AN: Unang una sa lahat, maraming mraming salamat kay imweak06 sa pag-vote at pag-comment. Ikaw ang unang nag-vote at nag comment. Hahaha. Nagkaroon ako lalo ng lakas loob para tapusin ito. Maraming salamat. :) Keeep reading.
Love love.
x MyWholeOthaWorld
CHAPTER X
SYDNEY POV
Magkakatabi kami nila Ian at Nika sa likod ng isang class namin.
Pumasok si Ali at nakiupo... kasama ang bagong student ng University na si Yuri Jung Lee
Palihim akong nag-roll ng eyes nung pumasok sa room yung Yuri na yon.
"Ali, di ko alam to. Sagutan mo dali." Sabi ni Nika kay Aliyah. Siya ang hope namin dahil matalino naman si Ali eh.
"Anong ako? Diba pumasok kayo last class meeting? Alam mong busy ako sa practice nung isang araw, diba? Dapat ikaw sumagot, dali." Sabi ni Aliyah.
"Huy kayong dalawa, nakatingin yung facilitator." Pabulong kong sabi sa kanila dahil ako ang nasa gitna nilang dalawa.
Nung lumabas yung facilitator saglit ay tumayo si Yuri at tumabi sa isang nerd student sa harap namin. Nanlaki ang mga mata namin ni Ali at Nika dahil malandi niyang pinaglalaruan ang tenga nung nerd boy habang kinakausap siya. Wala pang isang minuto ay tinanggap nung nerd dude yung paper ni Yuri at nasagutan. Bumalik si Yuri sa grupo namin na may victory smile. Patay ka kay Megan pag sinabi ko sa kaniya to. Hmmmmp!
"Oh, ayan! Sagot niyo lunch ko ha." Sabi ni Yuri sabay abot kay Ali yung paper na sinagutan nung nerd boy sa harap.
"Mukha mo, naka-iscore ka na nga kagabi eh. Lahat nalang dinadaan sa landi at daliri!" Sabi ni Ali.
Naka-upong tamad si Yuri sa kaniyang upuan habang iniikot ikot ang ballpen sa kaniyang buhok. ABNORMAL YATA TO AH! "Kagabi yun, di ko nga nakuha number niya eh."
"Weak mo eh. Teka, nakakuha na ba si Mac ng condo unit mo?" tanong ni Ali
"Oo pero mas gusto ko magstay sa unit niya para libre food." Yuri mumbled in a bored voice. "Ilang taon na kaming magkaibigan nung demonyong yun, sanay na sakin yun."
"She's used to it but she still gets annoyed pag ginugulo mo ang pad niya." Ali chuckled.
Biglang pinunas ni Yuri ang daliri niya sa uniform ni Ali.
"Ewww! Yuri! Kung saan saan pumapasok yang daliri mo! Kadiri ka! May dumi ng tenga yan! Ewwww!"
"Shhhh." Sabi nung facilitator.
"Ikaw kasi." Mahinang sabi ni Ali kay Yuri. Si Yuri naman, tumatawa. Adik din tong babaeng to eh, noh?!
Si Yuri at Megan, friends lang talaga? Wala silang something? Bakit ilang araw nawala si Megan tapos bakit magkahawak kamay pa silang naglakad sa parking lot? Eh bakit sa condo ni Megan nagsstay tong isang may gapak din na eto?!
Masyado kasing maraming umiikot sa utak mo, Sydney. Hayyy naku naku...
Hayysss... eh bat ba kasi ako nakaramdamng inis?
Selos tawag diyan.
Bat naman ako magseselos? -_-
Pagkatapos ng isang araw ay nakaramdam ako ng pagkamiss kay Megan. Kahit pala nakakairita at nakakainis siya dahil sa bigla bigla niyang pagsulpot at pagkidnap ay nakakamiss din pala siya. Nakatambay kaming lahat sa ilalim ng puno. "Sydney, may boyfriend ka ba?" tanong sa akin ni Yuri. Medyo nabigla ako sa tanong niya.
BINABASA MO ANG
The best thing I've ever had (gxg) Completed
Roman pour AdolescentsAN/WARNING: This is a lesbian/gxg story BOOK ONE Her name is Sydney. If miracle for everybody is getting to survive after a tragic accident or getting struck by lightning or probably inventing a magical wand to turn the sky into gold, my miracle is...
