SYDNEY POV
Tumalikod siya at mas lalong kumirot ang dibdib ko.
"Oo! Hinahanap kita!" sabi ko.
Natatakot ako na baka di sya tumigil sa paglalakad. "PLEASE LUMINGON KA! BUMALIK KA DITO! WAG KANG MAGLAKAD PALAYO!" patuloy na sigaw ng dibdib ko.
"Hinanap mo talaga ako? Kasi ako hinanap din kita eh... kaso wala ka." Sabi niya. Tumigil siya sa paglalakad. Somewhat, i felt a sense of release pero tila nanakit ang mga mata ko. Ramdam kong galit siya. "Magkita tayo sa gym. 5pm." Dagdag niya. Hindi na ulit sya lumingon at naglakad palayo.
"Beshie, okay ka lang? nababaliw ka na ba? Bakit mo kinuha yung pepsi ni ate Meg?" tanong ni Nika na kakalabas lang ng cafeteria.
Hindi ako makapagsalita dahil parang mas malakas ang tibok ng puso ko kesa sa boses na maririnig ko pag nagsalita ako. I just nodded at pumasok na kami sa class namin. First time kong maganito. Di ako makapag focus sa class. kahit tinatarayan ko si Megan ay nakaramdam ako ng takot na baka pagkatapos nito ay di na kami maguusap pa. first time kong hindi nakita ang ngiti niya. Nagalit ba siya sa hindi ko pagsipot? Bakit siya galit?
*FLASHBACK
"I know her. Siya yung iniwan ako kanina. Ayaw ko pa naman yung naghihintay." She smiled.*end of flashback
...
Naalala kong sabi niya nung tinakbuhan ko siya nung araw na sinabi niyang susunduin niya ako after my class. ayaw pala niya ang pinaghihintay siya.
4:30 pa lang ay pumunta na ako sa gym. Habang naglalaka ako, i ws already hoping and praying na sisipot siya. 5pm na, wala pa siya.
Nakakaramdam ako ng kaba na baka babawi lang siya.
5:30 na, wala pa din siya. Umaasa akong darating siya. Umasa din ba siya na darating ako nung nakaraang araw? Malamang... kaya nga galit siya, diba? Naiiyak na ako.Naiiyak na ako pero pinipigilan ko. Tila nananakit na ang mga mata ko.
Isa isa ng namamatay ang lights sa loob ng gym. Natatakot na ako. Gusto ko man lumabas ng gym dahil unti unti ng dumidilim, ang pagdating nalang ni Megan ang rason ko para maglakas loob na mag-stay dito.
"Gusto kitang paghintayin kaso hindi ko kaya." Sabi niya mula sa likuran ko.
Tumayo ako to gaze at her. Naka-shirt siya, spandex shorts at naka-trainers pero hindi naman siya pawis. Magprapractice pa lang yata sila. Halo halo ang emosyon ko. Natatakot ako at worried ako dahil galit siya sa akin pero natutuwa din ako dahil dumating siya. Niyakap ko siya pero hindi ko naramdaman ang mga braso niya pabalik sa akin.
"Sorry na."
"Hinanap mo talaga ako?" she mumbled.
"Oo. Kainis ka."
Sa wakas, naramdaman ko ang arms niya pabalik sa akin. Niyakap din niya ako. Her other hand held my jaw. She pulled back a little to press her lips against mine. Mas lalong lumakas ang heartbeat ko. Hindi naglast ng matagal ang labi nya sa akin dahil madali siyang nagpull-back. She planted another gentle kiss on my forehead.
"Let's go." Sabi niya.
Finally, I saw her smile again. Her eyes glittered again like stars, which brought me at ease. Hawak kamay kaming naglakad papunta sa parking lot. Ayaw kong isipin kung bakit ganito ang nangyayari. Masyado lang akong masaya na kinausap niya ako at magkasama kami ulit ngayon kahit may mga tanong na sumisigaw sa likod ng utak ko, sinasabing 'bakit ganito? Bakit ganiyan? Normal ba to?'
Hinatid niya ako pauwi pero umalis din siya agad. Hindi ko na tinanong kung bakit medyo nagmamadali siya pero ano man yung rason niya ay iintindihin ko nalang siya. Namimiss ko man siya pero at least naging okay kami at ineexpect ko na bukas ay di ko ulit siya makikita, baka bibisita lang ulit sa kabilang planeta niya at mawawala lang ulit na parang bula.
Haysss Megan, ano ba tong epekto ng rabies mo sakin? -_-''
An: mas mahaba next chapter :)

BINABASA MO ANG
The best thing I've ever had (gxg) Completed
Teen FictionAN/WARNING: This is a lesbian/gxg story BOOK ONE Her name is Sydney. If miracle for everybody is getting to survive after a tragic accident or getting struck by lightning or probably inventing a magical wand to turn the sky into gold, my miracle is...