Thirty Six

11.8K 294 35
                                    

(AN: Update agad? Ganito yata pag broken hearted. Hahaha sa mga nakabasa ng dati kong book na Battle In Seventh Heaven... real life story po yun at matagal na kaming break kaso she appeared back in the picture. I still love her. Tanga ko dba? Pag bigyan na! Hahahahahahaha. Pakiuntog ako sa chocolate hills.)

<><><><><><><><><>

SYDNEY POV

Tahimik pa din kami ni Megan na magkayakap sa ibabaw ng table nya habang pinaglalaruan nya ang aking buhok. Hindi ko pa maabsorb ng buo ang mga sinabi nya kanina. Hindi ko inexpect na ganito ang buhay niya. Hindi ko inexpect na may kabigatan ang dinadala nyang problema. Mukha naman kasi syang walang pakielam. Mukha syang matapang na tao, well... matapang naman talaga sya eh. Siguro, pamilya din nya ang dahilan kung bakit naging strong sya.

"Megan, paano nalaman ng daddy mo yung tungkol sa atin?"

She sighed. "Maraming koneksyon si Marco (Pangalan ng daddy niya)."

Nagkaroon ako ng doubt na magkakaproblema kami sa sitwasyon niya. Pinaglalaban niya ako... kaya ipaglalaban ko din sya.

"Megan, I am sorry kailangan mong gawin to." I mumbled against her neck. Natuwa ako sa desisyon nya na sumangayon sa dad nya kapalit ang pananatili ng mommy ko sa firm nila (ngayon ko lang dn nalaman to na sa daddy ni Megan nagwowork si mommy). Natuwa ako dahil kinain nya ang pride nya para sa akin. Natakot din ako para sa sarili ko dahil dinamay ako ng daddy nya, dinamay nya ang trabaho ni mommy. Natakot ako dahil hndi pwedeng mawalan ng work si mommy. Sya nalang kasi ang bumubuhay sa akin eh.

"Shhhh... wag kang magsorry. It's not your fault." she kissed my forehead. Bago mag gabi ay ihinatid na niya ako sa bahay. Magkaharap kami ngayon sa harap ng pinto.

"Wala ka ulit bukas sa school?" tanong ko.

Ginulo nya ang buhok ko at ngumiti sya. "Hindi ko alam. Goodnight, Sid."

Pumasok na ako sa bahay. Sa living room palang, amoy ko na yung niluluto ni mommy at ni Manang Bel na Kaldereta. "Maaa, I'm homeeee!"

Lumabas si mommy na naka-apron. "Bat ngayon ka lang, anak? May nagpadala sayo dito ng bulaklak." sabi nya

Bigla akong nakaramdam ng kaba. May magpapadala daw sakin ng bulaklak???? Omg, sana naman walang stand yung flowers na yan at sino naman magpapadala nyang mga flowers na yan?!!

"Sino nagbigay nito?" tanong ko habang nakatayo ako ngayon sa couch at tinitignan ang flowers na nilagay ni mommy dun

"Aba'y malay ko, ikaw Sydney ha. Nagpapaligaw na pala ang dalaga ko." sabi ni mommy

"Maaa, di ko nga kilala to."

"May note sa gilid, tignan mo"

Hinanap ko yung note. May nakalagay na sulat. From: your secret admirer in Psychology class.

Psycho class? Leche wala akong masyadong kinakausap na lalaki sa psycho class eh. Sa madaling salita, wala akong kakilala dun. Yun yung class na d ko kaklase si Nika eh. Kaklase ko dati si Ian dun kaso wala na sya eh.

Kinaumagahan...

"Good morning, Sydney." medyo nagulat ako sa pag dating ni Megan sa dining room kasama si mommy.

"Sydney, sabay na daw kayo ni Ate Megan mo."

Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa narinig ko. Nagngitian nalang kami ni Megan.

"Megan, kain ka muna. Nagbreakfast ka na ba?" tanong ni mommy habang naglapag sya ng plate ng bread sa table.

"Kumain na po ako."

The best thing I've ever had (gxg) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon