(An: na-unpublish ko yung XXI chapter kagabi!! SORRY GGRLLLSS! HAHAHA May part muna pala si Megan at Sydney before yung special chapter para kay Yuri. ENJOYYYYY! dedicated to @iamweak06)
SYDNEY POV
Bumalik kami sa beach house. Tapos na ata silang nagdinner at nasa kaniya kaniyang room na silang lahat. Umakyat kami ni Megan sa second floor para hanapin ang room ng lahat... may pinasukan kaming isang room at nabigla ako sa nakita ko. Agad na tinakpan ni Megan ang aking mga mata at hinila palabas ng kwarto.
Si Ate Camille at Yuri... sa isang kama... nag-ewan ko kung ano ang tawag don! Pwede ba!? Inosente ako!!
Hinila ako bigla ni Megan palabas ng napasukan naming kwarto sabay ang pagtakip ng aking mata gamit ka ang kaniyang kamay.
Whaaattttt the fudggeeeeee?!! SI ATE CAMILLE ANDRES AT SI YURI JUNG LEE?! ANO ANG GINAGAWA NILA?!! HINDI AKO MAKAPANIWALA AT NAKITA KO SILA SA ISANG INTIMATE POSITION AT KAPWA HUBAD.
Pwes, Sydney maniwala ka na! Dahil bago ngayon ay nagawa mo na kasama si Mega Delafuente.
Pumunta kami ni Megan sa room kung saan may dalawang queen-sized bed. Pareho kaming nakaunderwear lang at naka-loose shirt. Basang basa pareho ang aming buhok. Hindi na natanong si Aliyah at Jana na nasa loob na tila alam naman nila yung inayos naming gusot.
"Hello, ate Megan." bati ni Jana
"Hello.." Megan greeted back politely
Nakaupo si Ali at Jana sa kalagitnaan ng dalawang bed at nanunuod ng TV. Medyo busy si Ali sa pag-nguya ng chips at hindi kami masyadong pinansin. Nakatayo kami ngayon ni Megan sa harap ng pinto ng bathroom at nagsimula nanaman sa pagtatalo.
"Mauna ka na kasi." sabi ko kay Megan
She rolled her eyes. Sungeeet!! "Sydney, makinig ka nalang sa nakakatanda, okay? Mauna ka na."
Padabog akong pumasok sa comfort room. Lagi talaga siyang panalo! Hmmppppphhhh!!
Habang nag-shshower ako ay biglang pumasok sa isipan ko ang mga nangyari kanina. Hayssss. Ramdam ko pa yung init ng labi ni Megan sa aking leeg, yung labi niya sa labi ko. I can still feel how she moved her lips gently, how she gently sucked and kissed the parts of my body. Hayy Megan.
Bigla akong nakarinig ng pagkatok sa pinto. "Sydney? Matagal ka pa ba diyan o baka nagbabalik alaala ka pa? Dalian mo, nilalamig na ako dito!" narinig kong sabi ni Megan mula sa labas ng door
"Anong nagbabalik alaala ka diyan?! Malapit na!" sabi ko
Nung nakalabas na ako ay agad na pumasok si Megan sa bathroom. Tumabi muna ako kila Ali at Jana para makipag kwentuhan pero malipas ang ilang minuto ay lumabas sila para icheck si Taki. Baka daw kasi lumaklak na daw ng zonrox. Lumabas na din si Megan at naupo sa bed habang nagpapatuyo ng buhok.
Nahiga ako dun sa isang bed. Maya maya ay naramdaman kong tumabi sa akin si Megan. Hindi ko na siya tinulak para matulog sa kabilang kama dahil alam kong pagod din siya. Pinatay niya ang ilaw at saka binalot niya ang katawan namin gamit ang isang comforter. Noong una ay pinaglalaruan nya lang ang buhok ko habang nakatalikod ako sa kaniya. Gusto ko sanang pagmasdan ang mukha nya... kaso nakapatay ang ilaw eh. Hayyyyyyyyyyyyy
"Megan?" I mumbled as I gently moved myself closer to her. Humarap ako sa kaniya at saka niya ako hinayaang sumandal sa dibdib niya. Omg, ang sarap langhapin yung amoy niya :))))) ANG BANGO NIYAAAAA!!
"Mmmm?" she put her arm around me.
"San ka ba kasi pumupunta at lagi kang nawawala?" tanong ko. Di ko na talaga mapigilang maging curious. Imposible namang nawawala eto dahil sa volleyball practice dahil kahit si Ali at Yuri ay laging problemado tuwing nawawala siya.
She chuckled. You know what's sexy? Yung katabi mo siya, amoy na amoy ko ang bango ng leeg niya na kulang nalang ay isubsob ko ang aking mukha doon at yung marinig mo siyang tumawa. Yung nakapalibot ang arm niya sa akin, yung madilim ang kwarto at boses nya lang ang naririnig mo. "Bakit? Namimiss mo ako?" tanong niya.
"Hindi mo narinig yung mga sinabi ko kanina?" pagsusungit ko
"So, totoo yung mga sinabi mo kanina?" tanong niya ulit na tila nanlalambing nanaman ang kaniyang boses
"Hindi." sabi ko. Buti nalang at nakapatay ang mga ilaw, kundi makikita nya akong namumula. Nakakahiya man ang mga salitang binitawan ko pero hindi ako nagsisisi.
Tinawanan nalang ulit ako. Kainis. Maya maya ay biglang naging seryoso ulit ang boses niya. "Sydney?"
"Megan." Sagot ko
"Sydney, alam mo ba na ayaw kong pinaghihintay ako?" sabi niya
I sighed. "Oo. Alam ko na yun." Kailangan bang ulit ulitin yon para maalala ko???? Hayyyy nakoooooooo...
Nanahimik si Megan. "Ayaw ko yung pinaghihintay ako pero sayo lang ako naghintay ng dalawang oras sa gym. Ayaw ko yung pinaghihintay ako pero handa akong maghintay sa'yo."
Handa akong maghintay sa'yo...
Ano daw?
Teka, bakit niya ako hihintayin?
Bago ko pa siya tanungin ay nagsalita ulit siya. "Wag mo lang tagalan kung ayaw mong manghalik ulit ako ng ibang babae."
Tinulak ko siya palayo! Bwiset eh! So kaya pala niyang manghalik ng iba.
Hinila niya ako pabalik sa kaniyang tabi at sa kaniyang braso. "Subukan mo ulit na itulak ako palayo at baka--"
"At baka ano?!" I interrupted her.
"At baka gusto mong itali ko ang sarili ko sayo." Sagot niya
Bakit parang nagustuhan ko pa yata yung banta niya?
"Bakit mo ba ako hihintayin?" tanong ko
Nag-buntong hininga lang siya. "Hihintayin kita dahil mula ngayon ay nililigawan na kita." She mumbled with a tired voice.
Hihintayin kita dahil mula ngayon ay nililigawan na kita
TEKA... loading pa eh! Ano daw? Liligawan niya ako?! Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya. Gusto ko siyang sungitan para matakpan ang aking kilig pero pinili kong manahimik nalang dahil halatang pagod na siya. Alam kong di na niya kaya sa ngayon ang makipagtalo pa sa akin. Hinayaan kong matulog siya.
Bakit ganito? Bakit ang sarap sa pakiramdam na katabi ko siya ngayon at yakap yakap niya ako. Normal ba to? Hahayaan ko bang mangyari to? Maraming pwedeng mangyari... ngayon palang ay patong patong na ang worries na gumagambala sa utak ko. Hindi importante yun sa ngayon... ang importante ay masaya ako.
"Good night, Sydney." she mumbled in a very sleepy voice.
After 10 minutes...
"Megan?" I mumbled.
"Mmmm?"
"Megan, gusto ko kamay ko lang ang hahawakan mo. Gusto ko ako lang ang hahalikan mo. Gusto ko ako lang ang tatabihan mo sa pagtulog... gusto ko-"
"Ikaw lang ang gusto ko, Sydney kaya matulog ka na." she interrupted.
Nakulitan na yata siya sakin kaya parang pinapatulog na ako. Teka, ano ulit yung sinabi niya?
Ikaw lang ang gusto ko, Sydney kaya matulog ka na.
(AN: next chapter, about Yuri Jung lee. hehe)

BINABASA MO ANG
The best thing I've ever had (gxg) Completed
Novela JuvenilAN/WARNING: This is a lesbian/gxg story BOOK ONE Her name is Sydney. If miracle for everybody is getting to survive after a tragic accident or getting struck by lightning or probably inventing a magical wand to turn the sky into gold, my miracle is...