kung paano ako sasagot dahil iisa lang ang gusto kong gawin sa oras na 'to. Gusto kong lumayo!!!

"Sabi ko naman sayo diba? I will win her back. Sabi ko naman sayo noong umpisa palang, iiyak ka lang. Sabi ko sayo diba? Hindi sya para sayo, Sydney."

********

Iniwan ko sya sa harap ng vending machine at nagbayad sa counter. Hndi ko na hinintay ang sukli dahil agad kong nilayasan ang certain store na yun. Nagpunta ako ng gym. Walang tao doon. Nagpunta ako sa lugar kung saan walang makakakita saking umiyak.

Ang bobo mo naman, Sydney!

Maghahanap na nga lang ako ng lugar kung saan ako iiyak ay sa lugar pa kung saan naging kami!!!

"Sydney."

Kilala ko kung sinong boses yon at mas lalo akong humagulgol sa iyak. Nahulog ko yung cup ng coffee na hawak ko.

"Sydney, patawarin mo ako." Naramdaman ko syang lumapit sakin.

Lumayo ako sa kaniya at naupo ako sa bleachers. Naupo sya sa tabi ko pero gustong gusto ko syang itulak.

"Me-Meg?" Kahit sobrang na tumingin sa kaniya ay tinignan ko din sya. Nakakita ako ng luha sa kanyang mga mata. "Meg? Ma-mahal mo ba ako?"

Hindi nya ako sinagot.

She just looked away at pinigilan ang kaniyang mga luha. Nahanap ko ang kasagutan sa hesitation niya.

"Sydney, I am sorry."

"Meg---"

"Sydney, listen----"

"No, Megan!! You listen first!!!"

She closed her eyes and gazed down.

"Megan, sinabi mo mahal mo ako." I whimpered. "Pinaniwala mo ako, Megan. Lumayo ako, hinabol mo ako at pinaniwala mo ako. All this time, iiwan mo din ako? Ayaw mo na ba? Ano bang ginawa ko sayong kasalanan, siraulo ka? Sabihin mo sakin, bakit ka pa pumasok sa buhay ko? Bakit hinayaan mo akong mahalin ka tapos iiwan mo din ako?! Bakit ganito, Meg?!"

Hndi nya ako sinagot ng ilang segundo.

Tangena, Megan! Sumagot ka!!! I deserve answers to my questions!!

She looked at me and shook her head. "Hindi ko din alam, Sydney. Hindi ko alam pero please, patawarin mo ako."

"Hindi mo ba ako kayang ipaglaban sa daddy mo, Megan? Tatanggalan na ba nya ng trabaho ng mommy ko? Wala na ba tayong ibang paraan? Bakit kailang mo pa akong iwan? Teka, iiwan mo na nga ba ako----"

"Sydney, it's not about my dad. He has nothing to do with it this time. Kailangan natin tong iend. Hindi na tayo pwede magkita o magusap o magsama. S-Sydney, I'm so s-sorryyy. This has to end."

Mas lalong sumakit ang dibdib ko sa mga narinig ko. Mas lalo akong napahagulgol sa pagiyak.

"Bakit?! Mahal mo ako diba?!"

The best thing I've ever had (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon