"Eh di ba bawal girls sa dorm?" Tumingin sakin si PJ. Yung look na parang wala-akong-magagawa-dyan look.
"1 night lang naman eh. Magtatago din naman ako.. please?" Nag puppy eyes pa sya. Tch, You're not even cute to be called puppy.
"Okay lang naman sakin..." No choice ako eh.
"Ikaw PJ? Is it okay with you?" Tapos hinawakan pa niya yung kamay ni PJ. Landi neto.
Um-oo lang si PJ at umalis. Nice! Gusto ko yun! Naiwan yung girl dito dahil sinuot pa niya yung heels niyang reserba. Ang bagal naman neto kumilos. Napaka un-gentlemen kasi kung iiwan namin siyang mag-isa. diba?
"Hoy bakit ang tahimik mo?" Sabi ko kay Lyndon, siniko ko pa nga siya kasi nakatulala lang siya.
"Wala. Di ko lang feel." Tapos umalis na din at naglaro ng soccer. Anong nangyari sa dalawang yun?
"Hey JC!" Oh. Buhay pa pala to. Este, tapos na pala siya.
"Is it really okay with you if I stay there tonight?" NO. Syempre Hinde! Hinde ko lang masabi sayo pero hinde talaga.
"Oo naman ano ka ba. Pero Mia... lalaki kami. Hindi ka ba natatakot?"
"Bakit naman ako matatakot?"
"Syempre, babae ka, lalaki kami. baka mamaya may mangyari pa sayo." Tumawa naman siya ng malakas. Ayoko sa tawa niya. So irritating.
"Okay lang naman." ANO?! Okay lang sa kanya na may mangyaring masama sa kanya? Landi neto!
Hindi na ako nakapag react pa kasi natumba kaming dalawa. And she's over me. Yuck! Someone save me! Hindi ko alam kung anong nangyari pero... omg. Nahawakan niya yung b**bs ko!
"Sorry! Natapilok kasi ako. Are you alright?"
"It's okay" This girl is so disgusting! Wala pang nakahawak nun eh! Maliban sa sarili ko. Wait... don't tell me nahalata niya na babae ako..?
BINABASA MO ANG
To The Beautiful Girl
FanfictionI am a girl and I'm studying in a school that's exclusively FOR BOYS ONLY.The reason why? READ TO KNOW..... -мιѕѕ_ιнeαrт ☺